CHAPTER 9
Lauren's POV
Iba ang simula ng araw ko ngayon, hindi ung alarm clock ang gumising sakin kundi ang panaginip na nagpakasal daw ako kay Stephen.
Umiling iling ako at nagbuntong hininga. Tumingin sa ceiling at nagisip. Nagisip ako ng isang positibong rason kung bakit dapat kong pakasalan si Stephen.
Wala.. Mahirap. Iba talaga pag wala kang nararamdaman sa isang tao.
Lalo na pag kasalan na ang pinaguusapan.
Bumangon ako at tumuloy na sa banyo para maligo. May pasok pa. Pagkaligo eh nagbihis na ako. White long sleeves at dark red tight pants. Itinupi ko hanggang siko para naman hindi masyadong pormal tignan.
Pagkatapos nun ay tumuloy na ako sa baba para kumain ng umagahan.
Nandun si dad.
"Goodmorning dad" Malambing kong bati at umupo na ako para kumain.
Kumuha ako ng isang toast, dalawang hotdog at isang sunny-side up egg na sya namang ipinalaman ko sa tinapay.
"Lauren.." Mahinang sinabi ni dad.
Tumingin ako sa kanya at di makapag salita dahil nga puno ang bibig.
"You see, I'm only trying to plan for your future, Kung ano at saan ka makakabuti, I'm getting old. You know that,"
Napataas ang kilay ko.
Uminom ako ng juice at nagsalita.
"Dad, marrying Stephen won't put me into a good spot. Besides kaibigan lang ang tingin ko sa tao."
"But Laur-"
"No dad, please? Ayoko ng pagusapan ulit toh." Napa-buntong hininga si dad at itinuloy ang pag inom ng kape nya at pagbabasa ng dyaryo.
Inubos ko ang pagkain ko at nagpaalam na kay dad.
"Oh by the way," pahabol nyang sinabi, "Tine just came back from London."
Tine is my bestfriend.
Anak rin ng isang business partner ni dad.
Napangiti ako kay dad. And he smiled back. Alam kong ayaw nyang umalis ako na disappointed.
Matthew's POV
Lunch break na ata ang pinakahirap na oras para sa isang janitor. Ang dami kasing natatapon at kung ano ano.
"May nakatapon dun na sopas, pakilinis daw" sabi sakin ng kasamahan ko.
Kumuha naman ako agad ng basahan at pumunta na. Nakita kong may limang babaeng nakaupo doon at ung isa naman eh may natapon na sopas nga.
"Bilisan mo kaya! Ano ba!" Sigaw sakin nung natapunan. Binilisan ko naman ang kilos ko at pinunasan na ng maigi ung lamesa.
"Ang bagal mo naman! Kumakain pa kami dito eh!" sigaw naman ng isang babae, binilisan ko lalo ang paglinis dahil nga sa pati sa semento eh meron rin.
"Low life slowpoke..Tsk" mahinang sinabi isang babae at umirap.
"Excuse me girls ha," sinabi ng isang pamilyar na boses babae, hindi ko na pinansin at pinunasan na ng maigi ung semento. Nagpatuloy naman mag salita ung babae, "Sa inaasta nyo ngayon eh mas mukha pa kayong low life. And again excuse me, wag nga kayong trying hard. Alam ko kung sino ang mga magulang nyo and they work for my dad,"
Napatingin ako sa babae at nakitang si Lauren iyon. Nagtahimikan ung mga babae at nagsi-alisan na.
Ganito pala magsungit itong si Lauren. Napatingin sya sakin at ngumiti naman ako. Pagkatapos nun eh tumingin sya sa relo nya at umalis na.
. . .
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
RomanceHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?