11: Stirring Trouble

2.9K 122 4
                                    



    Hindi ko parin alam kung paano ko narating ang mataas na gate na nasa aking harapan ngayon. Matagal na rin nang huli akong nakarating dito. Para akong nasesemento sa aking kinatatayuan habang iniisip ko pa rin kung tama ba na narito ako? Ito ba talaga ang dapat kong gawin. I am so drained and out of options. Kailangang kailangan ko sila ngayon.

   Pinindot ko ang doorbell at agad namang may lumabas na isang guard sa maliit na entrance. Alam kong hindi niya ako kilala dahil matagal narin simula nang ako ay makapunta sa sarili kong bahay. My parent's house to be specific.

  "Sino po sila?" tanong sakin ng matangkad at may itsura din na guard na nakangiti pa sa akin at napangiti nalang din ako sa kanya ng bahagya. 

  "Edrian.. Ako si Edrian." pagpapakilala ko sa kanya na agad namang ikinalaki ng kanyang mga mata. Hindi niya inaaasahan na darating ako sa bahay dahil ang alam ko, may sama ng loob pa rin sa akin ang aking mga magulang.

 "Sir--Sir Edrian.. Sorry po at hindi ko po kayo nakilala. Bubuksan ko na po ang gate." mabilis siyang tumalikod sa akin upang buksan ang gate ng aming malaking bahay. I am nervous and at the same time may takot rin akong nararamdaman sa posibleng mangyari. Kapag sinabi ko kay Mama at Papa ang tungkol sa aking problema.

  Agad akong pumasok at sumalubong agad sa akin ang napakagandang lawn ng aming bahay. Ang garden na hindi nalalayo sa swimming pool na puno ng bulaklak ang mga halaman. Ang paborito kong mga Columbian Roses na alagang alaga ko noong nandito pa ako.

   Nang tuluyan na akong nasa malaking pintuan ng aming bahay ay napahinga ako ng malalim. There is no turning back now ngayong nandito na ako. Kailangan kong lunukin ang aking pride at subukang hingin ang tulong ng aking mga magulang.

   Bumukas ang malaking pinto at linuwa noon si Manang Virgie. Ang aking yaya simula nang ako ay ipanganak. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya kung sino ang nakatayo sa harapan niya.

  "Ay, jusko! Edrian! Diyos kong mahabagin.. Salamat at dininig niya ang panalangin ko." naluluhang sambit ni Manang Virgie bago ako lapitan at yakapin ng mahigpit.

  Napangiti naman ako at kahit papaano ay naibsan ang aking mabigat na nararamdaman ng yakapin ako ng aking yaya na nagsilbi ko naring pangalawang ina.

   "Nanay Virgie.. Kumusta po kayo? Sorry po at ngayon lang ulit ako nakapunta." sabi ko pa bago ko maramdaman ang pag-iling niya at agad akong tinangay papasok ng aming bahay.

 "Kailangang malaman ni Ernesto at Vivian na nandito ka. Sigurado akong matutuwa sila na bumisita ka dito." masayang saad niya sa akin bago niya ako dalhin sa living room ng aming bahay at naabutan kong nakabukas ang TV.

   Nasa sofa ang aking Mama habang umiinom ng wine. Ngayon pa lang ay alam ko na ang mangyayari.

   "Vivian.. Nandito si Edrian." pagpapaalam ni Nanay Vergie kay Mommy. Napalingon naman siya sa kinatatayuan namin at walang emosiyon niya akong tiningnan.

  "Virgie.. Kailan pa tayo nagpapasok ng mga taong hindi naman natin kilala? How many times do I have to make that clear?" may halong galit sa boses ni mommy habang tumatayo siya sa malaking sofa ng living room namin at naglakad palapit sa amin ni Nanay Virgie.

 "Vivian! Anak mo si Edrian? Bakit mo nasasabi ang mga bagay na iyan sa harapan ng sarili mong anak?" pagtatanggol sakin ni Nanay Virgie ngunit hindi manlang iyon napawi ang galit sa mga mata ni Mommy.

 "Bakit ka pa bumalik dito, Edrian? Para sabihin na nagsisisi ka na sa ginawa mong pagtalikod sa amin ng Daddy mo? Ano? May nangyari ba sa buhay mo nang lumayas ka sa pamamahay na'to?"

The Bedwarmer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon