#CHAPTER 5
I reached home safely.
Nakita ko si manang na nagdidilig ng halaman. Ganito rin ang gawain ni mommy dati. She loves nature.
"Oh, nanjan ka na pala saan ka naman nang-galing?"
"Jan lang po, naglakad-lakad" nakangiti kong sagot.
"Oh sha, kanina ka pa hinahanap ng dad mo. Pinasabi na pag nakauwi ka na eh tawagan mo sya."
"Sige manang, i'll call him. Tataas na ko ha? Mejo pagod narin."
Nag goodnight na ako kay manang at tumuloy sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.
Pagkatapos nun eh tumaas na ako sa kwarto at binuksan ung ilaw at aircon. Nag charge ako ng cellphone at humiga sa kama pagkatapos binuksan ung tv at nanood ng konti, tamang tama spongebob.
Matapos ang ilang minutong panonood, naligo na ako at nagbihis. Kinuha ko ung mga libro ko at nag review ng konti.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako sa tunog ng alarm clock. 8 30AM.
Linggo ngayon, kaya naman walang pasok.
Nagmuni-muni muna ako pagkatapos eh bumangon na at tumuloy sa banyo para mag toothbrush at maghilamos.
Pagkatapos nun eh bumaba narin ako para kumain ng umagahan. Hindi pala ako ng dinner kahapon nung bumalik ako. Naramdaman kong kumulo ang tyan ko at binilisan ang pagbaba.
Nawala ang gutom ko ng marinig ko ang boses ni dad at Mr.Ty, Stephen's dad.
Babalik sana ako sa taas ng biglang,
"Lauren, Come and say Hello to your uncle Ty." maayos naman ang suot ko, black pyjamas at red tee shirt. Ngumiti ako at nag goodmorning kay uncle Ty.
"Goodmorning too Lauren."
Ngumiti ako at naramdaman ang muling pagkulo ng tyan ko, gutom na gutom na ko. Patayo na sana ako para tumuloy sa kusina, ng biglang magsalita si Mr.Ty,
"Do you have anything on today Lauren?"
"No po tito."
"Alright, can you accompany my son to get his new suits?"
Hays, kakainis naman.. Tanda tanda na ni Stephen. -_______- Tumingin ako si dad at nakita syang tumango.
"Sure tito, excuse me." nakangiti kong sagot at tumalikod na at tumuloy sa kusina. Nakita ko si manang na naghuhugas ng mga plato.
Nakita ko ung lutong hotdog at itlog dun sa may kitchen divider. Kumuha ako ng tinidor at naupo pagkatapos ay nagsimula ng kumain, forget table manners, gutom ako.
"Bakit hindi ka dun sa lamesa kumain?"
"Nandito kasi si Tito Ty,"
"Oh eh ano naman?"
"Madaldal po un, di ako makakakain ng maayos." napangiti ako at isinubo ung hotdog pagkatapos eh sinubo ko rin ung itlog.
"Nako bata ka dahan dahan, mabilaukan ka nyan!" Matawa tawang sinabi ni manang, sya lang ang nakakakita saking kumakain ng ganito, sa harap kasi ng iba kailangan desente, kahit na gutom na gutom ka na kailangan unti unti parin ang subo mo.
Uminom ako ng tubig. Yan, tapos na. Busog.
"Lauren" napalingon ako at nakita si Stephen. Hays, ang aga pa para umalis tinatamad pa ako.. -_______-
"Stephen, napaaga ka ata?"
"Actually, kanina pa ako nandito. Nandun lang ako sa labas. Naninigarilyo." Nakangiti nyang sagot.
Yan ang pinaka-ayaw ko sa isang lalaki. Ang naninigarilyo. Isang major turn-off. Kasama narin ang mga umiinom, babaero at walang galang sa kapwa.
"Sige at maliligo muna ako," tumango sya at pumanik na ako para maligo at magbihis.
Normal lang ang suot ko, dark blue pants at white tee shirt. Sinamahan ko na rin ng white na relo at puting doll-shoes.
"You look gorgeous" sinabi ni Stephen and then he folded his arms.
"Thanks," sagot ko at lumakad papunta kay dad, "Alis na kami dad, tito." nakita kong tumango si tito.
Binuksan ni Stephen ang pintuan at pumasok naman ako sa loob.
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
Roman d'amourHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?