Chapter 22

5.3K 344 51
                                    

Keegan Hadlee

Nakasimangot si Erika ngayon habang si Lennox ay halatang masaya. Mukha itong nanalo sa lotto dahil sa mga tuksong tingin nito sa kaibigan niya. Halatang inaasar ang isa. Nagtatampo kasi si Erika at bakit daw niya iniwan ito kagabi at sumama sama kay Lennox para mahiga sa couch. Humingi nalang siya dito ng pasensya dahil sa mga nangyayari. Hindi naman kasi niya inaasahan na pupunta si Lennox sa condo niya and worst. Maghahari-harian ito doon.

What a brat!

Tinext na niya kanina ang Kuya Dobert niya para maghatid ng pagkain at para surpresahin si Erika. Makalimutan man lang nito ang tampo sa kanya kahit papaano. Patay na patay kasi ang kaibigan niya sa bodyguard niya kaya kahit minsan lang ay kukunsintihin muna niya ang kagagahan nito para makabawi sa mga nangyari.

Ng may nag-doorbell sa unit niya ay alam na niyang si Kuya Dobert niya iyon. Binalingan niya si Erika na walang ganang nanonood ng tv. Hindi pa kasi sila naga-almusal kaya nagpa-order siya ng beef tapa, scrambled eggs, bacon, pritong boneless na bangus, sausages at hot choco sa bodyguard niya. Dinamihan na niya dahil iimbitahan nga niya si Kuya Dobert niya para matanggal ang tampo ng bestfriend niya.

"Erika, iyong inorder ko ng food natin iyan. Please, pwede pakikuha?" Nag-puppy eyes pa siya rito ng tumingin ito sa kanya. Inirapan siya nito pero wala namang sinabi bago tumayo at naglakad papunta sa pintuan. Gusto niyang makita ang reaksyon nito.

Lumingon muna ito sa kanya. "Bayad na ba?" Walang gana nitong tanong sa kanya. Tumango siya rito.

Binuksan nito ang pintuan at akmang kukunin na sana nito ang mga pagkain ng tumingala ito sa bodyguard niya. Kitang kita niya ng mabitin sa ere ang mga kamay nito bago nagmamadaling isara ulit ang pinto. Agad itong tumingin sa kanya at kitang kita niya mula sa pagiging walang gana ay kinikilig ang reaksyon nito. Namumuso ang mga mata.

"My gosh Keegan!" Impit na tili nito kaya natawa siya. Nagulat siya ng maglupasay nalang ito bigla pero agad ring bumangon bago pinaypayan ang sarili. "He's hot!" Naghuhuramentado na ito. Parang kiti-kiti. Tinakpan niya ang kanyang bibig upang hindi mapahalakhak rito. Dinuro siya nito. "I love you na talaga bestfriend!" And she watched her do the happy dance. Sira talaga!

Nakita niyang natatawa si Lennox rito pero pinipilit itago.

Erika compose herself bago ulit nito buksan ang pinto.

"Hi? Good morning. Ayos ka lang ba, Maurice?" Takang tanong ng Kuya Bert niya rito.

Tumikhim muna si Erika. "I'm fine." Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Niluwagan nito ang pintuan at saka tumabi. "Come in."

Nag-alangan naman ang Kuya Dobert niya ng makita silang tatlo.

"It's ok, Kuya."

Ng makapasok ito ay agad isinara ni Erika ang pintuan. Dumiretso naman ito sa kitchen para ilapag ang mga pagkain. Sumunod siya rito.

"Kuya, dito kana kumain."

"Ah." Nagkamot ito sa ulo bago tumingin kay Erika. Kelan pa ito nahiya?Ang brusko brusko nito tapos ngayon. Teka nga. Hindi kaya may gusto rin ito sa bestfriend niya?

"Hindi na, Senyorita. Sa labas na lang-"

"Kuya I insist, ok? Tayo tayo lang naman saka dati naman tayong nagsasabay kumain. Sige na." Pangungumbinsi niya rito. Kitang kita niya ng mapakagat labi si Erika. Halata masyado ang haliparot na ito.

"Sige na, Bert. Ngayon lang ulit ako nakapunta at bukas uuwi na ako, please?" Si Erika at bakit ang lagkit ng tingin nito? Gusto niya itong kutosan pero nakaharap naman ang Kuya Kuyahan niya. Saka kahit ngayon lang niya sakyan ang kagagahan nito para makabawi siya diba?

"Sige." Ngumiti ito at mas mabilis pa sa alas kwatrong pinaupo ito ni Erika saka kumuha ng mga pinggan at kubyertos. Ito na rin ang naglagay ng mga pagkain sa mga plato.

She rolled her eyes bago siya bumalik sa sala. She found Lennox in the couch sitting like a queen while her eyes close.

"Lennox, kakain na tayo."

"Hayaan mo muna silang dalawa doon." Sagot nitong hindi nagmumulat ng mga mata.

"Halika na." Hindi rin ito nakapalag ng hatakin niya ito at dalhin sa kusina. Nadatnan niyang kumakain na sina Erika at Kuya Bert niya. Naupo siya sa tapat ng Kuya Bert niya habang si Lennox ay naupo sa kanan niya at si Erika ay sa kaliwa niyang dulo ng lamesa. Six seater kasi ang lamesa niya.

"Kuya, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman, Senyorita. Bakit?"

Umiling siya rito. "Nagtatanong lang Kuya saka huwag nga iyang Senyorita."

Natawa naman ito. Halatang hindi komportable siguro dahil tatlo silang mga babae at magaganda pa ang mga kasama nila pero hindi niya maipagkakailang hindi pa rin panatag ang loob nito kay Lennox dahil sa mga pambubully nito noon sa kanya. Kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili niya. Hinayaan lang talaga niya ang mga pang-aapi sa kanya nito noon dahil ayaw niya ng gulo. Ayaw rin niyang malaman ng kahit sino kung sino talaga siya. Not with everybody lalo na kay Lennox. She doesnt want her to get involve.

Tumango ito. "Kamusta ang pag-aaral mo, Maurice?" Baling nito kay Erika at ang isa ay kamuntikan ng mabulonan. Uminom muna ito ng tubig. Gusto niyang mapatampal sa kanyang noo. Masyado itong halata!

"Ok naman." Namumula ang mga pisngi nito. Heck! "Ikaw kamusta ang trabaho?" Sumubo ulit ito ng beef tapa.

"Ayos naman. Nag-iipon para maganda naman ang maibigay kong future sa magiging asawa't mga anak ko."

Literal na naibuga nito ang kinakain bago nagkandaubo. Mabilis na tumayo ang Kuya niya bago himasin ang likuran nito. Uminom ulit si Erika ng tubig.

"Go easy. Wala ka namang kaagaw sa pagkain, Maurice."

Erika wiggled her eyebrows to her pero pinanlakihan lang niya ito ng mga mata. Hinihimas pa rin ng Kuya niya ang likuran nito.

"Ayos kana ba?" Tanong ulit ng Kuya niya rito.

Ngumiti si Erika dito ng matamis. "Im ok na. Salamat."

Si Lennox naman ang umubo kaya napatingin siya rito. Hinimas din niya ang likuran nito.

"Ayos ka lang?" She asked her.

Bumalik sa pagkakaupo ang Kuya niya at ipinagpatuloy ang pagkain nito.

"No." Maikling sagot nito na ikinakunot ng kanyang noo.

"Bakit? Hindi mo ba gusto ang pagkain?"

"Ikaw ang gusto ko!" At mabilis siya nitong ninakawan ng halik sa kanyang mga labi.

Her eyes widened kahit si Erika ay ganun din samantalang ang Kuya niya ay nabilaukan at hawak hawak pa nito ang leeg nito.

"Now you know." Wika nito at walang sabi sabing tumayo. Iniwan sila nito sa kusina. Siya na namumula at nakanganga. Si Erika na nanlalaki ang mga mata at ang Kuya niyang natulala.

What the heck Lennox?!

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon