#CHAPTER 6

97 2 0
                                    

CHAPTER 6

Matthew's POV

Katatapos lang ng sideline ko bilang tricycle driver kaya naman eto ako at kumuha ulit ng bago, taga hugas ng mga plato, bago ako pumunta sa isa pa mamaya, aayusin at gugupitan ung mga halaman.

Kailangan kumayod. Para mas mapabilis ang pag aaral at makatapos na. Para rin naman tumigil na si nanay kabebenta ng kakanin tuwing umaga hanggang hapon.

"Oh, Matt, eto ang bayad mo" Nakangiting sinabi sakin ng manager at inabutan ako ng 380 pesos.

"Salamat ho," sinabi kong nakangiti habang nagpupunas ng pawis.

Agad naman akong umalis para sa isa pang sideline ko. Pinuntahan ko ang address at mejo nanlaki ang mata ko ng makita ang napakalaking bahay. Mataas-taas ang gate nila kaya naman di mo masyadong makikita ung loob.

"Ikaw ba ung gardenero?" Tanong sakin ng isang matandang babae na tinawag ng guard.

"Oho, ako ho," sagot ko at napakamot sa ulo. Mejo pamilyar ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita.

"Ikaw ba ung tricycle driver kahapon?" mahina nyang itinanong. Bigla ko syang naalala. Oo, sya ung kasama kahapon ni Lauren.

"Ah, oho, ako nga."

Nagsimula na akong gumawa ng dapat kong gawin.

Posible kayang dito nakatira si Lauren? Hindi naman nya kasi ipinapakita kung saan sya nakatira. O kaya naman kung anong itsura ng bahay nila.

Pagkatapos ng isang oras,

lumapit ung matandang babae na may dalang zesto at tinapay.

"Mag merienda ka muna iho,"

"Hindi na ho, nakakahiya naman" Hindi naman talaga kailangan kasi nakakahiya, wala naman sa usapan na kakain ako dito.

"Nako, eto." Inabot nya sakin at wala na akong nagawa kundi kunin ito at bilisan na kinain. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa ginagawa ko. Pagkalipas ulit ng isang oras eh natapos ko na ung ginagawa ko at winalis na ung mga dahon.

Dumating ulit ung matanda at sinabing, "Magaling ka palang mag gupit ng halaman, kesa dun sa dati," napakamot ako sa ulo ko sa hiya.

"Hindi naman ho," inabutan nya ako ng 500 pesos.

"Ang laki naman ho nito,"

"Yan kasi ang sinabi ni Sir na ibigay, hayaan mo na at maganda naman ang pagkakagawa mo" Nakangiti nyang sinabi at nagpaalam narin ako pagkatapos kong magpasalamat.

Ng palabas na ako sa gate eh may nakasalubong akong kotse at isang pamilyar na tao ang bumaba dito, si Lauren.

"Huy Matt, ano ginagawa mo dito?" Nakangiti nyang sinabi habang papalapit.

"Nag gupit lang ho ng halaman at kung ano ano jan sa loob," napangiti sya at nahiya naman ako ng pumasok sa isip ko na oo, baka nga jan sya nakatira. Lalo akong nanliit dahil nga sa sakanila pa ako nakapag sideline.

May bumabang isang lalaki sa kotse at nginitian ako. Ngumiti naman ako pabalik at nagpaalam na kay Lauren.

Narinig ko ang usapan nila, "Kilala mo sya?"

"Oo, kaibigan ko.."

At kahit na malayo-layo na ako eh narinig ko ung sinabi nung lalake.

"What? You make friends with those kinds of people?" Bigla akong nahiya. Hindi ako magaling sa ingles pero naintindihan ko un at nasaktan ako pagkatao ko. Binilisan ko ang paglalakad. At pumara ng tricycle pauwi.

. . .

Simpleng Tao (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon