Keegan Hadlee
"Dito ka sa tabi ko maupo." Demanding na wika ni Lennox sa kanya. Napakunot siya ng noo. Kelan pa sila naging close ng ganito? Parang kelan lang nong pinagt-tripan pa siya nito kasama ng mga kaibigan nito.
She was being nice. Ewan lang niya kung may ibang plano itong masama sa kanya. Kung may binabalak itong gawin sa kanya pero ayaw pa rin niyang magtiwala.
Lennox is unpredictable.
Mahirap basahin ang iniisip nito dahil sa nakikita niya, madaling magbago ang pakikitungo nito.
"Keegan, I said dito ka sa tabi ko maupo." Ulit nito ng hindi siya gumagalaw sa harapan nito. Kelan pa nabago ang arrangement ng upuan nila? Ang alam niya simula nong una ay don siya sa gilid nakaupo sa may bintana. Now Lennox wanted her to take a seat beside her.
"Keegan." Mahina ngunit madiin na wika nito. Nagsasalubong ang mga kilay. Para itong nagme-menopause. Ang aga aga pero nagsusungit na naman ito.
At kelan pa siya ulit nito huling tinarayan pagkatapos ng ilang buwan? Kung sampolan kaya niya ito ngayon? But ofcourse, she will not do that.
Napasulyap siya sa mga kaibigan nitong nakaismid sa kanya. Halatang hindi gusto ng mga ito ang pagi-imbita ni Lennox sa kanya pero mga wala namang magawa. Kita nga niyang bakante ang nasa tabi ni Lennox na sadyang inilaan sa kanya.
Halos napipilitan siyang humakbang at dahan dahang naupo pero laking gulat niya ng bumagsak siya sa sahig. Darn! May humila sa dapat ay uupuan niya.
Nagtawanan ang mga kaklase nila ng makita ang nangyari sa kanya. Marahas na tumayo si Lennox at humarap sa likuran kung saan masama na ang tingin kay Peyton.
Mabilis naman siyang napatayo.
"Why the heck did you do that for?!" Mataas ang boses nito at namumula ang mga pisngi sa galit. Natigil ang buong klase sa pagtatawanan. Hinawakan niya ang kanang braso nito para awatin.
"I'm ok, Lennox."
"No! This bitch will pay!"
Nanlaki ang mga mata niya ng makawala ito sa kanya at iglap lang ay nasampal na nito si Peyton na hindi nagtangkang manlaban. Napaupo si Peyton habang masama ang tingin kay Lennox.
"Ano ha?! Lalaban ka o gusto mo pang bigyan ko ng asawa ang sampal mo?!" Mataray na wika nito. "Apologize to her."
Tumingin si Peyton sa kanya. "I'm sorry." It was too obvious she's faking it.
"Do better than that!"
"Keegan, I'm sorry."
"Next time, know where you stand, bitch." Madiin na wika nito.
What's wrong with Lennox? May problema na naman kaya ito at bakit parang ang aga aga e sirang sira na ang araw nito?
Ito na mismo ang kumuha sa upuan niya kanina at pinaupo siya doon. Ang ibang mga kaklase nila ay nagtataka dahil pinagtatanggol na siya nito ngayon. Malayo sa dating trato ni Lennox kanya.
Tinitigan niya si Lennox habang nakatulala ito sa white board. Maganda talaga ang babaeng ito. Mataray lang talaga. Wala siyang maipipintas dahil perpekto ang panlabas na anyo nito. With Lennox height, her beauty and charm, and body to die for.
Napakurap siya rito ng hindi inaasahang bumaling ito sa kanya. Nakaagaw pansin ang mga labi nitong parang inaakit siya. Damn! Bakit niya pinupuri ang babaeng ito? Pinagnanasaan ba niya si Lennox? Or nagiging bakla na siya rito? Hindi siya bakla diba?
Parang natauhan lang siya ng makitang tumaas ang isang sulok ng labi nito. Medyo napaatras pa siya ng lumapit ito sa kanya. Palagay niya'y nagsitayuan ang kanyang mga balahibo ng dumampi ang mga labi nito sa kanyang tenga.
"Bakit ganyan ka makatingin sakin, Kee? Naaakit ka?" Mapanukso nitong bulong sa tenga niya.
Marahan niya itong itinulak. Nakangiti na ito ng tumingin sa kanya. Bipolar ang isang ito.
"Hindi ka naman kaakit akit." Bara niya rito na ikinatawa lang nito dahilan para matulala siya ulit. Sakto namang pumasok ang Professor nila at tuluyan ng natahimik ang kanina'y maingay na paligid.
"Ok class. As I've said before. If you study well, papasa kayo. But if you didn't, well then goodluck!" Bumaling ito ng tingin sa kanya. "Miss Monteverde."
"Po?"
"Come forward and distribute this test questions to them. Tulad ng sinabi ko, exempted ka sa exam."
Napangiti siya sa sinabi ni Prof Madriaga. She's not so bad after all. Tumayo siya't kinuha niya ang mga test questions sa lamesa nito. Nagsimula siya sa gilid. Binibilang muna niya kung ilan ang mga ito sa isang linya hanggang sa matapos siya.
"Iyong mga nasa harapan. Pass the rest of the test questions backwards. Dont ever think of cheating or else." Pagbabanta nito. Nagsimula na ang pasahan ng test questions at ilang saglit lang ay sinasagot na ng mga ito ang mga katanungan.
"Keegan."
"Ma'am?"
"Bring your chair infront and sit beside me. May ipapagawa ako sayo. You will be my T.A. for now."
Sumunod siya sa sinabi nito. Hindi siya komportable sa tabi nito pero wala siyang mapagpipilian.
"Here." Abot nito sa kanya sa mga test papers. "Check them for me."
Kinuha niya iyon at nagsimula siyang mag-check. Naiilang siya kay Prof Madriaga dahil kapareho ito ni Lennox na pinaglihi sa sama ng loob. Baka isang maling galaw lang niya sa tabi nito ay bubugahan na siya.
Magaling siya sa martial arts but when it comes to authority ay wala siya non. Pinagpawisan tuloy siya ng malapot. Wala sa loob na kinuha niya ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at padampi dampi niyang pinunasan ang noo niya ng makita ang kamay ni Lennox na parang inaagaw ang atensyon niya. And she was right dahil nong napatingin siya rito ay sinesenyas nito ang hawak niya. Nanlalaki ang mga mata at halatang desperado.
Pinagpatuloy niya ang pagpunas sa pawis niya ng ituro nito ang hawak niya. Wala sa loob na napatingin siya doon at nanlaki ang mga mata niya ng literal na matitigan iyon.
It was an underwear.
An underwear na hindi niya alam kung sino ang may ari! What the hell! Sinong naglagay non sa bulsa ng kanyang pantalon?!
Nag-apir si Lennox upang matauhan siya.
"Aray!" Agaw pansin nito at ganon na lang ang bilis niyang pagbulsa sa panty'ng hawak hawak lang niya kanina.
Shit!
"May problema ba Miss Larkin?"
"May kumagat lang po."
"Well then, continue the exam. Tumatakbo ang oras."
Nagkatinginan sila nito at kitang kita niyang nagpipigil ito ng tawa. Kumindat ito sa kanya. Base sa itsura ay halatang may kinalaman ito.
You're dead to me later, Lennox!
BINABASA MO ANG
Who's Keegan? Part 1 (Completed)
Mistero / ThrillerBinansagang walang puso si Lennox Larkin dahil sa pagiging mataray at masungit nito. Out of nowhere, a girl just showed up. Her name's Keegan but who is she?