Keegan Hadlee
Napabuntong hininga siya ng makitang tulog na ang dalawa. Sa kanan niya ay si Lennox habang sa kaliwa ay si Erika. Pareho ang dalawang nakaunan sa magkabilaan niyang balikat at nakaakap sa kanya. Ang lagay ay hindi siya makagalaw.
Sumasakit ang ulo niya. Si Erika bilang matigas ang ulo at ayaw patalo. Si Lennox na palaban at hindi nagpapatalo. How could her bestfriend be an enemy sa acquaintance niya?
Hindi pumayag si Erika na matulog siya kasama si Lennox at si Lennox ayaw nitong matulog siya kasama si Erika. Para hindi mag-away ang dalawa ay napilitan siyang gawin ang hindi niya inaasahang mangyayari. Sa gitna siya ng dalawa. Ayos lang naman kay Erika, alam niyang naiintindihan siya nito pero si Lennox ang mahirap pakibagayan. Nag-away muna ang mga ito kahit nasa gitna siya bago nakatulog.
Ewan niya kung bakit at kung papaanong nangyari ito sa kanya ngayon. She was torn between these two stubborn young women.
Napabuga siya ng hangin ng mas lalong humigpit ang yakap ni Lennox sa kanya. Hinapit pa siya nito at mas lalong inangat nito ang binti. Pwede kayang ihulog nalang niya ang dalawang ito?
Tinignan niya si Lennox and she was surprise to see her eyes half open.
"Stop breathing so heavy. You're disturbing my sleep." Masungit na wika nito.
Wow ha! Samantalang ito ang nanggugulo sa buhay niya ngayon.
Nakasimangot siyang nagpikit ng mga mata pero agad ring napamulat ng maramdaman ang mga labi ni Lennox sa gilid ng mga labi niya. She could smell her sweet scent. Tulirong nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya magawang tumingin dito dahil alam niyang magpapang-abot ang mga nguso nila and she doesnt like Lennox to kiss her again dahil nagugulo nito ang sistema niya.
Sumiksik naman sa leeg niya si Erika at ang hayop! Nakikiliti siya sa hininga nito sa leeg niya. She bit her lower lip to supress her laugh. Baka bukas ay matuloyan na siyang mabaliw sa dalawang ito.
"What's funny?" Nag-angat ng tingin si Lennox at agad sumama ang mukha ng makita ang posisyon nila ni Erika. Akmang itutulak nito ang mukha ni Erika para lumayo sa kanya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay nito at sinamaan ito ng tingin. Siya na ang nag-ayos sa ulo ni Erika bago pa anong magawa ni Lennox dito. Mapanakit pa naman ang babaeng ito.
Padabog itong bumalik sa pagkakahiga. "I cant take this anymore! I'm going home!" Wika nito at saka bumangon. Seryoso ba ito? Ala una na ng madaling araw. Nakita niya itong lumabas na ng kwarto kaya dahan dahan niyang tinanggal ang kamay kay Erika bago bumangon.
"She's fucking crazy!" Inis niyang bulong bago nagmamadaling lumabas para sundan ito but she was surprise ng mabungaran itong nakatayo ng ala-modelo nitong tindig. Naka-cross arms sa dibdib at nakataas ang noo habang masama ang timpla ng mukha. Ang sungit talaga.
"Ihatid mo ako."
Kumunot ang noo niya rito. "You came here Lennox. Dapat alam mong wala ng masasakyan sa ganitong oras at kung meron man. Alam mong delikado dahil wala kang dalang sasakyan. Besides, I dont want to drive. Bukas ka na-"
"I want to fucking go home now." Matiim ang titig nito sa kanya.
She sighed. Tutuboan siya ng ugat rito. "Dito kana muna-"
"I cant fucking sleep in there with your bitch!"
"Lennox! Watch-"
"You watch your own words! I'm pissed off! Ihatid mo nalang ako kesa makisiksik sa babaeng iyon!"
"Ano ba talagang problema mo?" Inis niyang tanong rito.
"Ikaw!" Dinuro nito ang kanyang dibdib. "Ang manhid mo! I told you I dont like to sleep with her!"
Napabuntong hininga siya. "Why do you hate Erika? Wala siyang ginagawa sa iyong masama."
"She's trying to take you away from me!"
"Ok! Just please lower your voice ok?" Alam niyang tulog mantika si Erika at kahit pa siguro lumindol ay hindi nito mararamdaman pero hindi siya sanay na nakakarinig ng matataas na boses and Lennox have that kind of habit. Masakit sa tenga.
"And she's not trying to take me away from you. Nag-aalala lang iyon sa akin and thats normal dahil mag-bestfriend kami Lennox. Mali naman iyang iniisip mo saka isa pa. Ikaw itong nang-harassed sa akin."
Tinignan niya ito ng makita ang pagsilay ng nakakaloko nitong ngiti. Mula sa pagiging seryoso ay naging pilya ito. And she doesnt like it lalo na ng umangat ang isang bahagi ng bibig nito. May lahi kaya itong impakta? O sadyang bipolar lang talaga ang babaeng ito? Salat sa init salat sa lamig.
"I didn't harassed you idiot!" Bigla ay napangiti ito. And she didnt expect to see her that beautiful. Ang ganda talaga ng babaeng ito pero ang ugali parang lugaw. "I did that to shut you up. Why?" Lumapit ito dahilan para mapaatras siya. Magaling siya sa martial arts pero wala siyang balak baliin ang babaeng nasa harapan niya ngayon.
"Dont you like it?"
Tinignan niya ito na parang nasisiraan na ito ng ulo. O talagang may sira sa tuktok ang isang Lennox Larkin?
"You're crazy." She said kaya natawa ito. Kontento niya itong pinanood. Bakit parang naging mas kaakit akit ito sa paningin niya ngayon? Shit no.
"You should've seen your face, Kee! It was epic! Oh geez!" Napahawak ito sa tiyan nito.
"Baliw!" Hindi niya mapigilang sabihin rito at akmang tatalikod ng hawakan nito ang kamay niya.
"Take me home."
"I cant do that, Lennox." She sighed bago hinawakan ang kamay nito. Her hand's warm and she likes it but it cant be. This is wrong so she ignored the feeling. "Let's go to sleep."
Umiling ito. "Not with her."
Kita niyang determinado itong hindi talaga babalik sa kwarto niya. Ayaw rin naman niyang sa guestroom sila matulog at baka kung anong isipin ni Erika sa kanila.
"Then let's sleep in the couch." Malaki naman ang couch niya. Hinila na niya ito doon. Kakaupo lang niya ng itulak siya nito dahilan para mapahiga siya. Aangal sana siya ng ilagay nito ang hintuturo sa kanyang bibig. Napatitig siya rito at parang nang-aarok ang tingin nito sa kanya. Oh yes, she's a witch.
"Just lay down." Lennox said and she did. Ito naman ang sumunod na humiga sa tabi niya bago siya yakapin. Ang lagay ay nakasiksik sila sa couch ngayon. "Sleep, Kee."
Seems like she doesnt have any choice so she just close her eyes. Sana matapos na ang kalbaryo niya sa dalawang ito. And with that thought. She fall asleep.
BINABASA MO ANG
Who's Keegan? Part 1 (Completed)
Mystère / ThrillerBinansagang walang puso si Lennox Larkin dahil sa pagiging mataray at masungit nito. Out of nowhere, a girl just showed up. Her name's Keegan but who is she?