Season 2

2.6K 109 12
                                    

   
       "This is not a good idea. What are you even asking me for? Baliw ka na ba talaga?" sigaw sa akin ng taong nasa harapan ko ngayon.

      I was just staring at him from head to toe. I am so happy that I've finally see him again after a long time of being separated pero ito siya, sinesermonan na ako agad.

     "Do you see how I look right now? My right foot is about to be decapitated dahil sa aksidente. I might not walk anymore. My face is wrecked. Everything in me is damaged. I am asking you this because you are my brother!" pagmamakaawa ko sa kanya at linapitan niya ako. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko.

    "Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakalaya pala ang hayop na 'yun? Did you honestly think na hindi ko aalamin kay Mommy at Daddy ang tungkol sa nangyari sa'yo? You never called me. Never bothered to even talk to me. As if I am not a part of you!"

    "Kasi ayaw ko nang madagdagan pa ang taong madadamay sa problema ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. I might just want to kill myself to end this. But every time I see those faces in my head, ang mga taong sinaktan ako at ginamit ako dahil lang sa pansarili nilang kagustuhan, I can't help but feel so disgusted. I want them to pay for what they did to me. Dahil sa kanila, nasira ang buhay ko."

    Niyakap ako ng aking kapatid. Ang kapatid ko na kahati ko sa lahat simula ng pinanganak kami sa mundong ito. My brother. My twin brother.

    "I will help you.. Nandito na ako. Gagawin ko ang lahat upang mapanagot silang lahat. But you have to be strong. I cannot do this if you will only pity yourself. Kailangan mo ring lumaban. We have to do this together, Edrian."

   "Adrian.. I don't know what to do without you."

   -----------------------------------------------------------------------

     Pumasok siya sa aking kwarto at tiningnan niya ako habang inaayos ang sarili ko sa salamin. He smiled at me. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya ngayon. Maaring magkakambal kami ngunit iba ang pagkatao ni Adrian. Bata pa lang kami, he was the mischievous one. Palagi siyang nasasangkot sa gulo. At ako ang nabubugbog ng mga siga sa school namin sa pag-aakalang ako ay siya.

    Linapitan niya ako at inayos ang aking necktie na kaparehas na kaparehas sa kanyang suot pati narin ang suit namin ay magkaparehas.

    "This is the first time na parehas ang suot natin. Ayaw na ayaw mo na binibilhan tayo ni Mommy ng parehas na damit dahil hindi mo gusto na pareho tayo ng suot. Ngayon parehas na tayo sa lahat ng bagay. Are you sure we have to do this? Hindi ka ba nag-aalala na matutuklasan din nila na hindi ako ang Edrian na kilala nila."

    "That is exactly then point. You have to be different. Dapat palabasin natin na wala na si Edrian Aragon. Ikaw na ang kikilalanin nilang Edrian Aragon."

    He looked at me and he just nodded. Alam kong mahirap para sa kanya ang gagawin naming pagpapanggap, but this is for me to end everything. To destroy everything.

    "We planned this for a long time now, Adrian. Wala nang atrasan. Kailangan nating magawa ito for our safety and the peace of our lives."

     Sabay kaming lumabas ng aking kwarto at bumaba sa hagdanan. This is the start of our plan. Hindi kami pwedeng magkamali.

    Agad naman kaming bumaba sa hagdan at nakita ko ang mga tauhan niya. They were dressed formally like us. He made a notorious name for himself. My family disowned him for being a reckless person kaya gumawa siya ng paraan para maipakita kay Mommy at Daddy ang nangyari sa kanya. Kahit galit ang mga magulang ko sa kanya, kahit papaano ay mag cimmunication pa rin sila as what Adrian always told me.

    "Is everything ready, Seya?" tanong niya sa kanyang tauhan na Japanese ang nationality.

    "Yes, boss. We just need your order." sagot naman sa kanya ni Seya and he was shocked when he saw me. Alam kong magugulat sila dahil ang pagkakaalam nila, wala kapatid si Adrian let alone, a twin brother.

    "This is my twin brother, Edrian. I will place him under your care when I'm away. Mr. Kim and Yslav knows about this already. Never say anything to anyone outside our circle. You understand me, Seya?"

   Napatungo lang ng kanyang ulo si Seya at agad na giniya si Adrian patungo sa pintuan ng kanyang malaking bahay. Naiwan naman ako sa sala bago siya muling lumingon sa akin at kinausap ako.

   "Alam mo na ang dapat mong gawin.. Naituro ko na lahat ng dapat mong matutunan. I am doing this for you. So make sure you do your part."

     Tumango ako at tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

    "Sorry for troubling your life like this. Ikaw na lang ang alam kong makakatulong sa akin."

   "I could have killed them when you told me everything. But if this is what you want, wala akong magagawa kundi pumayag sa gusto mo. Pagbabayarin ko sila sa lahat ng kanilang ginawa sa'yo, Edrian."

   And before I even realized, naglaho na si Adrian sa paningin ko sakay ng kanyang black na Jaguar. Patungo na siya sa airport at ako ay maiiwan dito para magpanggap na siya. Natatakot ako para sa kapatid ko. He is a dangerous man himself pero ang makita ko siyang masaktan din, parang mas lalo ko lang naiisip na hindi ko na dapat siya dinamay pa.

   But this is how it begins. The fulfillment of my vengeance. Siguro sapat na dahilan na ang pagkawala ng aking kanang paa upang ipadama sa lahat ng nanakit sa akin kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko.

   That day I almost died. Sa pagtakas ko mula sa kamay ni Henry. Sa taong inakala kong magiging sandigan ko. Sa taong akala kong totoong mamahalin ako.

    I don't know what lies ahead with all these things.

    Hindi ito ang panahon para makaramdam pa ng konsensiya. They played with me. Then I will play with all of them too.

    
     Soon...

The Bedwarmer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon