Keegan Hadlee
"You have to leave here for a while. Nawala na sa akin ang Daddy mo at ayokong mawala ka pa sakin kaya ko ginagawa ito. Ayokong magkahiwalay tayo pero kailangan kahit pansamantala lang. Naayos ko na ang dapat para sayo kaya kapag may nangyari sa akin-"
"Mom!" Putol niya sa sasabihin nito. "Ayokong nagsasalita ka ng ganyan ok? Walang mangyayari sayo." Ngumiti ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Then promise me you'll be good while you're away para hindi mag-alala si Mommy."
Yumakap siya rito. "I promise." Hinalikan nito ang kanyang noo.
"Inilipat kita sa ibang school malayo dito. Nakahanap rin ako ng condo kung saan pwede ka munang mamalagi at nandon na rin ang mga gamit mo. Si Bert pa rin ang magiging driver mo at kumuha rin ako ng apartment niya malapit mismo sa condo mo para madali ka niyang masundo."
Si Dobert ang hinire ng Mommy niya para maging personal bodyguard at driver niya noon sa school nila. Tinuring niya itong parang Kuya dahil mabait ito. He's thirty years old. Palabiro ito pero sobrang seryoso pagdating sa trabaho. Twenty five lang ito ng magsimulang magtrabaho sa kanila kaya parang nakatatandang kapatid na rin ang turing niya rito.
Kumalas siya ng yakap sa Mommy niya. "Mom huwag niyo na pong isasali si Kuya Bert dito. I can drive for myself pero hindi ko rin po gustong pumasok sa school na naka-corvette."
Naningkit ang mga mata ng Mommy niya sa kanya. "Keegan Hadlee Jentero. Hindi ka papasok ng school na magco-commute o maglalakad just because walking distance lang ang layo ng condo sa school mo. Hindi.Ako.Papayag!"
Napangiti siya sa katarayan nito. Her Mom's the cutest kapag nagagalit ito sa kanya.
"Sige Mommy hindi na po basta ayoko pong maging driver si Kuya Bert. Bodyguard nalang po pero dapat mamanmanan lang niya ako sa malayo. Hindi po ako komportable na sumusunod si Kuya sa akin."
Ngumiti ito sa kanya. "That's my girl."
She smiled too. Aminado siyang mayaman sila at nabibigay ng Mommy niya ang lahat ng gusto niya pero hindi siya spoiled. Marunong lang talaga siyang makontento sa kung anong meron siya.
"So it's settled. Bukas aalis kana rito. Hindi ko alam kung kelan ka pwedeng bumalik pero hindi ako papayag na madamay ka. Gusto kong malaman kung sinong gustong magpapatay sa akin at pagbabayarin ko siya sa mga sandaling hindi kita makakasama."
"Be careful Mom. Ayoko pong may mangyari sa inyo. Kung ayaw niyo akong mawala sa inyo ganun din sa akin."
Tumango ito sa kanya. "You'll be known as Keegan Hadlee Monteverde in your school."
Napabuntong hininga siya ng maalala ang usapan nila ng Mommy niya ng huli silang magkita. That was two weeks ago.
Kinailangan kasi niyang umalis sa mansyon nila dahil may nagbabanta sa buhay ng Mommy niya. Hindi nila alam kung sino pero ayaw siya nitong madamay at naiintindihan niya iyon. Her dad passed away when she was still a kid at halos hindi niya matandaan ang hitsura nito. Ipinagpapasalamat nalang niya at meron pang mga litrato nito noon.
Her Dad's her boy version pero meron din nagsasabing kahawig niya ang Mommy niya kapag naka-side view siya which is unacceptable for her Mom.
Bukas ay magsisimula na ang pasukan at hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya. New school and probably no friends. Sa isang private school for girls kasi siya dating nag-aaral and they have their special uniforms pero sa kanyang bagong school ngayon ay walang uniform. You can wear what you want. It's an elite school at nakakapasok lamang ang mga estudyante rito kung mayaman o nakapasa sa examinations para sa scholarship. She didnt need to take the exams dahil nagbayad ang kanyang Mommy at kahit mag-take pa siya. She could surely pass it. Hindi nga lang niya alam kung paano nagawan ng Mommy niyang palitan muna ang surname niya.
She knew her Mom very well dahil maimpluwensya ito kaya siguro may gustong pumatay rito dahil kahit babae pa ang Mommy niya ay magaling itong magpatakbo ng negosyo. They must've hate her mother kaya hinala nilang nasa business industry din ang gustong magpapatay rito. Dalangin lang niyang mahanap agad kung sino ang nagpapadala rito ng hindi magandang regalo upang takutin ang Mommy niya.
Napabuntong hininga na naman siya. Hindi niya alam kung pang-ilang hugot na niya iyon pero nag-aalala siya para sa Mommy niya. She couldnt help it. Sana lang ay hindi niya mapabayaan ang pag-aaral niya ngayon dahil gusto pa rin ng Mommy niyang makapagtapos siya kahit magkalayo sila.
She's an heiress kaya kailangan niyang magseryoso sa buhay at alam niyang nagsisimula ng mabago ang ilang nakasanayan niya ngayon. She stopped wearing dresses at nagdesisyon siyang pantalon nalang palagi at simpleng t-shirt ang isusuot ngayon. Noong isang araw ay nag-shopping siya ng mga bagong damit bago iyon dinala sa laundry shop. Kaninang tanghali iyon dineliver sa kanya ni Kuya Bert dahil ito na ang nagpresentang kumuha sa mga iyon sa laundry shop.
Maaga siyang natulog at maaga rin siyang nagising kinabukasan. Ayaw niyang nale-late. Pagkaligo niya ay agad siyang nagbihis. She wore her ripped jeans. White shirt at nagpatong siya ng white cardigan. Basta gusto lang niyang magtago total naman ay nabago na rin ang kanyang apelyido kaya dapat ay walang makaalam ng tungkol sa kanya.
Narinig niyang may nag-door bell kaya lumapit siya sa pintuan at sumilip siya sa peephole. Napangiti siya ng makita niya si Kuya Bert na may dala dalang pagkain. Nakagayak na rin ito para sa misyon nitong bantayan siya sa school.
Binuksan niya ang pintuan at napangiti rito. "Professional ang dating natin Kuya."
Natawa naman ito pero natigilan ng papasok na sana at makita ang ayos niya.
"Nagsusuot ka rin pala ng pantalon?"
She shrugged. "No choice Kuya. Kailangan ko rin mag-ingat kasi iyon din ang reason ni Mommy kung bakit ako nandito."
"Bagay na bagay naman sayo." Puri nito bago pumasok at isara ang pintuan. Lumapit ito sa kanyang lamesa at inilapag ang nakasupot na pagkain don. Hindi na siya umangal pa ng ipaghain siya nito.
"Kumain kana muna, señorita." Wika nito na ikinairap niya sa ere.
"Nakakasira ka ng araw Kuya Bert."
BINABASA MO ANG
Who's Keegan? Part 1 (Completed)
Mystère / ThrillerBinansagang walang puso si Lennox Larkin dahil sa pagiging mataray at masungit nito. Out of nowhere, a girl just showed up. Her name's Keegan but who is she?