CHAPTER ONE
Nakaramdam ako ng marahang kalabit sa aking balikat.
"Excuse me m-ma'am, hindi pa po ba kayo uuwi?" nakangiting tanong ng isa naming empleyado.
Napatingin ako sa relo ko. 1 16AM. Nakatulog nanaman ako kakaisip kung paano magagawan ng solution tong ipinagagawa sakin ni dad.
"Hindi pa," mahina kong sagot habang tinitignan ung mga files na sobrang kakapal. Napabuntong hininga ako.
"May kailangan pa po ba kayo ma'am?"
"Wala na, sige at umuwi ka na at magpahinga, marami pa tayong gagawin bukas" sinabi ko habang inaayos ung mga files. Nakakasakit ng ulo. Naramdaman kong kumulo ang tyan ko. Di pa pala ako kumakain ng dinner. Ayoko kasing ma-disappoint si dad kaya naman ginagawa ko ng maayos lahat toh. Ako lang naman din ang pwedeng gumawa nito kasi ako lang ang kaisa-isang anak.
Inabot ko ung orange file na mejo mabigat-bigat dahil nga sa kakapal ng mga papeles.
Naglakad ako papunta sa car-park which is nasa first floor ng biglang may tumawag sakin.
"MISS DE LA VEGA!" Napalingon naman ako at napangiti ng makita ko si Stephen. Anak ng close business partner ni dad.
"Oh? Ano naman ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko at binuksan ung pintuan ng kotse para ilagay ung mabigat na file na dinadala ko.
"Ah, wala lang, naisip ko lang na baka nandito ka pa kaya naman ah, hinintay kita para mag dinner? Sabi kasi ng guard nasa loob ka pa, kaya naman yan, naghintay ako."
"Bakit naman di ka pumasok at naghintay sa loob? Di ka naman ibang tao dun ah." Taas kilay kong sinabi sa kanya.
"Naka-shorts lang kasi ako at tee shirt, nakakahiya naman kung papasok ako ng ganito sa kompanya, mapagalitan pa ako ni dad" Kamot ulo nyang sinabi.
"Oh sha, ano? Saan tayo?"
"Jan sa malapit na restaurant, 24Hours bukas un." Nakangiti nyang sinabi at tinuro ang direction.
"Sige, pasok ka na sa kotse." Nakangiti kong sinabi sa kanya at papasok na sana ng bigla syang nagsalita.
"May dala rin kasi akong kotse, Kung pwede dun nalang? Kasi ayaw ni dad na di ko inuuwi un. Kung ano ano iniisip."
"Ah, ganun ba.." mahina kong sinabi, hays ano ba yan, daming arte.
Kinuha ko ung file ko at binuhat nya naman. Naglakad kami papunta sa kotse nya at binuksan nya ung pinto para sakin. Nagkwentuhan kami habang nag da-drive sya. Mostly about work. Un lang naman ang palagi naming pinag-uusapan.
Nakarating kami sa restaurant at umorder ako ng pasta at orange juice sya naman eh lasagna at lime juice. Ng matapos kaming kumain, hinatid nya ako sa bahay. Buti nalang tulog na si dad kung hindi mahaba-haba nanamang kwentuhan toh -______-
Dumeretso ako sa kwarto, nag-charge ng cellphone at kumuha ng damit at naligo na. Pagkaligo, binuksan ko ang tv. Binasa ko ung mga nasa file at natulog na.
Ganito tumatakbo ang buhay ng isang LAUREN DE LA VEGA. (Araw araw)
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
RomantizmHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?