ADRIANI never felt so nervous in my entire life. Nabuhay ako sa mundo na maraming delikadong bagay ang nakapalibot sa akin. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit tinatamaan ako ng nerbiyos. Siguro dahil sa napakatagal ko na ring hinintay ang pagkakataon na muli siyang makita.
Hindi ako kailanman naglakas ng loob na lapitan siya kahit noong nasa highschool palang kami ng kapatid ko at madalas, nakikita ko siyang kasama si Edrian sa canteen at hindi ako lumalapit sa kanila o nagpapakita manlang.
I had this shyness over him. Para akong nanghihina kapag nakikita ko siyang ngumingiti at tumatawa ng malakas wearing his thick glasses and his teeth was with braces at that time.
Natapos kami ni Edrian ng highschool nang hindi ko manlang naipapakilala ang sarili ko sa kanya. Even that kind of cowardness alone makes me think that I don't even deserve him.
Pero nandito ako ngayon sa loob ng isang high end restaurant just near the hotel I checked myself in. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako si Edrian. But I need to go with the flow. Baka kapag nalaman niyang hindi ako ang kaibigan niya, bigla siyang matakot. Maybe he knows that we are twins.
Ilang minuto pa ako naghintay bago ko mapansin ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. He is as tall as I am. And he was wearing a red fitted shirt and white pants with a pair of black boots. His hair was brushed upwards and I can't help but feel so hot all of a sudden.
Ngayon pa lang ako nakakita ng isang taong kaya akong painitin ng ganito kabilis. And he was doing that to me. Naglapat ang aming mga tingin at isang malaking ngiti ang tuluyang nagpatibok ng mabilis sa puso ko.
This man is driving me crazy right now. I can't even move in my position.
Naglakad siya papalapit sa akin and he grabbed my hands and I don't know why I suddenly stood up and grabbed him from his waist and hugged him. His smell made it even harder for me to resist him.
"Edrian.. Thank God at sa wakas nagpakita ka rin sakin. I was so worried about you. Bigla ka nalang hindi nagparamdam sa amin ni Claire."
Hindi ako nagsalita instead I used up all the opportunity para mayakap ko siya. His body was warm and well toned. Parang gusto ko siyang hubaran ngayon din at iparamdam sa kanya ang matagal ko nang gustong gawin noon pa man.
"Okay.. You are acting wierd right now. Bakit mahigpit ang pagkakayakap mo sakin? Are you okay?" tanong ni Janus sa akin and I have to give it up for now.
Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at nakita ko ang pagbabago ng mukha niya nang magkatitigan na kami.
"Sorry, namiss lang talaga kita. Sorry if I haven't called you in a long time. Marami lang talagang nangyari na mahirap ipaliwanag."
"Claire told me everything. The last time you talked with her was you were in trouble with your company boss and that bastard, Ryan Saavedra."
Nakita ko ang galit sa mukha niya nang sabihin niya ang pangalang iyon. Edrian really have strong bond with his friends.
"I'm okay now. May tumutulong na sa akin upang muling makulong si Ryan and I quit my job in that company. Ayokong mas lalong gumulo ang sitwasyon." I said in a very Edrian way possible. Alam kong marahan lang magsalita si Edrian unlike me who says it like I mean it.
"Parang may mali talaga sa'yo. When did you have those piercings? And when did you start wearing shirts like that? You look so classy. Hindi ikaw ang Edrian na kilala ko."
Nahahalata na niya siguro na hindi talaga ako si Edrian. Kahit naman malaman niya na hindi ako si Edrian, alam kong maiintindihan niya ang lahat kapag naipaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari.

BINABASA MO ANG
The Bedwarmer (BL)
RomansaEdrian got infatuated with his boss in the company he was applying for the first time in his life. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit dito ay ginawa niya ang lahat upang malaman kung ano ang meron dito at huli na ng malaman niya na pumasok siya sa...