Iya Nadine Bernardo
"Finally!" Sabi ni Ivan nang makapasok kami sa loob ng mall.
Sabado ngayon at napag usapan namin na mag-kita sa mall para naman makapag relax at mag enjoy. Actually, wala talaga akong balak na sumama dahil tinatamad ako at nag titipid ako cause it's almost Elli's birthday. Kaso si Elli rin ang dahilan kung bakit napasama ako. Pumunta lang naman siya ng apartment at kinulit ako ng halos apat na oras.
Maliban kay Kelly, ayaw ko rin sa makulit na Elli. Wala sa mukha niya pero si Elli yung tipong hindi ka talaga tatantanan pag hindi niya makuha ang gusto niya. At mas okay na sakin na mag lustay ng pera ngayong araw kesa tiisin ang pangungulit niya.
"So saan tayo?" Cheska asked."Nuod tayo movie, kain, tapos arcade," Yaya ni Elli.
"Let's Go!" Sigaw ni Leo kaya naman dumiretso na kami sa 3rd floor kung asan ang sinehan.
"Hmm. How about this?" Tanong ni Elli while pointing at the poster of 'The Revenge of William' which is an action movie.
"Game ako!" Sabi ko as if I'm saying present to a teacher. Napangiti naman si Elli at inapiran ang kamay kong nakataas sa ere.
"Game!" Elli said.
"Wala bang iba? Romance? or Comedy?" Cheska asked kaya naman nag katinginan kaming dalawa ni Elli.
Elli, Ivan, and I ended up watching the revenge of William. While Cheska and Leo are in another cinema to watch some rom-com movie na hindi ko alam ang title.
"Kung meron lang talaga akong kasamang girlfriend, I'd end up watching romance too," Sabi ni Ivan kaya naman natawa kami ni Elli.
"With your maturity Ivan, sa tingin ko hindi ka pa handang makipag date," I said in sarcasm and Elli laughed in return dahil alam niya kung gaano ka childish si Ivan.
"Makatawa ka eh immature ka rin naman," Pang-aasar ko kay Elli kaya naman gumanti ng tawa si Ivan. Pag pasok namin sa loob ng sinehan, napili namin na dun sa upper part umupo sa medyo gitna. I sat beside Elli while Ivan sat beside me so bale nasa gitna nila akong dalawa.
"Anyway, Elli," Ivan called.
"Bakit nga pala di mo kasama si Kelly ngayon? You could've invited her para makapag date na rin kayo. At tyaka para makasama rin namin siya," Sabi ni Ivan kaya naman siniko ko siya.
"I can't stand that girl tapos gusto mo sumama pa siya satin?" Iritado kong tanong.
"If Kelly's here, syempre hindi tayo sasama sa kanilang dalawa ni Elli no. Pano magiging date 'yun kung kasama tayo?" Tanong ni Ivan.
"So tayo pa dapat ang mag adjust?" I asked, almost annoyed.
"Eh bakit galit ka agad?" Tanong ni Ivan.
"Hoy ano ba kayong dalawa. Stop arguing about something as petty as that," Singit ni Elli.
"Eto kase eh," Paninisi ko kay Ivan.
"Wag kayong mag-alala. Kung andito si Kelly, 'di talaga 'yun sasama dahil 'di niya naman trip ang mga tipo ko. Mas gusto niya yung romance, fiction, or dramas," Sabi ni Elli.
"So si Iya pala talaga 'yung bagay sayo," Sabi ni Ivan kaya naman napatingin kaming dalawa sa kanya.
"Well, you both share the same interests tapos sobrang close niyo pa. Kulang na lang maging kayo," Ivan said kaya naman nabatukan ko siya.
BINABASA MO ANG
More Than Friends (Book 1)
RomanceIya Nadine Bernardo and Ellias Joaquin Alfaro are certified bestfriends since age six. Iya Nadine is known to be audaciously bold, the cool one, and the opposite of nice. She doesn't give a single damn about people but Elli is an exception. Ellias J...