Lennox
Ewan niya pero hindi niya gusto ang Erika Maurice na ito. Palagay niya'y ilalayo nito si Keegan sa kanya. She's acting like an over protective jealous girlfriend pero wala siyang pakialam. That's how she feels at hindi niya alam kung bakit dahil kahit siya mismo ay hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Oo aaminin niya. Ayaw niyang may ibang kasama si Keegan, pinagdadamot niya ito. Gusto niya, siya lang.
"I said, come out!" She gritted her teeth in anger and frustration. What's taking them so long?!
Bumukas ang pintuan at iniluwa non si Keegan. Agad niyang hinablot ang pulsohan nito at hinatak palapit sa kanya. Nakasunod rito ang kaibigan nitong bisugo. Ok, she's beautiful and sexy pero mas lalo naman sa kanyang nag-uumapaw talaga ang alindog niya!
"Leave Keegan alone!" She commanded pero ngumisi lang ito sa kanya saka walang ano anu ay nilagpasan siya nito. At dahil mahahaba ang biyas niya ay pinatid niya ito and shoot!
"Damn! What a bitch!" Gigil na sigaw nito.
"Erika!" Akmang tutulongan ito ni Keegan para bumangon pero hindi niya ito binitawan. Sinamaan siya nito ng tingin pero tinapunan din niya ito ng mas masamang tingin.
"Subokan mong tulongan. Kakalbohin ko iyang bestfriend mong hindi naman kagandahan!"
Napabuntong hininga ito.
"Keegan ipagtanggol mo naman ako sa baliw na iyan!"
Aba't!
"I am not crazy as you are!" Tumayo ito saka lumapit sa kanya pero bago pa siya nito makalmot ay naharangan na ito ni Keegan.
"Erika stop it ok?"
Napabuntong hininga ito. "Ok. I do understand you Keegan. But she wont stay long! I am your bestfriend and we have to catch things up. Uuwi ako sa Sunday kaya dapat mamaya. Nakauwi na iyan!"
What?
Sa Sunday pa ito uuwi at sa makalawa pa iyon. Hindi siya papayag!
"There's no way you're going to stay here with Keegan!"
Erika Maurice smirked at her. "Hindi ikaw ang boss dito at mas lalong wala kang pag-aari dito so hindi ikaw ang masusunod. Uuwi ako kung kelan ko gusto!"
Aba't! May attitude rin talaga ang babaeng ito! Hindi niya ito hahayaang maging lubosang masaya kapag umalis siya. Taas noo siya rito. Mas matangkad pa rin siya dito ng ilang pulgada.
"Really?" She mocked her. "Then I'll stay here until Sunday, too! And you have nothing to say about it."
"Ano ba?!" Mataas na ang boses ni Keegan ng suwayin sila nito. "Wala bang titigil sa inyong dalawa?! Aalis ako!" At naglakad na nga ito palayo sa kanila.
"Kasalanan mo ito." Duro ni Erika sa kanya.
Agad niyang tinawid ang kanilang espasyo at sinabunotan ito.
"Kanina ka pa!" Aniya ritong naiinis. Sinabunotan rin siya nito. "Aray!"
Agad ring bumalik si Keegan at pilit sila nitong pinaghihiwalay.
"Awat na ano ba!"
"Nanggigigil ako sayo!" Aniya bago hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok nito.
"Aray! Damn you're a bitch!" At ganun din ang ginawa nito sa buhok niya.
Shit!
"Awat na sabi!" Inilayo siya ni Keegan dahilan para mapasunod si Erika dahil wala namang gustong bumitaw sa kanilang dalawa. Kung meron man, hindi siya iyon!
Bumitaw ito sa kanya pero kinalmot nito ang leeg niya. She doesnt have any choice kundi ang kagatin ang balikat nito.
"Aray! Damn you!" Sigaw nito. Ng bumitaw siya ay agaran niyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ng kanyang mga daliri at nag-ala modelong tindig. Nakataas ang isang kilay niya rito. Sinisipat nito ang nakagat na balikat. Bakat na bakat doon ang kanyang mga ngipin at namumula. Alam niyang pagdating ng bukas ay magkakapasa iyon lalo na't maputi rin ang babaeng ito.
"Lennox! What did you do!" Galit na sigaw ni Keegan sa kanya.
"Nagtatanong ka pa eh kitang kita mo ang pagkalmot niya sakin so I have no choice but to bite her!" Mataray niyang sagot rito.
Napabuntong hininga ito. Mukhang nai-stress sa mga nangyayari. Well, it wasn't her. This Erika Maurice showed up from nowhere and act like she owned Keegan. Nakakainit talaga ng ulo!
Kinuha nito ang kamay niya at saka siya nito pinaupo sa couch.
"Stay here, Lennox." Mababa ang boses nitong nagbabanta. "I'm warning you!"
Inirapan niya ito.
Binalikan nito si Erika at dinala ito ni Keegan sa kitchen pero bago pa tumalikod si Erika sa kanya ay nagbelat pa ito dahilan para mag-dirty finger siya dito pabalik.
She's not being rude. Ayaw lang niyang may ibang umaaligid na iba kay Keegan kasehodang matalik pa nito iyong kaibigan.
Nakikita niyang ginagamot ni Keegan ang kagat niya kay Erika habang nakaupo ito sa counter. Panay ang angil nito at kada maririnig niya itong ganun ay pinapaikot niya ang kanyang mga mata.
"Ang arte arte! Akala mo maganda!" Pasaring niya rito.
"Hoy!-" Natigil ang pagsagot nito ng takpan ni Keegan ang bibig nito dahilan para mapahagikgik siya.
Serves you right!
Kita niyang may sinasabi si Keegan rito. Hindi kasi niya marinig pero alam niyang hindi maganda dahil nalukot ang mukha ng bruha. Parang gusto niyang tumawa ngayon dahil nakakatawa ang hitsura nito. Magulo pa rin kasi ang buhok at halatang aping api sa nangyari kanina.
Ng mag-angat ito ng tingin ay inirapan niya ito. She even wiggled her eyebrows to her. Kita niyang namula ang mukha nito sa inis pero hindi makapanlaban dahil kay Keegan.
Ganyan nga, matuto kang umunawa at magtimpi. Aniya sa kaloob-looban niya.
Ng matapos ang mga ito ay dumiretso si Erika sa loob ng kwarto ni Keegan. Hindi siya nito tinapunan ng tingin at ganun din siya. Alam niya dahil kitang kita pa rin niya ito sa gilid ng kanyang mga mata.
Lumapit si Keegan sa kanya at tinignan ang nakalmot ni Erika sa kanya.
"Pauwiin mo siya Keegan."
"I cant do that, Lennox. If you cant bear my bestfriend's presence then be the one to leave."
"No!" Matigas niyang tanggi rito. "Dito lang din ako hanggang linggo!"
"Fine! But dont cause any trouble!"
Inirapan niya ito. "Pagsabihan mo iyang bwisit mong kaibigan."
"Let me remind you, Lennox." Diniinan nito ang bulak na may alcohol sa kanyang kalmot.
"Aray! Dahan dahan naman!" Angal niya rito.
"Sorry pero nanggigigil talaga ako sayo. But like I said, you shouldnt forget na hindi rin tayo magkaibigan."
Nagpanting ang kanyang mga tenga dahil sa narinig dito. Without a second thought. She grabbed the collar of Keegan's shirt and kiss her!
"Now, you are mine."
Awang ang labi nitong nakatitig sa kanya at nanlalaki ang mga mata.
Home base, Keegan Hadlee!
BINABASA MO ANG
Who's Keegan? Part 1 (Completed)
Mystery / ThrillerBinansagang walang puso si Lennox Larkin dahil sa pagiging mataray at masungit nito. Out of nowhere, a girl just showed up. Her name's Keegan but who is she?