Keegan Hadlee
Napabuntong hininga siya ng mapagmasdan ang sarili niya sa salamin. Umuwi siya dahil wala na siyang damit pang pamalit sa damit niyang basa sa ngayon. Dalawang beses siyang binuhosan ni Lennox ngayong araw. Ayos lang sana kung tubig pero juice ang itinapon nito sa kanya dahilan para manlagkit siya.
Hindi niya alam kung bakit lumalala ang trato nito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama. Noong una ay si Kaia lang ang bumu-bully sa kanya. Ngayon ay si Lennox na. Lagi itong naiirita kapag nakikita siya.
And what's with her perfume na nakakainis para dito?
She had learned that she's the queen bee troublemaker at walang gumagalaw sa kanyang iba sa school dahil ika nga. Napapabalitang siya ang new toy nito and she hates it. Wala siyang magawa kaya hinahayaan nalang niya ang mga ito sa mga pananakit at pamamahiya sa kanya. Hindi lang niya alam kung hanggang saan ang itatagal niya.
Nagagalit rin ang bodyguard/Kuya Dobert niya pero sinabihan lang niya itong ok lang naman siya. Ayaw niyang patulan nito ang mga kaklase niyang mapang-alipusta. Hindi naman siguro siya magtatagal sa school na iyon. She was just praying na sana ay mahanap na ang nagbabanta sa buhay ng Mommy niya sa lalong madaling panahon. She misses her at gusto na niyang magkasama sila nito. Gusto na niyang umuwi.
Her phone rang. It was an unknown number. Nagtataka man ay sinagot niya pa rin ito.
"Hello?"
"If you think you can escape me. You are wrong. I can find you and I will kill you."
Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Palagay niya'y nanuyo ang kanyang lalamunan sa narinig at nagsitaasan ang kanyang mga balahibo sa takot.
"Aray! Auntie naman." Dinig niyang wika nito sa kabilang linya. Napakunot noo siya rito.
"Hello hija." Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang boses ng kanyang Mommy sa kabilang linya.
What the heck!
"Mom! Thank God! Are you ok? Sino ang tarantadong iyon?" Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig dahil sa nasabi.
"Watch your tongue young lady." May warning tone sa boses nito.
"Sorry. Sino palang may phone ang gamit mo at sino iyon Mommy?" Napasandal siya sa lavatory.
"That was your Kuya Blake. Alam mo namang loko-loko talaga iyan." Narinig niyang umangal ito sa kabilang linya na ikinangiti niya. "I'm ok here hija kaya huwag kang mag-alala diyan. Miss na kita, ikaw kamusta ka diyan? Salamat at nagpunta ang pinsan mo rito. You know I cant call you right?"
"I know Mom. I missed you too." Naiintindihan niya iyon. Para sa kaligtasan niya kaya nga sila magkalayo ngayon.
"Ok lang din naman po ako rito." She knew she wasn't ok lalo na at inaapi api pa siya sa school nila pero ayaw niyang magsabi rito. Kilala niya ang Mommy niya. Hindi nito palalagpasin kapag may nanakit sa kanya. She doesnt like to tell all those bullies dahil ayaw na niyang dumagdag pa.
"I want to see you hija."
Napatuwid siya ng tayo mula sa kanyang pagkakasandal. Gusto na din niyang makita ito.
"But we both know that we can't and you understand me, right?"
Napabuntong hininga siya. "I do Mom. Mag-iingat ka nalang palagi."
BINABASA MO ANG
Who's Keegan? Part 1 (Completed)
Mistero / ThrillerBinansagang walang puso si Lennox Larkin dahil sa pagiging mataray at masungit nito. Out of nowhere, a girl just showed up. Her name's Keegan but who is she?