Chapter 27

5.2K 351 23
                                    

Lennox

Napayuko siya at tinignan ang paang naaabot ng tubig sa tuwing umaalon. Nasa tabi siya ngayon ng dalampasigan at mag-iisang buwan na siyang nagtatago. Mahirap at masakit para sa kanya pero wala siyang pagpipilian ng mga oras na iyon.

Natulala na lang siya ng parang naririnig pa rin niya sa isipan ang boses ng Mommy niya.

"Mom, why did you do that? Bakit kailangan mong barilin si Kesha Jentero?"

She was mad at that time, sad and upset.

"I did what I could to protect our family."

Protect? Ito ngang ginawa na nito ngayon ang sisira na sa pamilya nila. Ilang beses siyang napabuntong hininga para pakalmahin ang kanyang sarili. She's her mother at kahit ano pa ang nagawa nito ay dapat niyang irespeto.

"You're gonna pay for what you did to Keegan's Mom. I love you Mom and it hurts so much. What you did is so bad. Maybe this is the worst at makukulong ka, Mommy. Dapat noong ginawa mo iyon inisip mo muna kami ni Kuya Lennon pati ang magiging apo mo."

Kita niyang tumalim ang mga mata nito sa kanya. "What do you know about Kesha's daughter?!" Mahina ngunit may panganib na tanong nito.

Nag-isip muna siya kung sasabihin niya rito ang tungkol doon pero alam niyang kailangan din nitong malaman ang bagay na iyon.

"Kaibigan mo ang anak non?!" Naiinis na tanong nito na nagpapitlag sa kanya.

"She's not only a friend. She's very special Mom at hindi pa kami nagsisimula pero sira na dahil sa ginawa mo."

Sinampal siya nito.

"What is wrong with you! You're just like your father, Lennox! You are both stupid!"

Her eyes became teary. Gone the mother she knew. Tinignan niya ito ng walang emosyon.

"You Mom! What is wrong with you huh?!" Isang sampal ulit ang nakuha niyang sagot mula rito. "I'm sorry Mom but I am doing this for your best."

Kumunot ang noo nito.

Naglakad siya palabas sa beach house nila at doon na pinasok ng mga police kung nasaan ang Mommy niya. Masakit oo pero alam niyang ito lang ang tama.

Hinanap niya ang Mommy niya at napag-alaman nga niyang hindi ito lumabas ng bansa. She had search for her hanggang sa pumasok sa isipan niya ang beach house nilang matagal ng hindi niya napupuntahan. Iyon ang sacred place nito dahil regalo iyon ng lolo't lola niya sa Mommy't Daddy niya noong kinasal ang dalawa.

Siya na mismo ang nagdala ng police sa posibleng pinagtataguan nito. At habang nag-uusap sila ng oras na iyon ay naka-record ang lahat ng iyon dahil sa ikinabit nilang mic at spy video sa kanya.

Pagkatapos non ay hindi na siya nagpakita pa. Her father and brother could face the issues of her Mom pero siya, hindi niya kaya. She couldnt handle such scandal and Keegan probably hated her for now.

Napabuntong hininga siya at saka tumingala sa langit. Maaliwalas iyon at kitang kita niya ang mga ibong nagsisiliparan na parang naglalaro at naghahabulan. Everyday at the same time ay tumatambay siya sa tabing dagat para panoorin ang paglubog ng araw. May mga oras na nakakatulog siya doon saglit.

This island belonged to Erika Maurice at ito ang isang tumulong sa kanya ng mga panahon na kailangan muna niyang lumayo sa lahat. Kung paano sila nito naging magkaibigan. Mahabang kwento but they're ok now.

She's not alone, Laura's with her. Pinsan ito ni Erika Maurice at mahilig sa adventure. Ito na rin ang nagprisintang samahan siya nito. Mahilig rin itong magluto at ito ang tumatawid para mamili ng kanilang mga kailangan. Wala namang problema rito dahil simula't sapol ay paglalakwatsa naman daw ang inaatupag nito. Laura's a typical woman enjoying her life.

Ng papalubog na ang araw ay pinagmasdan lang niya kung gaano ito kaganda. Idagdag pang sariwa ang hangin, tahimik ang lugar at huni lang ng mga ibon ang naririnig. This is the life she wanted pero sobra namang naging komplikado ang kanyang buhay lalo na ngayon and she have to runaway from everything. Hindi pa siya handang bumalik at hindi niya alam kung kelan.

Naramdaman niyang may lumapit sa kanya pero hindi niya ito nilingon. It was Laura. Palagi rin kasi siya nitong sinusundo. Lagi siya nitong tinutukso na baka bigla nalang daw siyang masiraan ng ulo at magpatangay sa alon. She wouldnt do that, she just couldnt.

"For how long you will hide?" Natigilan siya ng marinig ang boses na iyon. Matagal na rin niyang hindi naririnig ang boses na iyon. "The Lennox I knew isn't coward."

Napapikit siya't naipilig ang kanyang ulo. This is a dream right? It's not real. Pero naamoy niya ang pamilyar na pabango nito. Her eyes started to water. Ngayon lang niya napagtantong miss na miss na niya ito. Hindi naman kasi kailanman nawaglit sa isipan niya si Keegan pero kapag naiisip niya ang ginawa ng Mommy niya ay pinanghihinaan siya ng loob. Dahil gusto niyang magmahal si Keegan ng karapat dapat para dito at hindi siya iyon.

Ng magmulat siya ng mga mata ay kasabay non ang pagbagsak ng mga luha niya ng makita ito mismo sa harapan niya. Nakaupo at parang minememorize ang mukha niya.

"Dont cry, Lennox. Hindi ako sanay na nakikita kang nagkakaganyan."

Akmang pupunasan nito ang kanyang luha pero lumayo siya rito.

"Go home, Kee. I dont need you here." Pagtataboy niya rito. Sobrang sakit na ang nadarama niya. Mahahawakan niya ito, abot na abot pero kahit kelan ay hindi mapapasakanya ang puso nito.

Tatalikod na sana siya ng mabilis siya nitong pigilan sa kanyang pulsohan.

"Stop running Lennox, will you?!" May himig ng inis sa boses nito. Hinarap niya ito. "I had search for you everywhere at itinatago ka lang pala ng magaling kong matalik na kaibigan!" It was true. Erika Maurice played a big role in her life right now. "Para akong tangang naghahanap sayo at sinasamahan naman ako ng loka loka kong kaibigan. Iyon pala'y siya rin pala ang kasabwat mo sa pagtatago. Mabuti nalang at naawa sakin ang sira ulong iyon. I cant believe na ikaw ang pinanigan niya sa bagay na ito kesa sakin, Lennox! And her reason was so simple. Na hindi raw ako mag-iisip na maaaring may kinalaman siya kung saan ka nagtatago dahil alam kong hinding hindi kayo magkakasundo."

"I dont want you to see me, Keegan. Not right now that you hated me dahil sa ginawa ng Mommy ko sa Mommy mo."

"At sinong nagsabi sayong kinamumuhian kita?" Natahimik siya sa tanong nito. "I wouldnt search for you and stand here infront of you if I hated you kagaya ng sinasabi mo. Yes, your Mom almost kill my Mom but that's not you. Hindi porket anak ka niya ay madadamay kana rin sa ginawa niya. Every person has its own decision and mistake. You cannot blame someone sa kasalanan ng iba. My Mom and your Mom had nothing to do what is going on between us! Hindi ko alam na ganyan kakitid ang utak mo Lennox para pangunahan ako!"

She had lost for words. What would she say?

"The last time I saw you. You said you love me." Napalunok siya sa sinabi nito. "Is that true?"

She just stare at her.

"Is that true?" Ulit nito. "Do you still feel the same way Lennox?"

Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kanya bago punasan ang kanyang mga pisngi.

"Wala namang nagbago, Keegan. It's still you and yes I still feel the same way. I still love you." Matapang niyang sagot rito.

"Then let's go home." Inakay siya nito at nalilito siyang sumunod.

"Teka, Kee-"

"No! You dont say anything and shut up! I'm taking you home. This is enough, Lennox."

"Bakit mo ba ito ginagawa sakin?" Tumigil ito bago tumingin sa kanya ng deretso.

"At ikaw anong ginawa mo sakin? Mangkukulam ka Lennox, do you know that?" Err? "And I'm still yours so as long as I am. Then you're mine too because I feel the same way towards you."

Ha?

"I love you too, Lennox."

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon