CHAPTER 13
Lauren's POV
"Huy, Bakit tulala ka jan?" sinabi ko kay Tine sabay tapik sa balikat.
Nagulat naman sya kaya nakunot ang noo. "Eto naman."
"Oh ano? Tara na?"
"Saan?"
"Shopping, diba?"
"Teka teka, diba palusot mo lang sa dad mo yon? Pero sige, mag shopping tayo, sa isang kondisyon," napataas naman ang kilay ko.
"Ano naman un?"
"Isasama natin si Matt,"
Matthew's POV
"Matthew!" Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sakin kaya naman napalingon ako at napangiti ng makita ko si Lauren. At si Tine.
"Miss Lauren," napakamot ako sa ulo ko.
"Sama ka samin?" Nagulat naman ako, sasama sa kanila?
"Ano ho?"
"Sama ka samin," nakangiting sinabi ni Lauren at hinila si Tine, "Sya nga pala, si Tine, bestfriend ko."
Napangiti si Tine at inabot nanaman ang kanyang kamay, "It's nice to finally meet you again Matt," napatingin si Lauren kay Tine at napataas ang kilay, "You know him?"
"Oo naman,"
"Since when?"
"Since kaninang iniwan mo ako dito,"
Napa- "Ahh" naman si Miss Lauren at napatango-tango. Bumalik naman ang tingin nya sakin at ngumiti.
"Oh ano? Tara na?"
Nahiya naman ako, "Eh Miss Lauren, meron pa akong trabaho eh,"
"Okay lang yan, gusto mo kausapin ko ung head dito?"
Hindi na ako nakasagot pa at hinila nila ako papunta sa office.
"Goodmorning, Miss Villanueva" bati ng isang mataas na ranko sa school kay Tine at lalo naman akong nahiya.
"Yes, Well you see, my friend here.." itinuro nya ako, "Pwede mo ba syang palabasin ng maaga?"
Napatingin naman sakin si sir at napatingin ako sa semento sa hiya. Baka akalain nila ginagamit ko sila Tine..
"Yes, most certainly Miss Villanueva!"
"Thank you," at pagkatapos nun eh hinila nanaman nila ako palabas.
"May dala kabang ibang damit?" Tanong ni Tine.
Napakamot ako sa batok ko at sinabing meron.
Hinintay nila ako sa labas ng banyo habang nagbibihis ako.
Namula naman ako ng sabihan ako na pogi ni Miss Tine. Napatingin sa kanya si Lauren at binigyan ng isang tingin.
Napatawa si Miss Tine at sinabing, "Eto naman,"
Pagkatapos nun eh tumuloy na kami sa kotse nila at nagpunta sa isang malapit na mall.
Lauren's POV
Nakarating kami dito sa mall na sila lang ang nagkwe-kwentuhan. Para akong bodyguard -_______- Naupo kami sa isang Mcdonalds at umorder naman sila. Kinuha ko ang cellphone ko at earpiece pagkatapos ay nagsoundtrip nalang. Nagulat ako ng biglang may kumalabit sakin.
Napalingon ako at nakita ko si Stephen.
"Hey, Didn't know you were here," nakangiti kong sinabi at umupo naman sya sa tabi ko.
"Are you alone?"
"No, I'm with Tine and.."
"Hey Stephen," nakangiting bati ni Tine habang inilalapag sa lamesa ung tray na may laman na fries at burgers.
"Matt, take a seat." Nakangiting inutos ni Tine kay Matt na hindi alam kung ano ang gagawin. Inilapag nya ung tray na hawak nya na may mga large drinks at naupo na sa tabi ni Tine.
Bale, ganito ang pwesto, magkatabi sila ni Tine at magkatabi kami ni Stephen. Kaharap ko si Matt na halata namang hiyang hiya na.
"Oh, so you're with the garden boy." Nakangiting sinabi ni Stephen at mejo tumawa.
"Hey don't you call him a garden boy," kunot noong sinabi ni Tine.
"It was just a joke," sagot ni Stephen at kumuha ng fries.
"Pardon his bad manners," kunot noong sinabi ni Tine kay Matt.
"Okay lang ho.." mahinang sagot ni Matt at ngumiti.
Stephen's POV
Are they kidding?
They're with a garden-sideline boy.
Tss. What a joke.
"So, Lauren do you have anything on after this?" nakangiti kong tanong kay Lauren.
Kailangan ko narin umpisahan tong panliligaw para naman mapa-oo ko ito. As soon as possible.
"Uhmm,"
"Well?"
"Meron," Nakakainis lang rin tong si Tine eh, hindi naman sya ung kinakausap. Tss.
Napatingin ako kay Lauren to confirm na meron nga.
Tumango-tango sya at sinabing, "Yes, meron,"
Ibinalik ko ang tingin ko kay Tine na sya namang nakangiting aso.
Nag ring ang cellphone ko. At sinagot ko naman ito.
"Ah--Okay--Alright--I'll be there in 15minutes"
Napatingin ako kay Lauren at nagpaalam na. Binigyan ko ng isang tingin si Matt at napababa naman ang tingin nya. Sideline rin pala nya ang mang-gamit ng mga mayayamang babae para makakain sya sa labas. Tss..
Lauren's POV
Nang makaalis si Stephen eh humingi ako ng pasensya kay Matt.
Ngumiti lang sya at sinabing, "Okay lang ho un, tama naman sya eh,"
"Pangit lang talaga ang ugali nun," sinabi sa kanya ni Tine at ngumiti. Ngumiti rin naman si Matt pero halatang nasaktan sya sa sinabi ni Stephen.
Tine's POV
Naglalakad kami pabalik sa kotse ng may batang nagbenta kay Matt ng roses.
Nauna na si Lauren dahil nagpunta pa kami sa banyo.
Napakamot si Matt sa may batok nya at nginitian ung bata.
"Magkano ba yan brad?"
"Bente lang ho isa kuya, ibili nyo na ho yang magandang girlfriend nyo,"
napatingin sakin si Matt at mejo namula naman ako.
"Kaibigan ko lang yang si ma'am," mahinang sagot nito at kinuha ung limang roses at ibinigay sakin ung apat. Tumanggi ako nung una pero napilit nya rin ako. Nginitian ko sya at nagpasalamat.
"Para kay Lauren ba yang isa?" masinsinan kong tanong sa kanya.
"Ah, sa nanay ko ho,"
"Bait ah.." nakangiti kong sinabi at ngumiti rin naman sya.
Lauren's POV
Okay sila ha.
May flowers pa.
Akala ko nga ibibigay sakin ung isa.
Nagpractice pa naman ako sa kaloob-looban ko kung paano ngingiti at magpapasalamat. -_______- Tshh.
. . .
Next time naman, antok na ko.. Mabilis UD kasi tapos ko na'to. Comment :)
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
RomanceHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?