CHAPTER 10
Lauren's POV
Mga walang modong babae.
Nakakainit ng ulo ung mga un.
Akala mo kung sino umasta.
Tapos na ang klase kaya naman pauwi na ako. Bubuksan ko na sana ung pintuan ng kotse ng may biglang tumawag sakin, napangiti ako ng makita ko si Matt.
Lumakad sya papunta sakin. Humarap naman ako sa kanya. At naghintay.
"Miss Lauren, salamat nga ho pala kanina," napataas ang kilay ko at siguro ay nagtaka sya kung bakit, "Bakit ho?"
"Diba sabi ko sayo wag mo na akong ho-in? Tyaka magkasing edad lang ata tayo."
Napakamot sya sa ulo nya.
Something he always does, tuwing nahihiya.
Cute nga eh. Este, iba.
"Pasensya na Miss Lauren, nasanay na eh."
"Okay lang,"
"Sige, mukhang may lakad pa kayo.. Mauna na ako at may sideline pa,"
Ngumiti sya at naglakad na papalayo.
Sipag ha.
NagRing ung cellphone ko at sinagot ko naman ito. Pumasok ako sa kotse at nagpadrive sa malapit na Mcdonalds. Ng makarating dun eh umorder ako ng fries at coke.
Nakita ko si Tine at itinaas ko naman ang kamay ko. Hindi naman sobrang taas. Ung tama lang para makita nya ako. Nakangiti nya akong nilapitan,
"Bru!" Napangiti ako and I stood up to give her a light hug tapos eh naupo narin kami.
"Oh umorder kana muna tyaka tayo magkwentuhan,"
"Di mo pa kasi ako inorder, tsk" nakangisi nyang sinabi, "Oh sya teka."
Nang maka-order na sya ng fries at mcfloat eh nagkwentuhan na kami.
"I heard you're staying here for good?" Nakangiti kong sinabi.
"Well, i'm not sure of that yet. Pinagiisipan ko pa."
"Ah, ganon ba.."
"Anyway, I heard that you're getting married."
Napataas ang kilay ko at napatigil sa pagkain.
Nanliit ung mga mata ni Tine, "Hindi ba?"
"Ofcourse not. Wala pa sa plano ko yan, and besides alam mo naman na kaibigan ko lang si Stephen at hanggang doon nalang un"
Napangiti si Tine at tumango tango.
"Oh sha, Let's not talk about that. Eh ung Matthew na naikwe-kwento mo? Ung janitor? Akala ko ba ipakikilala mo sakin? Na excite pa naman ako kaya tumuloy ako agad sa pagkikita sayo kesa mag pahinga"
Eto ang gusto ko kay Tine eh.
Hindi sya ung tipong bumababa ang tingin sa mga taong hindi masyadong asenso sa buhay.
Napalagay ako ng kamay ko sa noo, "Ay, bru, nakalimutan ko. Sorry"
"Eh bakit hindi nalang natin puntahan ng makita ko?"
"Di ko naman alam kung saan nakatiraa un tyaka.. ewan."
"Anong ewan?"
"Nakakahiya kasing itanong noh, baka ano pang isipin."
"Ah, na baka stalker ka?"
"O-este hindi! Kumain ka na nga lang jan," natawa si Tine at sumubo ng sumubo ng fries.
"Nakita na ba sya ng daddy mo? No, I mean, does your dad EVEN know him?"
Napailing-iling ako.
"Magkaibigan lang naman kami.." mahina kong sinagot at napatingin sa kinakain ko.
Hindi ko kasi alam kung matatanggap ni.. teka, bakit ko ba iniisip toh. Hindi naman problema un kasi magkaibigan lang kami.
Nang matapos kaming kumain at magkwentuhan eh umuwi narin kami.
Tumuloy ako sa kwarto at nag muni-muni. Pagkatapos nun ay naligo na at nag review. Tapos eh natulog na. Pero ang daming sumasagabag sa isipan ko. Isa na dun eh si.. Janitor Matthew.
. . .
BINABASA MO ANG
Simpleng Tao (On-Going)
RomanceHe's poor. She's rich. They fall inlove. What happens next?