Chapter 28

5.4K 284 17
                                    

Keegan Hadlee

"What the heck, Erika!" Hindi makapaniwalang bulalas niya rito.

Umirap lang ito sa kanya.

"Antagal tagal ko ng naghahanap sa kanya and now you're telling me you knew where Lennox is?!"

"Oh come on Keegan!" Maarte itong naupo sa couch. "Tinulongan ko lang ang mangkukulam na iyon." Pinagkrus nito ang mga hita. "Oh please." She even flip her hair. "Dont look at me like that. This is your crazy girlfriend's idea."

Inis siyang lumapit rito bago niya ito sinabunotan.

"Ouch! Keegan not my hair!"

"Nanggigigil ako sayong letse ka, Maurisya!" Binitawan niya ang buhok nito bago bumagsak na naupo sa tabi nito.

Inayos nito ang nagulong buhok. "Ano nga!" Kinutusan niya ito.

"Hey! Ano ba!"

Nanliit ang mga mata niya rito at saka naman ito nag-iwas ng tingin.

"WHERE IS SHE!"

Inirapan siya nito. "Nandon siya sa isla ko." Walang ganang sagot nito.

Napahinga siya ng malalim. "I cant believe this! Kung saan saan ako naghanap. No! TAYO. Tapos ngayon, malalaman ko. You're hiding her?"

"I have too. That witch needed my help at that time."

Himala at nagkasundo yata ang dalawang itong kulang nalang ay magpatayan.

"I saw her walking like she's lost. I saw how stressed she is even depressed. And you know me, ayokong nakakakita ng ganun. I approached her. We talked at nalaman ko nga ang nangyari about your Mom and her Mom. I got mad at first pero naisip ko wala siyang kinalaman sa nangyari. At her state, kailangan niya ng oras kasi kapag ako ang nasa kalagayan niya. Sigurado akong ganun din ako. Diba? As your bestfriend, kilala mo akong matulongin. I told her I will help her."

"Even by means of betraying me?"

"By means of betraying you."

"Para mapatawad kita, samahan mo ako don." Hindi kasi niya alam kung saang isla iyon at kung kanino sa tatlong pag-aari nito. Kesa magsayang na naman ng oras, gusto niyang deretso nalang sila doon at mamaya ay baka ito pa talaga ang gagawa ng kalokohan at iligaw siya.

"Bakit kasama pa ako?" Reklamo nito.

"Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito kaya samahan mo ako don ng makita ko kung alin ang totoo kaya sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Kundi."

"Ano?"

"Kuya Bert!" Ilang sandali lang ay lumitaw ito sa kanilang sala.

"Senyorita." Kita niyang napaayos ng upo si Erika.

"Samahan mo ako ngayon sa isla ni Erika. Ayaw niya akong samahan kaya kung pwede-"

"Hey!" Putol sa kanya nito. "Wala akong sinabi ha. Don't believe her Kuya Bert. Sasama ako syempre!"

Tumango naman ito bago ngumiti sa kaibigan niya. "Sige Senyorita."

Ng makaalis ito ay tinulak niya ang mukha ni Erika ng makitang sinundan nito ng tingin ang Kuya Dobert niya.

"Mm! Talandi!"

Inirapan siya nito. "Panira ka talaga Keegan pero alam mo bestfriend." Lumapit ito sa kanya saka yumakap. "Mahal mo talaga ako ano? Sinusuportahan mo ako sa pagsinta ko sa hunk mong bodyguard! My gee!" Niyugyog siya nito. "Sasama siya!"

Tinanggal niya ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya.

"Sira!"

"Tara na!" Ito na rin ang humatak sa kanya patayo pero bago umalis ay nagpaalam muna siya sa Mommy niya. She's ok now at nagre-recover na ito ng husto. Pinagpapasalamat lang talaga niya't hindi ito napurohan. Ayaw niyang maging ulilang lubos.

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon