Chapter 10

6.3K 306 12
                                    

Lennox

Kakarating lang nila sa tambayan nila ngayon at tahimik na naupo sa damuhan. She knew there's something off with Keegan Hadlee. May kakaiba talaga rito pero hindi niya kayang pangalanan. Kanina ng pumasok ito at makita niya ang likuran nito ay parang tumigil ang kanyang mundo. Hindi siya pwedeng magkamali. Likuran nito ang nakita niya sa isang yate noon.

Alam niyang may itinatago ito tungkol sa pagkatao nito. She was Keegan Hadlee Monteverde pero sigurado ba siyang ito talaga iyon? Pwede nitong palitan ang pangalan nito. Come to think of it. Bigla nalang itong lumitaw out of nowhere.

She was acting like a poor nerdy pero alam niyang sa likod ng malalaking salamin nito, sa simpleng pananamit, sa makinis at maputi nitong balat, sa pagkukubli nito ng magandang mukha ay may sikreto ito at malakas ang kanyang loob na tama ang kanyang hinala. Sigurado siya doon.

Keegan have two faces pero ano ang totoo rito?

It was hard to guess.

Kanina ay nagulat talaga siya ng sagutin nito ang ibinigay ni Prof Madriaga. She doesnt even have any idea kung anong math problem iyon.

"Ok ka lang Lennox? What's wrong?" Si Teagan.

Maarte namang napaikot ng mga mata si Sydney.

"Hindi mo pa ba alam Tea? Ang Kuya Lennon niya nakabuntis."

"Oh my! So nakabuntis si Lennon? Sino namang babae non?"

Tinaasan niya ng kilay ang mga ito. Kung makapag-chismis parang wala siya sa harapan ng mga ito.

"Natural! Nasa right age na si Kuya at hindi basta basta babae lang dahil highschool sweetheart niya iyon!" Pagtataray niya sa tatlo.

"Ok, relax. Ang init ng ulo mo Lennox. Ang aga pa." Awat ni Teagan sa kanya.

"Nakakabwisit kasi kayo! Kung makapagdaldalan parang wala ako sa harapan niyo!"

Dinampot niya ang kanyang shoulder bag at saka tumayo.

"Lennox, where are you going?" Si Sydney.

"Aalis na muna ako. I have lots of thinking to do!" Saka iniwan ang tatlong nakanganga sa inasta niya. Ngayon lang kasi niya iniwan ang grupo o humiwalay pansamantala sa mga ito.

Kailangan niyang makalanghap ng preskong hangin. Kailangan niya munang mag-relax. Ayaw niyang maging pangit dahil sa kakaisip.

Dumiretso siya sa parking lot at agad lumulan sa kanyang kotse. Nag-drive siya't umalis sa kanilang eskwela. Hindi niya alam kung saang daan siya ngayon patungo. Ang gusto lang niya ay lumayo saglit para makapag-isip ng tama. She was stressing her self too much simula nong makilala niya si Keegan.

She wanted to know about her. Like all about her. Maybe she was desperate pero napaka-misteryosa ng dating nito sa kanya and she hated the thought na mali nga ang pagkakakilala niya rito.

The way she speak.

The way she move.

Alam niyang may mali. Keegan isn't the real Keegan. Basta, gusto niyang malaman kung sino talaga ito. Kung bakit? Hindi niya alam!

Napadpad siya sa isang lugar na malayo na sa kabayanan. Tumigil siya ng makita ang dagat. Tanaw ito mula sa main road at parang napakatahimik ng lugar na iyon. Nakalinya ang mga punong malalaki sa gilid ng kalsada na pwedeng silongan at maayos ang pagkakasemento ng mga bench na nagsisilbing bakod sa gilid ng kalsada.

Pinatay niya ang makina at sumandal saglit bago nag-isip. Napabuntong hininga siya ng wala rin siyang makuhang sagot sa mga katanungan niyang tumatakbo sa isipan niya.

Iniuntog niya ang kanyang noo sa manibela ng paulit ulit na lumilitaw ang maamong mukha ni Keegan sa isipan niya. Ang mga mata nitong parang nagsusumamo.

No! She hated that girl!

Marahas siyang lumabas sa kanyang sasakyan pagkatapos tanggalin ang seatbelt niya. Naglakad siya sa gilid bago naupo sa isang bench at tumanaw sa dagat. Napapikit siya ng humangin at dinama ang preskong dampi nito sa kanyang balat. Kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob.

Napatigil siya't nagmulat ng mga mata ng marinig ang tunog ng mga sasakyang papalapit sa kinaroroonan niya. Parang nagkakarera ang mga ito sa bilis.

Hindi nga siya nagkamali ng lumagpas ang isang corvette sa harapan niya habang may dalawang itim na kotseng nakasunod rito. She have a bad feeling na hindi maganda ang nangyayari sa mga ito.

Out of curiousity ay mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon para humabol. Ewan niya pero nababaliw na yata siya para habulin ang mukhang magkakapatayang mga taong nakasakay sa tatlong sasakyan. Gusto niyang masaksihan kung anong mangyayari sa mga ito.

Dahil sa bilis nila ay wala pang ilang minuto ng marating nila ang kabayanan. There's a lot of streets at buti nalang hindi ma-traffic kaya malaya siyang nakakasunod sa mga ito. Whoever's driving the corvette ay isa itong baliw. Sa klase ng pagpapatakbo nito. Isang maling galaw lang ay panigurado siyang hindi na ito mabubuhay pa.

Suicidal.

Lumiko ito sa isang eskinita at alam niyang dead end na ito. Pamilyar siya sa kabayanan at alam niya ang pasikot sikot rito.

Oh boy, you're dead. Aniya sa isipan at nagmamadaling nag-park ng kanyang sasakyan malapit sa eskinitang iyon.

Patakbo siya ng makababa sa kanyang kotse at saka sumilip sa gilid. Nakita niyang bumaba ang taong nasa corvette at nagulat siya ng makitang babae pala ang nagmamaneho doon. Cool na cool pa itong sumandal sa sasakyan nito.

Napatingin siya sa dalawang kotseng itim na nakasunod rito kanina at lumabas ang sampung kalalakihan mula doon. Nakalong sleeve ang mga ito ng itim at itim din na slacks. Parang papatay ng mga tao. O di kaya ay may transakyon ang mga ito ng shabu?

Pigil ang hininga niya ng makitang humarap ang mga ito sa babae. Napalunok siya ng sumenyas ang pinaka-boss ng mga ito upang lapitan ang babae pero nagulat siya ng lumaban ito. She was good in martial arts. Ni hindi ito mahawakan ng mga lalaki at isa isang pinatumba ng suntok at tadyak ang pagmumukha ng mga ito.

Napanganga nalang siya sa galing at lakas ng babae. Ilang saglit pa ay may dumating na lalaking tumulong rito. Malaki ang katawan nito at kung titignan ay parang bodyguard ang dating. Hindi siya kumukurap ng iisa nalang ang lalaking pilit lumalaban sa babae. Tumalikod ito dahilan para mapaharap sa kanya at bigla ring bumwelta sabay suntok sa mukha ng lalaki at natumba ito. Nawalan ng malay.

What a fist!

What a punch!

Until then she realize na heto ang babaeng nakita niya sa yate noon. Nakapusod ang buhok nito at ganitong ganito ang tindig. Hindi siya pwedeng magkamali. She wanted to know who the hell she is.

Lakas loob siyang lumabas sa pinagtataguan niya at lumapit sa mga ito. Nakatalikod ang babae sa kanya habang naka-side view ang lalaki.

"I told you señorita. Hindi ka dapat lumalabas ng mag-isa ka lang. Tinakasan mo na naman ako. Paano kung may nangyari sayo ngayon at kampante lang ako sa apartment ko habang ikaw ay nakikipagpambuno na pala rito. Mananagot ako kay señora."

"I'm ok Kuya Dobert. Hindi ako nasaktan. Ikaw nga ang dalawang beses na nasuntok e." Kantyaw nito bago tumawa ng mahina.

Palagay niya'y nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa narinig. She was right then all along.

Napasinghap siya.

Natigil ang lalake at bumaling sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay nito na parang nakilala siya. Napansin iyon ng babae kaya humarap din ito sa kanya. Even with her dark shades kitang kita niya ang mga mata nito at kung paano ito nagulat ng makita siya.

Napatda siya ng makompirmang si nerdy at itong babae na nasa harapan niya ngayon ay iisa. Ano ba talaga ang totoo sa dalawang pagkatao nito.

"Keegan?"

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon