7:Vengeance

2.1K 100 4
                                        


     "I planted someone inside the company to spread the rumors about Ryan Saavedra's past. His parents hid the truth about his whereabouts during those 10 years that he was in prison. They said he was in France to study his doctorate in engineering and business administration."

     Napatango naman ang taong nasa kabilang linya na kausap ni Adrian. Si We Zhi Gao na isang Chinese business tycoon ang naging sandata ni Adrian upang tuluyang mapabagsak si Ryan Saavedra na puno't dulo ng lahat ng pinagdaanan ng kanyang kakambal.

    Kita naman ni We Zhi ang pagtatalo ng mga board members ng Highlands Construction mula sa kanyang kinauupuang pwesto. Inimbetahan siya ng isang malapit na kaibigang nagkataon na shareholder din ng kompanya at napadali na sa kanya na kumbinsehin itong kwestiyunin ang kakayanan ni Ryan Saavedra na patakbuhin ang kompanya dahil sa marahas nitong pag-iisip. Hindi pa kasama ang paglalabas niya ng isang malaking pondo para sa investment ng isang five star hotel na matagal nang target ng Highlands Construction.

    "It worked well, Adrian. Everything is in your favor now. Mr. Saavedra will be kicked out of the company in no time."

     Napangiti naman si Adrian sa kabilang linya bago niya ito patayin at muling humithit ng sigarilyong kasisindi niya lang. Nakaharap siya sa glass wall ng hotel room niya at tanging boxer briefs lang ang suot. Hindi magtatagal at matatapos na rin ang mga binabalak niyang gawin para sa kanyang kapatid.

    Hindi niya namalayan na may tumatawag na pala sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran.

     "Boss.. We have a lead of Henry's whereabouts. He still lives in that exclusive subdivision where we found Sir Edrian after his accident."

      Napalingon siya sa nagsalita. Si Huchi na matagal na niyang bodyguard at isa sa pinakamagaling niyang tauhan ang may dalang tray ng pagkain para sa kanya.

     Lumapit siya dito at inabot ito. Isa pang magandang balita ang narinig niya.

    "I need you to find out where he goes and what he does so we can pin him down once and for all. That jerk will cause chaos if he remains on the loose. Edrian will never find peace if that person is still lurking around looking for another victim."

    Tumango lamang sa kanya ang bodyguard at lumabas na sa kanyang kwarto. Kapag natapos na ang lahat, babalik na sa normal ang mga bagay. Babalik na rin siya sa dati niyang buhay at hindi niya maiwasang isipin ulit si Janus.

    Matapos ang gabing nalasing ito at dinala niya ito dito sa kanyang kwarto ay hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Binantayan niya lang ito hanggang sa tuluyan din siyang nakatulog.

    Nang dumating ang umaga ay pagkalito ang naramdaman ni Janus dahil sa hindi nito inaasahan na may nakahanda nang almusal para sa kanya at nagising siya sa kwarto ng isang hotel.

    Pinaliwanag ni Adrian ang nangyari at humingi naman ito ng tawad sa kanya. Matapos ang umagang iyon ay hindi na muli sila nagkita.

    Siguro nahalata na ni Janus na hindi siya si Edrian. Hindi mapigilan ni Adrian na mag-alala dahil baka hindi na siya nito gusto pang makita dahil sa panlilinlang niya dito.

    --------------------------------------------------------------------

     Hindi inaasahan Edrian ang kanyang magiging karanasan sa Russia kasama si Yslav na isang makapangyarihang negosyante sa buong Moscow. Kilala ito dahil na rin sa naging kontribusyon ng mga magulang nito sa Russian Government.

    "I really can't tell who is Adrian and you right now. Adrian thought you well. I never would have guessed he will go this far for you." sambit ni Yslav sa kanyang Russian accent na pagiingles.

The Bedwarmer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon