Chapter 13

5.9K 298 11
                                    

Lennox

Kita niya ng manlisik ang mga mata ni Malford sa galit at namumula ang mukha buhat sa pagkapahiya nito. Pinilit nitong tumayo para sampalin din si Keegan pero agaran nitong nahawakan ang kamay nito at pinilipit.

"Aray! Let go Keegan! Shit!"

Pinakawalan ito ni Keegan bago suntokin ang mukha nito. Natumba agad at nawalan ng malay. Kita niya pa ng umagos ang dugo sa ilong nito. Her face crunched at wala sa loob na napahawak siya sa matangos niyang ilong. Damn that hurts. Hindi niya maimagine kapag ang ilong niya ang nabali. The bridge would be so darn painful.


"Ano?!" Galit na sita ni Keegan sa mga barkada ni Malford na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata sa gulat at takot. Walang sabi sabi'y inakay ng mga ito ang walang malay na lalaki. Alam niyang dadalhin ang bugok na iyon sa infirmary.

Huminga ng malalim si Keegan bago siya nito balingan at ilahad ang kamay nito sa kanya. She didnt protest at tinanggap niya ang kamay nito. Tinulongan siya nitong makatayo.

"Ayos ka lang ba?" Malumanay ang boses nito. The usual Keegan na parang naglalambing kapag nagsasalita. "Dadalhin kita sa infirmary. Kailangang malagyan ng first aid iyang gilid ng labi mo pati na rin ang pisngi mo. Sigurado akong mamamaga iyan kapag di agad nalapatan ng lunas."

Hindi niya alam kung paano siya makikitungo rito. With all the bad things she had done. Things she did in the past to hurt her and yet, nagawa pa rin siya nitong ipagtanggol sa pambabastos at pananakit ni Malford.

She hated the fact that Keegan's really kind.

"Im fine." Tipid niyang sagot rito. She doesnt know what else to say and do.

"Alright, it's your choice." Akmang aalis na ito upang iwan siya ng tawagin niya ang pangalan nito. Lumingon naman ito sa kanya.

"Salamat."

Tumango naman ito sa kanya. "Walang anuman."

"Wait!" Pigil niya rito ng makitang talagang aalis na. Kunot ang noo nito ng lumingon ulit sa kanya. "Pwede sumama?" Gusto niyang mapatampal sa noo.

She's Lennox Larkin and she doesnt tag along. Pero nandon ang isang bahagi ng kanyang isip na pagkakataon na niya upang makilala ng husto si Keegan. Hindi niya ito makikilala kung hindi niya ito kakaibiganin for the mean time para masagot ang mga katanungang nasa isipan niya. Whatever she wanted to know. Keegan have all the answers she needed.

Nawala ang pagkakakunot noo nito sa kanya at bumalik sa normal na aura nito. Bahagya itong napangiti sa kanya kaya nabawasan ang alalahanin niya't nakahinga ng maluwag.

"Let's go then."

She compose herself bago lumapit dito saka magkapanabay na naglakad. Walang umiimik at parehong nagpapakiramdaman lang sila.

Nakasalubong pa niya ang tatlong mga kaibigang sina Teagan, Sydney at Kaia. Takang takang nakatitig ang mga ito sa kanila ni Keegan. Who wouldnt kung alam ng mga itong ayaw niya sa mga katulad ni Keegan. Nakataas pa ang isang kilay ni Teagan sa kanya. Si Kaia ay nakangisi, akala siguro nito ay babalik siyang muli sa pambubully kay Keegan pero kung malalaman lang nito kung ano ang kayang gawin ng isa ay siguradong magsisisi ito sa mga pananakit noon sa babae.

Si Sydney ay nakanganga sa kanila at gustong gusto niya ang mukha nito kapag naaasar dahil sa pagiging OA nito kaya walang alinlangang inirapan niya ito. She almost laugh ng makitang nanlaki ang mga mata nito. Itinuon nalang niya ang pansin sa kanilang dinaraanan para hindi na naman siya makagawa ng eksena. Mahirap na kung madapa siya kung iba ang iniintindi niya.

"Where you had at?" Hindi niya mapigilang itanong ng malapit na sila sa may gate.

"Uuwi na kasi ako sa condo ko tapos sasabihin mong sasama ka kaya hindi ko alam kung anong gagawin mo don maliban sa gusto kong lapatan ng gamot iyang namamaga mo ng gilid ng labi since ayaw mo naman magpunta sa infirmary."

Parang nabuhay ang dugo niya ng marinig ang salitang 'condo' nito. Ibig sabihin ay makikita niya ang lungga nito. Ofcourse she wanted to see how this nerd live.

"Naboboring ako so I wanted to see a new environment."

"Wala namang nakakaayang environment sa condo ko."

Nakalabas sila't agad na may sumalubong na lalaki kay Keegan. Heto ang lalaking tumulong kay Keegan noon. Ang lalaking bodyguard nito. Si Dobert.

Mukhang hindi maganda ang mood ng lalaki base sa masungit na itsura nito.

"Why are you here?!" Indeed. He's grumpy but she's grumpy too!

Tinaasan niya ito ng kilay. "Wala kang pakialam."

"Kuya ayos lang." Baling ni Keegan rito.

"Do you know what you're doing senyorita? Siya palagi ang nanghahamak sa iyo sa loob ng campus-"

"Kuya tama na." Suway nito rito kaya lihim na nagbunyi ang damdamin niya sa pagtatanggol nito sa kanya.

She flipped her hair at mas lalong nanlisik ang mga mata ni Dobert sa kanya.

"Tara na." Magkapanabay ulit silang naglakad habang si Dobert ay nasa likuran nila. Alam niya kung bakit mainit ang dugo nito sa kanya. Tulad ng sinabi nito kay Keegan kanina ay siya ang nanghahamak sa babae sa loob ng campus and he knew dahil bodyguard ito ni Keegan. He's outside the campus but he's spying on Keegan thats why he knew exactly what was happening around her anytime.

"Matagal pa ba?" Nawawalang pasensya niyang tanong kay Keegan dahil parang kanina pa sila naglalakad. She was enjoying pero napapagod na siya. She doesnt walk around this long unless kung sa mall kapag nagsho-shopping siya. "Why you dont use your car in school?" Isa iyon sa mga bagay na ipinagtataka niya at gusto niyang malaman kung bakit.

"Malapit na tayo. Hindi ko ginagamit kasi mas gusto kong maglakad since walking distance lang naman. Maganda rin naman iyon na exercise."

Gusto niyang mapasimangot sa klase ng sagot nito. Its not the answer she was expecting to hear from her.

"Sige Kuya. Salamat." Baling nito kay Dobert ng maiwan itong nakatayo sa labas ng gate ng condo. Hindi nito kasama ang lalaki? Napaismid siya. Bakit nga ba magsasama ang dalawang ito kung sakali.

She hated that idea!

"Itext mo lang ako kung may kailangan ka o kapag inapi ka ulit nito." Turo nito sa kanya. "I cant promise to hold back myself to hurt her just to get you even." Puno ng pagbabanta ang tono nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "As if natatakot ako sayo!" Palaban niyang sagot rito.

"Kuya tama na." Awat rito ni Keegan. "Itext kita kapag may kailangan ako o problema. Sige na Kuya. I can handle myself." Simpleng pagtataboy nito sa lalaki upang maiwasan ang bangayan sa pagitan nila. Mabuti naman kung ganun dahil hindi siya ang maga-adjust rito.

"Sige, mag-iingat ka." Wika nito at tinapunan siya ng masamang tingin. Inirapan niya ito bago tumalikod.

"Id niyo po maam."

"She's with me Kuya."

Nauna ng makapasok si Keegan at nakasunod siya rito. Napatigil nalang siya at napatingala sa mga nagtataasang tower. Ok, hold on. This is one of the most luxurious condominium sa town nila. She had heard of this Galaxy Condo's at ang Galaxy Apartment ay sa kabila naman sa mismong tapat nito. Dito gustong kumuha ni Sydney ng condo noon para hindi na umuwi sa mansyon ng mga ito pero sadyang hindi natuloy dahil sa mahal non at dahil praktikal ang mommy nito ay wala itong nagawa.

"How much per unit here?" Tanong niya kay Keegan habang naglalakad sila papasok sa lobby.

"I dont know. Mom bought it for me." Parang hindi interesadong sagot nito.

She stop on her track and again, the same question pop in her mind.

Keegan, who the heck are you?

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon