Chapter 9: Tension Attention

3.9K 154 15
                                    


      Nakatulala lang ako habang nagdidiscuss ang team leader ng bagong product line na ilalabas ng Andromeda sa susunod na taon. I really can't focus on listening to him, because my mind is somewhere else. Pilit ko paring sinasariwa ang mga nangyari samin ni Henry noong nakaraang gabi. The way we had sex was so intense but yet so gentle. Nararamdaman ko ang sensiredad ng bawat haplos niya sa katawan ko. It made me feel na meron talaga siyang nararamdaman para sakin.

    And that makes me feel so anxious. Paano kung malaman ni Andrew that I am feeling this way towards another man. And that man is unfortunately his son. Mas lalo lang sumasakit ang sintido ko kaya naman naisipan ko nalang na magpaalam sa kanila at lumabas saglit upang lumanghap ng hangin. The room was suffocating me.

     Nang makalabas ako ay isang matangkad at bruskong lalaki ang biglang lumapit sakin and he was looking intently into my eyes. Walang tao sa corridor ng third floor kaya naman malaya niya akong nahapit sa aking bewang at batid ko ang galit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

     "Leaving in the middle of an important meeting?" galit na saad sakin ni Andrew. I never thought that he could be this enraged. Alam niya na kaya ang nangyari kagabi?
   
     "No Sir.. I excused myself because I'm not feeling okay." magalang kong sagot sa kanya. He looked at me wierdly at para bang meron siyang gustong sabihin but instead he dragged me by the hand at dinala niya ako sa isang bahagi ng third floor na hindi ko pa kailanman narating.

     It was an empty room with just walls and dull paint all over it. Binitawan niya ako at nagsalita siya habang nakatalikod sa akin.

      "Where were you last night? Tell me honestly." may halong galit ang boses niya habang nakikita kong kinukuyom niya ang kanyang kamao. I was frozen in my place dahil di ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. What if he tried to spy on me using his guards at nalaman niya ang nangyari sa amin ni Henry last night?

    "I told you, Sir. I was in a family emergency last night. I had to go home and see it for myself."

    "Talaga? I thought your own family disowned you for not telling them the truth about yourself, Edrian?" sarkastikong tugon niya at humarap siya sakin with a fake smile on his face. Nakatingin lang ako sa kanya with amusement. Talaga bang hinahalungkat niya ang buhay ko? Did I just get into more trouble?

   "Believe it or not, I was with my family last night." paninindigan ko parin sa king kasinungalingan but Andrew was just smiling at me. He knows that I was lying to him at napapalunok nalang ako habang lumalapit siya sa akin. He pressed his lips on my cheeks and whispered in my ears.

  "You are not a good liar, Edrian. Just remember that I am watching you. And I own you." 

   Naglakad siya palabas ng sekretong silid at naiwan akong nakatulala sa kawalan. Nanginginig ako dahil sa takot at sa mga posibleng gawin ni Andrew ngayong may nalalaman na siya. At hindi ko kakayaning saktan niya si Henry, lalo pa't hindi pa niya alam kung anong ang kaugnayan nila sa isa't-isa.

  Mabilis ko siyang hinabol pero nang makalabas ako ng silid ay wala ni siya. Wala na akong makita kahit na sino sa third floor. Kaya naisipan kong bumalik nalang sa meeting para mawala ang kaba na nararamdaman ko. Pero it was even worse dahil pagkapasok ko palang ay nakita ko na si Andrew sitting in the end of the table while watching the presentation. 

   The awkward atmosphere between me and him is just making it harder for me to breath.

  ------------------------------------------------------

    When I got to my apartment ay napatigil ako sa harap ng pinto, napakaraming roses at mga stuff toys ang nakatambak doon. Si Henry nanaman ba ang may kagagawan nito? Napapangiti man ay di ko parin maiwasang makaramdam ng kalungkutan. Ngayon palang nagsisink in sa akin ang mga ginawa ko. Natatakot ako sa posibleng kahinatnan ng aking ginagawa. Pero wala akong maisip kundi sumakay na lamang. Nagawa ko na, I have to face the consequences of my stupid actions.

The Bedwarmer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon