Chapter 15

6.2K 314 31
                                    

Lennox

Pabagsak niyang ibinaba ang kanyang mga kubyertos at agarang tumayo.

"Lennox! Dont you dare turn your back on us-"

"Say what Mom?" Sarkastiko niyang sagot rito. Hindi naman talaga siya sumasagot kaya lang ay napupuno na rin siya. She doesnt know but she's not numb not to feel that her parents marriage is failing. "We're eating so kahit hindi niyo na kami respetohin ni Kuya Lennon at Ate Adelaide. Then respect the food. Ano ito?" Namaywang siya with her usual poise. Tahimik lang ang Kuya niya at kanyang hipag kasali na ang Daddy niya.

"We're having dinner at ganyan na nagkakasagutan kayo? Tell me Mom, sinong gaganahan sa inyo?" Bumaling siya sa Daddy niya. "I cant believe this." Aniya at saka nag-walked out.

She could hear her Mom calling her name pero nagbingi-bingihan lang siya. Halos hindi pa kasi sila nagsisimulang kumain kanina ng may pinag-aawayan na naman ang mga ito. Mahihina at madidiin ang salitang nagmumula sa bawat isa. Lagi nalang silang ganito at dahil na naman siguro sa babaeng si Kesha. It's been going on for a long time now at hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganun ang Mommy niya.

Her Dad always comes home on time. Busy lang ito palagi sa kanilang business at kung noon man iyon nangyare. How could her Mom get jealous kung wala itong matibay na ebidensya? She believe that her Dad loves her Mom. Kitang kita naman iyon pero ang Mommy niya ang gumagawa ng issue.

But they said, when you love someone so much. You get jealous over simple little things. Well, depende na iyon sa sitwasyon. And her Mom's just over acting.

Agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at kinuha ang kanyang susi. She was thinking to go out for a while. Magpalamig lang muna siya bago siya bumalik sa kanilang mansyon. Ayaw niyang pumangit ng dahil lang sa stress. Its not worth it.

Bumaba siya habang nakaderetso ang tingin sa kanilang pintuan.

"Lennox! You're not allowed to go out!" Narinig pa niyang sigaw ng Daddy niya pero umirap lang siya sa ere bago binalibag ang pintuan pasara. Agaran siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaandar iyon.

"Ma'am hindi daw po kayo pwedeng umalis. Sabi po ng Daddy niyo." Hawak pa nito ang radyo na halatang inabisuhan na ng kanyang ama.

"I dont care! Ang sasabihin ko ang sundin mo! Open the fucking gate!"

Bakas ang labis na kaba at takot sa mukha nito. "Ma'am ayaw ko pong matanggal sa trabaho. Magagalit po sa akin si sir-"

"Wala akong pakialam! Bubuksan mo o sasagasahan ko?!"

"Ma'am."

Umatras siya at bumwelo para sagasahan ang gate nila. Ewan niya kung kakayanin iyon ng kanyang sasakyan pero kailangan niyang subokan. Ikinabit niya ang kanyang seatbelt at huminga ng malalim. Napansin niya sa kanyang side mirror ang paglabas ng Daddy niya sa kanilang pintuan. Nakatayo ito habang nakatingin sa sasakyan niya. Sumenyas ito sa gwardya at nagmamadaling binuksan ang gate nila.

She smirked.

Paparaanin lang din pala siya nito andami pang arte. Alam din naman kasi ng Daddy niyang hindi siya nito mapipigilan. Agad niyang pinasibad ang kanyang sasakyan ng mabuksan ito. Mabilis siyang nagpatakbo papunta sa lugar na alam niyang makakapagbigay sa kanya ng katahimikan. She was kinda hungry dahil nabitin siya kanina. Nakakatatlong subo palang kasi siya kanina ng mag-iba ang timpla niya dahil sa hindi kaaya ayang tagpo sa kanyang harapan.

Lumiko siya pakaliwa at nadaanan niya ang eskwelahan nila. Patuloy lang siya hanggang sa mapadpad sa Galaxy Condo's. Agad siyang tumigil sa harapan ng gate ng parahin siya ng dalawang security guard.

"Ma'am hindi ka po pwedeng pumasok." Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito.

"I was here yesterday so bakit hindi pwede eh may pupuntahan ako sa loob?!" Mataray niyang sagot rito. Mas lalong hindi maniniwala ang dalawa dahil pang-gabi yata ang shift ng mga ito. Iba kasi ang gwardyang nagpapasok sa kanya ng kasama niya si Keegan.

"Kasali po ba kayo sa listahan ng mga bisita ng pupuntahan niyo? Sino po ba? Anong tower at unit?"

"Keegan Hadlee Monteverde." Nawawalang pasensya niyang sagot rito.

"Bakit parang ngayon lang po kayo rito?"

"Bakit andami niyong tanong?" Napipikon niyang sita sa mga ito.

"She's with Keegan." May nagsalita sa tabi ng mga ito and it was Dobert. "Kilala ko siya mga pare. Kaibigan ng boss kong dinadalhan ko ng pagkain sa loob."

Mukhang kampante naman ang dalawa sa narinig. Pinagsulat nalang siya ng pangalan niya sa logbook bago siya pinapasok.

Nagpunta pa siya sa ground floor para doon mag-park sa visitors parking space pero limitado lang ang nandon. Halatang mayaman nga ang mga tenant doon dahil may libreng parking lot. She knew the rules. Kapag may sariling condo dapat may sariling parking space din at binabayaran iyon ng ilang daang libo. Maswerte na kung isang daang libo lang ang bayad ng pribadong parking space but knowing this place. It cost maybe half a million sa kakaunting space lang para sa sasakyan.

Bumaba siya't pinatunog ang sasakyan upang i-lock iyon. Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Keegan.

Ng makarating sa unit nito ay walang habas niyang pinagpipindot ang doorbell nito. Nanggigigil siya dahil sa mga nangyare ngayon.

Bumukas iyon at kita niya ang surpresang mukha ni Keegan habang nakabitbit pa ito ng isang plastic. Heto ang dala dala ni Dobert kanina. Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob at naupo sa couch bago ipinikit ang kanyang mga mata.

"Lennox, why are you here?" Bakas sa boses nito ang pagtataka.

"Shit happened, Kee."

"Kumain kana?" Tanong ulit nito.

Agad siyang nagmulat dahil kumalam ang sikmura niya pagkarinig sa tanong nito. "I haven't actually eaten yet."

"Tara, kain muna tayo. Dinalhan ako ni Kuya Bert ng dinner ko. Marami naman kaya sakto lang para sa atin."

"Where is he anyway?"

"Umalis na. Nagkasunod nga lang kayong dumating eh. Nagkasalisi yata kayo."

Tumayo siya't namaywang rito saka pinagtaasan ng kilay. Keegan stared at her, halatang nagtataka ito sa inaasal niya.

"Next time Keegan. Ilagay mo ako sa list ng visitors mo so any time na pumunta ako rito. Hindi ako haharangan ng ganun. Nakakainit ng ulo! Haist!" Napapadyak siya dahil sa sobrang inis. "This day is too much for me!"

"Sige na. Kumain muna tayo. Mamaya kana magsentimyento." Tinalikuran siya nito at nagtungo sa kusina. Sumunod siya rito. Inilipat nito ang mga pagkain sa apat na bowl. Nilagyan lang siya nito ng kanin sa isang plato bago ibigay sa kanya. Kumuha ito ng kubyertos at pagkabigay sa kanya ay agad siyang kumain. Gutom na talaga siya.

Kumuha ito ng isang pitsel ng malamig na tubig sa ref at dalawang baso bago naupo sa tapat niya at nagsimula na ring kumain.

"Lennox, dahan dahan lang baka mabulonan ka niyan."

"I'm frustrated."

"Why?"

"Wala kana don!" Pagsusungit niya saka ulit sumubo.

"Maganda kana sana. Pinaglihi ka lang sa sama ng loob."

Naibuga niya ang kanyang kinakain.

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon