#CHAPTER 7

101 2 0
                                    

CHAPTER 7

Lauren's POV

Tumuloy kami ni Stephen sa isang mall at namili ng suit nya.

"Does this fit me?" nakangiti nyang tanong at tumango naman ako.

"Hindi naman eh parang iba ung contrast ng kulay," Napaka-arte, nagtanong pa. -_______-

Nginitian ko nalang sya at tinignan ang pagpili nya ng mga damit. Ng matapos sya eh nagbayad na at tumuloy kami sa isang restaurant.

He tucked the chair out for me at umupo naman ako and tucked it in.

"What would you like to have ma'am and sir?" desente at nakangiting tanong ng waiter.

Tumingin kami sa list at nag order ako ng macaroni with cheese at orange juice. Ganun rin naman ang inorder nya pero nag request rin ng mushroom soup.

"So, hindi ka sumasagot sa mga texts ko kahapon, were you that busy?" tanong nya sakin at itinaas ung mga kamay nya sa lamesa.

"Oh, well, yes.."

"Tumawag rin ako sa bahay nyo at sa school, wala ka na raw.."

Sarap upakan ng mga ganitong klaseng lalaki. Daig pa ang CSI at ang daddy ko kung magsalita. -______-

"I was out with a friend." Nakangiti kong sagot.

"Ah, A friend. Does this friend happens to be a guy?"

Pinigilan kong itaas ang aking kilay.

Buti nalang dumating ung orders namin at nagsimula na kaming kumain.

We ate peacefully hanggang sa matapunan sya ng hot soup ng isang waiter.

"OH SHIT!" Malakas na tugon ni Stephen. Nagtinginan lahat samin, at tumingin lang ako kay Stephen at sa waiter na sorry ng sorry.

"Pasensya na ho, sorry sorry sir,"

"Anong pasensya?! CALL YOUR MANAGER NOW!"

"Stephen it was an accident" Mahina kong sinabi sa kanya at pinaupo, hindi sya sumunod. Kinausap ung manager at pinatatanggal ung waiter.

Nakakahiya -_______-

Ng matapos ang complains nya eh inaya na nya akong umalis sa restaurant at kumain sa iba pagkabihis nya.

See how unreasonable he is? Paano kung kailangan ng waiter ung trabaho na un? -_______-

"Sorry about just now," mahinang sinabi ni Stephen.

"Why did you have to get him fired?"

"Look, i'm sorry talagang, ayoko lang sa mga ganong klaseng empleyado na hindi nag iingat sa mga ginagawa nila." I tried to understand his point. Oo may punto sya, but can't he give him a second chance?

Tumango-tango ako at pagkatapos kumain eh nagyaya ng umuwi.

And we did.

Nung nasa gate na kami, nakita ko si Matt. Mejo madungis tignan at marumi-rumi na ung tee shirt nya na suot, pero gwapo parin tignan. Bumaba ako ng kotse at ngumiti naman sya.

Lumapit ako sa kanya at itinanong kung ano ang ginagawa nya dito. Halaman? Ah, siguro ung shrubs na ipinaaayos ni dad. Agad agad naman syang nagpaalam.

Hindi ko alam kung narinig nya ung usapan namin ni Stephen.

"What do you mean?" taas kilay kong tanong kay Stephen, "Hindi masamang tao yan"

Biglang nawalan ng kulay ang mukha nya, "Okay okay, hindi nga sya masama pero ano nalang ang sasabihin ng iba pag nakitang nakikisama ka sa mga katulad nila?"

Katulad nila?

"Ano naman Stephen?"

"Wala, sige na nga. Ikaw ang bahala, mauuna na ako ha?"

Tumango ako at pumasok na sa loob.

Napansin ko ung mga shrubs, ang gandang tignan. Maayos at malinis. Napangiti naman ako. Ang daming talent ni Matt ah.

. . .

Simpleng Tao (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon