12: Whatever It Takes

2.6K 131 29
                                    

   Ramdam ko ang init ng hininga ni Andrew na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin. Ngayon ko lang naranasan ang sabay na maguluhan at mgaing payapa. Andrew beside me makes everything seem easy. Pero kapag naiisip ko ang maaaring mangyari kapag nalaman na niya ang lahat ng mga nangyayari, hindi ko alam kung magiging ganito pa ba ang pakikitungo niya sa akin.

  Bumangon ako sa aking kama at agad nagtungo ng banyo upang makapaghilamos. It was 6 AM and I have to go to work. Pero si Andrew, na may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuan ko ay mahimbing parin ang tulog. I wonder how he manages a big company while being like this at the same time?

  Agad naman akong nagtungo ng kusina to cook breakfast for us pero nagulat nalang ako nang may naamoy na akong nilulutong pagkain galing sa kusina. Si Henry! Nasa apartment ko siya ngayon?!

   Lalo akong kinabahan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. It was Andrew without any clothes worn. Yumakap siya sakin mula sa likod at para ba akong mababaliw sa susunod na mga mangyayari.

  "Edrian? Gising ka na ba? Nagluto na ako ng breakfast natin." rinig ko ang boses ni Henry mula sa kusina at napalingon ako kay Andrew only to find out the confusion in his face.

  Agad niya akong nilagpasan at nagtungo siya sa kusina. Sinundan ko siya at tila ba naging semento ako sa mga sumunod na pangyayari.

  "Who the hell are you? Anong ginagawa mo dito sa apartment ni Edrian?" mataas ang tono ni Andrew na nagpapahiwatig lang na may hindi magandang mangyayari.

  Nakita ko kay Henry ang pagkalito din while he was changing his glances from me and Andrew. Hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang ganitong sitwasyon.

  "Edrian? Why is this man naked? At anong ginagawa niya dito sa apartment mo?" galit ang tono ni Henry at iyon na ang hudyat para hingin sa lupa na sana lamunin niya nalang ako.

  Biglang kwenilyuhan ni Andrew si Henry at galit na galit siya dito. Agad ko naman silang inawat at pumagitna ako sa kanilang dalawa.

  "Andrew calm down, this is Henry. My best friend. Hindi ko alam na pupunta siya dito ngayon."

  Nakita ko kay Henry ang pagkagulat sa mga narinig niya mula sa akin. But I really don't know how to handle this. Wala na akong maisip gawin o sabihin. Ayokong magkagulo sila dito ngayon.

  "Really? Best Friend? Ganun na ba ang definition mo sa akin ngayon? Well, para sa kaalaman mo, Sir.. I am Henry Liam Veneracion and Edrian's boyfriend." madiin niyang sambit na nakadagdag lang sa kaba na nararamdaman ko.

  "Boyfriend? Huh! So you are the one who is messing around with Edrian habang wala ako?" at tumingin si Andrew sa akin with the look that he can kill someone at the moment.

  "Andrew.. Please just calm down okay? Magpapaliwanag ako. Hindi ko ginusto lahat ng ito."

   Hinablot ako ni Henry palayo kay Andrew at mas lalong nagalit si Andrew and tried to punch Henry in his face pero nakailag ito at sinuntok din naman ni Henry si Andrew sa may tiyan nito bago ko siya malakas na hinawakan sa kanyang mga kamay bago pa siya makagawa ng kung ano.

  "Please stop this!!!" sigaw ko at doon lang siguro nila naramdaman na hindi na tama ang ginagawa nila.

  "Kaya pala palagi kang busy. You are screwing someone while you also fuck with me. I should have known na ganung klase kang tao. You will pay for what you did to me, Edrian." sabi ni Andrew while he stood up and rushed into my room at kinuha ang mga damit niya. Sinuot niya ang mga ito at agad na umalis ng aking unit.

 "Siya ba ang dahilan bakit gusto mo na tumigil na ako? Yung lalaking yun?" 

  Napatingin ako kay Henry at puno din ng galit ang mukha niya. Hindi ko alam kung paano pa ba ako makakapagsalita. Sa harapan niya, isa na akong maduming tao. And why would I even complain? It is true. Isa akong maduming tao.

The Bedwarmer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon