CHAPTER 3

40.7K 1.5K 489
                                    


"May bago na daw kalandian si Hollace."

Nakuha ni Gelo ang atensyon ko at mukhang ako nga talaga ang kausap niya.

"Uhmm okay?" I said while trying to solve something at my book and calculating at my scientific calculator.

"Wag kayong maingay may prof tayo." Bulong ni Jem ngunit hindi nagpa-awat si Gelo.

"Olivia daw ata pangalan nung babae." Bulong muli ni Gelo.

"Parang pamilyar, STEM student 'yon ah?" Jem whispered pero ako, walang pake, nakikinig lamang ako sa prof namin. Ano ngayon kung may bago si Hollace? Magigiba na ba ang mundo para magka-pake ako?

"Girlfriend niya na ata?" Gelo whispered.

"Wag nga kayo maingay." I said as I looked at the chalkboard again at kaasar saglit lang ako nalingon tapos ang dami na agad nadagdag sa solution?

"Ay putangina ano 'yan? Ang dali lang niyan kanina ah? Ang ingay mo kasi Gelo." Jem whispered at mukhang sumubok siyang humabol sa pagtatanong sa mga classmates namin.

Next sem pala may work immersion na ako mas lalo akong magiging busy, nakakaasar naman.

Nang maglabasan kami ay bumungad sa akin si Caleb naalala kong whole day nga pala kami at bukas pa simula ng dire-diretso naming half day hangang Friday. Nagpapakitaan kami ni Caleb lagi ng schedule pero kahit match naman kami hindi naman siya nakakasabay.

"Hey." He said and as he walks beside me. "Want to have a lunch together?"

"Sige, saan ba?"

"Malalaman mo, masarap don!" I nod and nilabas niya ang umbrella niya dahil ma-araw at sinilong kaming dalawa. "Musta nga pala Business Finance?"

"Ayon nakakadugo ng ilong." I laughed. "Pero para sa future CPA!"

"You can do it." He smiled and nang nasa kalsada na kami ay pinagpalit niya kami ng pwesto dahil ako ang malapit sa mga sasakyan.

"Saan ba talaga 'yon?"

"Malapit na, 'to naman." Lumiko kami at napansin kong ang kainan ay katabi ng isang vape shop at ang daming mga nagv-vape at mga naninigarilyo tapos open pa yung kainan. "Sensya na ma-usok pero promise worth it yung pagkain."

I can't help but to admire how he talk, smile, and darn it he's so gentle. He pulled a chair for me at na-upo siya sa tapat ko.

"I want sisig." I said at siya din ay ganoon ang in-order.

"Hey, Magui." I looked up only to see Hollace holding a cigarette and when he saw me looking at the cigarette he immediately threw it and stepped on it. "Sorry."

"Hey, Hollace." Caleb said and Hollace nod at him.

"Are you free later? May hindi ako magets sa Gen Math." My brows furrowed when he bend down to face me and darn it feels kinda awkward.

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw?" I raised my brow at him and he sighed. "Please?"

"Bro, her siblings needs her at home but if you want I can ask for someone who'll be willing to help you. Chicks pre." Caleb said still looking so nice ughh Caleb why are you like that? You're so perfect from substance to looks.

"I'm talking to Magui." I glared at Hollace after he shut down Caleb.

"Busy ako." I said and his brows furrowed.

"Busy on what?"

"Pwede ba? May girlfriend ka naman na ah? Bakit hindi ka doon magpaturo!" I can now see his smirk.

Moonlight From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon