Napagdesisyunan na ni Edrian na umuwi ng Pilipinas. Ngayong nasa ayos na ang lahat at nakabalik na rin si Adrian, wala nang dahilan para manatili pa siya dito. Nagawa na niya ang dapat para sa kapatid niya. Malaki ang naging impact ng ginawa niyang exposé sa mga traydor na members ng organization kaya mas naging madali para sa kapatid niya na makuha ang leadership nito.Nakahanda na lahat ng gamit niya at inaayos niya na lamang ang kanyang suot na plain white long sleeved shirt at itim na slacks na pinarisan na brown na boots. Inayos din niya ang kanyang buhok at binalik na niya ang dati niyang makinis na mukha na walang bahid ng anumang balbas. He is back being Edrian Aragon.
May kumatok sa pinto ng kanyang kwarto at napabaling siya dito. Si Janus iyon at nakangiting inabot sa kanya ang isang box.
"Bakit kasi kailangan mo pang umalis? You can stay here with us. Alam mo kung kami lang dito ni Adrian baka sa susunod na linggo umuwi na rin ako sa Pilipinas. Having you here makes me feel that I am still back home."
Lumapit siya dito at inabot ang box na hindi pa rin niya alam kung ano ang nilalaman.
"Adrian will take good care of you. Binilin na kita sa kanya at kung may gawin man siyang kalokohan you can freely leave him. But I know he won't do that. He waited for you for so long. At hindi ito ang mundo ko, Janus. I have to fulfill my own dreams. I will start from scratch and build all of them."
Tumango lang si Janus sa sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi naman ito magpapapigil kahit anong gawin niya.
"Anong laman nito? Bakit mo ako binigyan ng regalo?" tanong ni Edrian at inalog pa ang box kung ano ang laman nito.
Sinenyasan siya ni Janus na buksan iyon at yun ang ginawa niya.
"Oh--- Holy--- How did you? How did you found this?" hindi makapaniwala si Edrian sa kanyang nakita sa loob ng box.
Isa iyong photo album ng mga pictures na kinukunan niya noong highschool pa silang dalawa. Mga scenery at mga importanteng bagay ang subject ng mga pictures na iyon.
"I know you always wanted to be a famous photographer. It was never missing. Ako ang kumuha niyan mula sa kwarto mo when you were having a hard time dealing with the rape incident. Akala ko susunugin mo ang album na'to kaya I had to keep it. Pati yung mamahalin na camera na binili ng Daddy mo for your 16th birthday, I tried taking it with me pero narealize ko, it was your outlet. Kaya hindi ko na inattempt kunin pa 'yun."
Naluluha si Edrian habang tinitingnan niya ang laman ng album. Ang mga pictures na kinunan niya during his teenage years. Ang mga ala-ala ng masasaya niyang sandali bago siya nasadlak sa isang madilim na sitwasyon na hindi na siya nakalimot pa.
"When you went to Palawan with me and took all these beautiful pictures of El Nido and Coron, I was so happy. It feels like you really wanted to do photography. And I want you to fulfill that dream, Edrian. Sana ito na ang pagkakataon na gawin mo ang mga bagay na talagang magpapasaya sa'yo."
Yinakap ni Edrian ang kanyang kaibigan ng mahigpit. Pinasalamatan niya ito dahil hindi nito nakalimutan ang pinangarap niya para sa buhay niya noon.
"Yeah--- I guess I need to get back to doing this thing again. I might be your wedding photographer. So just watch out for that."
Nagyakap pa silang muli bago tuluyang bumaba si Edrian bitbit ang kanyang luggage at ang regalo sa kanya ni Janus.
Nasa baba naman ng hagdan si Seya at Adrian na kanina pa nag-uusap.
"I always wanted to protect my brother. And now that you are there to do that for me, please don't mess it up. I see you as my brother too and I don't want anything bad happening to the both of you."
BINABASA MO ANG
The Bedwarmer (BL)
RomanceEdrian got infatuated with his boss in the company he was applying for the first time in his life. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit dito ay ginawa niya ang lahat upang malaman kung ano ang meron dito at huli na ng malaman niya na pumasok siya sa...