Chapter 11

6.4K 295 36
                                    

Lennox

Kitang kita niya ng tanggalin ni Keegan ang suot nitong rayban. Ibang iba ito sa Keegan na nakilala niya. Sa Keegan na kaklase niya. She's not the nerdy she was calling.

"Kuya Dobert. Iwan mo muna kami."

Tumalima naman ang lalaki pero bago iyon ay tinapunan muna siya ng masamang tingin saka tumalikod at naglakad palayo kung nasaan ang motor nito.

"What do you want, Lennox?"

Bumuka ang bibig niya pero wala siyang mahanap na itanong rito. Marami pero hindi niya alam kung anong uunahin sa ngayon.

The last time Keegan called her name ay napagsabihan niya ito pero sa ngayon. Hindi niya alam kung masasabi pa niya ulit ang mga nabitawang salita noon. Ayaw niyang mawalan ng malay kagaya ng mga lalaking nakahandusay na nakapalibot rito ngayon.

Wala itong imik na umalis sa harapan niya. The typical Keegan na laging umiiwas sa mga gulo kaya ngayon ay iniiwasan na naman siya nito.

"No wait!" Pigil niya ng papasakay na ito sa sasakyan nitong corvette. Ok, she's not naive. Most corvette cost eight million at depende iyon sa modelo ng sasakyan. Ibig sabihin ay milyonaryo ang mapagpanggap na nerd na ito.

"I dont have time for this."

"Manloloko ka talaga ano?!" Pagsusungit niya rito ng makabawi siya.

"Wala akong niloko. Whatever my reason is. Wala kana don, Lennox."

Natameme siya sa sinabi nito. Umalis ito doon hanggang sa makarinig siya ng mga ungol tanda na nagigising na ang mga lalaking nakatulog kanina.

Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo siya papunta sa sasakyan niya. Mahirap na't baka siya pa ang mapagbalingan ng mga ito. Taranta siyang nagmaneho at hindi alam kung saan siya pupunta. Kung uuwi na sa mansyon o babalik nalang ulit sa kanilang eskwela. May klase pa siya mamayang hapon pero kailangan muna niyang i-digest ang anumang nangyari sa ngayon.

She was right. Keegan isn't really the Keegan she knew.

Ibang iba ang Keegan na nakaharap niya kanina sa Keegan na binu-bully nila sa eskwela. Magaling ito sa martial arts pero bakit ni minsan ay hindi ito lumaban sa kanila? Is it a part of her plan? Ano ba talaga ang ginagawa ni Keegan at bigla nalang itong lumitaw sa eskwela nila?

Hindi ito pwedeng maging isang agent na may sinusubaybayan itong tao sa campus nila. May bodyguard ito. It was clear like crystal at hindi siya bingi. The 'Dobert' guy called Keegan a señorita. So, that means she's really something.

Napagdesisyonan niyang umuwi nalang muna. Pagdating sa kanilang mansyon ay aligaga siyang bumaba ng kotse niya bago diretsong pumasok sa loob. Natigil siya ng marinig ang pagtatalo sa loob ng library. It was her Mom and Dad fighting again over some stupid conversation. But how could she say it was stupid kung wala siyang alam kung ano ang palaging pinag-aawayan ng mga ito?

Dahan dahan siyang naglakad palapit sa pintuan ng makita niya si Manang Carmen. Isa sa mga maid nila. Pinandilatan niya ito at agad naman itong tumalikod na parang walang nakita.

Lumapit pa siya sa pintuan. Mabuti nalang at medyo nakaawang ito kaya dinig na dinig niya ang dalawa.

"That was a long time ago!" Mariing wika ng Daddy niya sa naaasar ng boses. "Hindi ka ba nakakaintindi Lucy? Nanligaw ako pero ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko!"

Kumabog ang dibdib niya sa kanyang narinig. May karelasyon ba dati ang Daddy niya o may kabit ito ngayon at nahuli ng Mommy niya kaya laging nagtatalo ang dalawa?

"Ako nga ang pinili mo dahil siguro nabuntis mo na ako noon at wala kang choice pero ang puso mo nasa kanya pa rin! I saw the way you looked at her that evening! After all these years Steven siya pa rin?!" Galit ring sumbat ng Mommy niya.

Nanghihina siyang napasandal sa tabi ng pintuan. So this is the reason why kung bakit palaging nagtatalo ang mga ito. Dahil sa isang babae noon?

"Kung makapagsalita ka ay parang naging kami ni Kesha."

"Oh bakit hindi ba ha?!"

"Hindi nga! Bakit mo ba kami pinag-iisipan ng masama ha Lucy?! Anong nakain mo't bigla kang nagkaganyan?! Wala ka bang tiwala sa akin at sa pagmamahal na meron ako sayo?!"

"Damn you!"

Pinalubo niya ang kanyang pisngi dahil sobrang childish ang pinag-uusapan ng mga ito. Kelan pa iyon kung ganun? Kung kelan matanda na ang mga ito ay saka mag-aaway ngayon.

"Mark my word Steven! Hindi mo magugustohan ang gagawin ko kapag nangyari na ang plano ko!" Makamandag na wika ng Mommy niya. Napatakip siya sa kanyang bibig. Hindi pa niya nasasaksihan ang ganitong side ng Mommy niya. Ngayon palang.

"Dont you dare do anything wreckless against her Lucy! She had nothing to do with this! You are just too blind to see the truth dahil natatabunan iyan ng selos!" Galit din ang Daddy niya ngayon. Usually ay palaging malambing ito but now, these two are different.

"I dont care Steve!"

"Nababaliw kana Lucy!"

Lumayo siya sa pintuan at saka patakbong lumabas ng mansyon nila. She needed to get away. Her life's starting to get mess and she doesnt know where to turn or run to.

Bumalik siya sa kanilang eskwela. Matagal siyang naupo sa kanyang sasakyan habang nakikinig lang ng kanta at nag-iisip. Dumagdag pa ang problema ng mga magulang niya sa alalahanin niya ngayon.

And who's Kesha?

Isa pa iyon sa nagpapagulo sa isipan niya. Kung hindi naging sila ng Daddy niya, bakit ganun na lang ang galit ng Mommy niya kung makapagselos sa babaeng iyon?

Napabuga siya ng hangin ng maalala rin si Keegan. Isa pa ang nerd na iyon. Well, isang mapagpanggap. Manloloko inshort.

And why does she have to mess her head? Ok na siya noon pero simula nong magpakita ito ay nagiging komplikado na ang lahat para sa kanya.

Gusto niyang mapasabunot sa kanyang buhok. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Today's too much for her. Hindi niya kinakaya ang mga nalalaman niya.

Hanggang sa dumating ang first and last subject nila sa hapon ay nakatulala lang siya sa loob ng sasakyan niya. Bago pa man mag-bell ay nakapasok na siya sa loob ng classroom. Walang imik ang mga kaibigan niya ng makitang madilim ang aura niya.

Wala siyang ganang naupo at napatingin sa bandang bintana kung saan palaging nakaupo si Keegan.

Her eyebrows frowned ng makitang nakatitig ito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay but she was stunned ng ngumiti ito sa kanya bago ibaling ang pansin nito sa bintana.

What the heck!

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon