#CHAPTER 11

98 3 0
                                    

CHAPTER 11

Matthew's POV

Security Guard nanaman tong sideline ko. Okay naman, pandagdag sa ipon. Mejo madilim nga lang dito kasi nga mejo luma na. Hindi na nga naaayos ung mga ilaw at ung iba pundi na. Kung titignan sa labas eh parang lumang haunted house nalang, pero pag sumilip ka sa loob eh maganda naman at maayos.

Nang matapos ang trabaho ko eh tumuloy muna ako sa bahay at natulog ng dalawang oras pagkagising eh naglakad na kasama si inay papunta sa palengke kung saan nya kinukuha ung mga kakanin nyang ibinebenta tapos tuloy na ako sa pagigiging janitor.

Lauren's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. 7 30AM. Mejo inaantok pa ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog, alam mo un, natutulog ka pero gising ung isipan mo. Bumangon ako at tumuloy na sa banyo para maligo. Pagkatapos eh nagbihis na at nagayos.

Lumakad ako pababa para kumain ng umagahan.

"Hoy bru!" Ang aga naman ni Tine dito.

"Napaaga ka ata?"

"Syempre, diba may usapan tayo?" nakangiting sinabi ni Tine sabay kindat.

"Anong usapan naman yan?" Natingin ako sa taas at nakita si dad na pababa habang nagaayos ng suit nya.

Napatingin ako kay Tine na halata namang nawalan ng kulay sa mukha. Agad naman akong nag goodmorning kay dad.

"Goodmorning too Lauren. What are you up to with Tine this time?" Napatingin ako kay Tine at ibinalik ang tingin ko kay dad.

"Shopping." Napatango tango si dad at ngumiti naman si Tine.

"Ah, opo, shopping."

"Sige, mauuna na ako at may meeting pa. You girls take care."

Hinatid ko si dad hanggang sa may pintuan at ibinalik ko ang tingin ko kay Tine.

"You almost got me there," nakangisi kong sinabi, "Nawala tuloy gutom ko."

Napangiti si Tine at napa-peace sign.

"Eh ano ba kasi ang masama kung sasabihin mo sa dad mo ang totoo? Katulad nga ng sinabi mo, kaibigan mo lang sya."

"Iba parin bru, basta ipakikilala ko sya kay dad," umiling-iling si Tine at napangiti.

"Standards ba ang problema?" Tumango ako at napatingin sa kinakain ko at napabuntong hininga.

"Tara na nga at may pasok pa ako,"

"Teka teka may pasok ka?"

"Oo naman."

"Paano ako?"

"Half day lang naman kami, tumambay kahit saan dun. Dali na, ma-late nanaman ako,"

Dali-dali kaming sumakay sa kotse at nagkwentuhan, syempre hindi tungkol kay Matt dahil nga tenga ni dad tong driver namin.

Pagkarating sa school eh sinabi ko kay Tine na dun nalang sya sa loob ng kotse ng hindi sya mainitan. Pero dahil pasaway sya eh pumasok rin na school. Pwede naman kasi nga sponsor rin si dad nya dito. Tumakbo ako sa class at naiwan sya sa canteen.

. . .

Simpleng Tao (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon