Keegan Hadlee
Ng sila nalang dalawa ni Lennox ang nasa classroom ay kita niyang nakapose ito sa harapan niya. Naka-ala modelong tindig at nakapamaywang ito kaya hanggang silip lang siya sa katawan nito. Hindi na niya tataasan ang kanyang tingin dahil sigurado siyang nagbabaga ang mga mata nito ngayon sa kanya.
"Where were you last Saturday?" Tanong nito na ikinanuot ng mga kilay niya. Ano naman rito ngayon? Bakit bigla yatang naging interesado ito sa buhay niya?
She was about to say 'pier' pero naalala niyang hindi pwedeng sabihin ang where abouts niya sa kahit sino maliban sa Mom at Kuya Dobert niya.
"I was in my condo." She lied. Hindi rin naman sila close ni Lennox ni hindi nga rin sila magkaibigan.
"Look at me! My face isnt on the floor!" Mataray na wika nito dahilan para mag-angat siya ng tingin at salubongin ang matiim na titig nito sa kanya.
"So you were in your condo?" Lennox narrowed her eyes at her. "Are you sure?" Heto na naman ang tingin nitong mapanuri. At bakit gusto nitong malaman? Ano ba ang gusto nitong palabasin?
"Yeah."
Tumango tango ito na parang hindi sigurado.
"Why?" Alanganing tanong niya rito.
"I just thought I saw someone else in pier last Saturday. She had the same figure like you. I wasnt sure pero magkahawig kayo."
Gustong manlaki ng kanyang ulo dahil sa narinig. Damn! Muntik na siya kung ganun. Bakit hindi kasi siya nag-iingat? Paano kung hindi lang si Lennox ang nakakita sa kanya doon at nakakilala sa pagmumukha niya? E di idetity's over na?
Shoot! She's so stupid.
"And you have the nerve to ask me?" Mapanuri ang mga mata nito dahilan para mapalunok siya.
Mas lalong lumapit si Lennox sa kanya kaya nataranta siya. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o yuyuko nalang para iwasan ang mga titig nitong nakakamatay.
"Try to run and you are dead." Madiin na wika nito na parang nabasa ang nasa isipan niya.
Nag-cross arms ito. "Siguradohin mo lang na nagsasabi ka ng totoo nerdy. I wasnt nice, you know that." Makamandag na sabi nito.
Ilang saglit pa at narinig na niya ang mga yabag nitong papalayo. Nakahinga siya ng maluwag. Grabe talaga ang babaeng iyon. Parang kakain ng tao. Mabuti na lang at tinantanan siya nito. Akala niya ay impyerno na naman ang aabutin niya rito sa araw na ito.
Naglakad siya palabas ng room at biglang may pumatid sa kanya dahilan para madapa siya. Nagtawanan sina Teagan, Sydney, Kaia at ibang mga estudyanteng nakasaksi sa pagkakadapa niya. Akala niya'y nakaalis na ang mga ito? Kung alam lang niyang nag-aabang lang pala ang mga ito sa labas ng classroom ay hindi na sana muna siya lumabas hanggang sa mainip ang mga ito at tantanan siya. But it was Lennox and her friends kaya imposible.
Kita niya si Lennox na nakangisi sa kanya habang nakataas ang isang kilay nito. Maganda na sana talaga ang babaeng ito pero kung umasta ay parang anak ni satanas. Maarte ang mga itong naglakad palayo sa kanya kaya bumangon siya't pinagpag ang sarili niya.
Brat!
Napabuntong hininga nalang siya bago naglakad. Total ay mamayang hapon pa naman ang klase niya. Gusto niya munang mamasyal. Binabawi na niya ang sinabi niyang magpapahinga lang siya sa condo niya. Gusto niyang malibot ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. Hindi kasi siya pamilyar dahil condo-eskwela lang naman ang routine niya.
Ng makalabas siya ng gate ay sumalubong sa kanya si Dobert na hindi maipinta ang mukha.
"Cheer Kuya!"
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Mrs. Jentero ordered me to protect her señorita and yet hindi mo ako pinapayagang gawin iyon."
"Kuya it's just a catfight. Alangan namang patulan mo ang mga babaeng-"
"That's my job Miss Jentero." Seryosong wika nito. "To protect you means kahit sino mapa-babae man o lalaki kapag may ginawa sayong hindi maganda dapat pinipigilan ko. Hindi ko alam kung magagawa ko pang magtimpi at panoorin kong ginaganun ka nila."
"Kuya Dobert. Ako pa rin ang masusunod." Seryoso na ring sabi niya rito.
"You are not my boss señorita Keegan." Madiin na wika nito. "I work for Mrs. Jentero and this is what I paid for. To do my job so and I wasnt doing it because you are telling me not to. You're stopping me. Baka gusto mong iparating ko ito sa Mommy mo, señorita Keegan? I'm sure, hindi ito magugustohan ni señora."
She sighed.
"Look Kuya Dobert." She stopped from walking ng nasa bukana na sila ng gate ng condo. "My Mom's stressed and we have lots of problems here. Ayoko ng dumagdag pa sa mga alalahanin niya."
"Mag-isa ka lang na anak niya Miss Jentero. Ofcourse Mrs. Jentero will get worried kaya nga inilayo ka niya para maprotektahan at hindi para mapalapit sa mga taong mapang-api at mapanakit."
"I can handle myself."
Napabuga nalang ito ng hangin sa katigasan ng ulo niya. He was right but she have also her own reasons to make everything alright. Ano bang mahirap intindihin na kaya pa niya sa hindi na niya kaya pa? Nagsasakripisyo ang kanyang Mommy para sa kanya. This is the least thing she could do for her para hindi ito mag-alala.
"Sige na Kuya." Simpleng taboy niya rito bago siya tumalikod at pumasok ng pagbuksan siya ng gate ng gwardiya. Dumiretso siya sa building A kung nasan ang unit niya. Pinagbuksan ulit siya ng gwardya ng papasok siya ng lobby at dumiretso sa elevator. Pinindot niya ang kanyang floor. Lumabas siya ng marating ang floor niya at dumiretso sa unit niya. She swipe her card saka pumasok sa loob.
Ipinatong niya ang kanyang bag sa center table at nagpalit ng damit. She wore a skinny jeans, white sando, her brown leather jacket and her white adidas shoes bago niya pinusod ng mataas ang kanyang buhok. She took one of her rayban saka iyon sinuot. Binulsa niya ang kanyang wallet bago kinuha ang car key niyang nakapatong sa drawer.
Lumabas siya ng kanyang condo at sumakay sa elevator. She pressed 'G' kung saan ang parking lot ng building A. Ng makarating doon ay agad siyang sumakay sa kanyang corvette. She have no idea kung saan niya gustong pumunta. Gusto lang niyang maglibot libot sa lugar.
She put her seatbelt at saka ini-start ang engine. She turned on her music bago siya nagmaneho paalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Who's Keegan? Part 1 (Completed)
Misteri / ThrillerBinansagang walang puso si Lennox Larkin dahil sa pagiging mataray at masungit nito. Out of nowhere, a girl just showed up. Her name's Keegan but who is she?