Chapter 3

7.4K 310 3
                                    

Keegan Hadlee

Kinse minutos pa ay nakarating din sila sa school niya at kahit ayaw ni Kuya Bert na maglakad siya ay ginawa niya. Pinakiusapan nalang niya itong huwag siyang isusumbong sa Mommy niya kaya wala rin choice si Kuya Bert kundi pumayag sa gusto niya kaya sabay sila nitong naglakad.

"Beep me kapag may nang-api sayo sa loob at sasapakin ko."

Natawa siya rito. "Eskandaloso mo Kuya hindi bagay sayo."

Isinuot niya ang isang malaking salamin na nagpakunot sa noo ng Kuya Bert niya. Gusto niyang matawa sa histura nito ngayon.

She playfully wiggled her eyebrows to him. "I know Kuya. I look like a nerd."

"You're a nerd."

Iniwan niya itong nagugulohan sa may labas ng gate. Nakita pa niya ng lumapit ito sa may guard house at nakipag-usap talaga sa mga guwardyang nandon.

Hinanap niya ang kanyang room at laking pasalamat niya ng makita iyon. Malawak kasi ang campus pero mabuti nalang at organize naman iyon kaya hindi niya kailangang magtanong sa kahit sino.

Pumasok siya sa loob ng nakayuko dahil ayaw niyang makaagaw ng atensyon lalo na't wala siyang kakilala rito pero halos mapapikit siya ng ang maingay na classroom ay biglang tumahimik. Alam niyang pinagtitinginan siya ngayon dahil sa suot niya. Nakita na niya kasi kaninang pagandahan ang mga estudyante ng suot rito at heto naman siya. Nagpapaka-simple sa dating mas simple pa niyang pananamit.

Naupo siya sa gilid kung nasaan ang malaking bintana. Ilang sandali lang ay dumating din ang Professor nila at hiningi nito ang index card kung saan nakasulat ang mga pangalan nila.

"So." Ngumiti ito sa kanila at pahapyaw lang siyang tumingin rito. Ayaw niyang makipag-eye contact sa kahit sino kung sakali. "We're not going to do any necessary things this morning because its our first day so I will make an exemption. I want you to get to know each other because I want to implement the values first before educating you. As I call on your name. Raise your hand and say present." She was organizing the index cards she collected from them according to their surnames. "And oh." Pagpapatuloy nito ng parang may nakalimutang banggitin. "It's so rude for me not to properly introduce myself. I am Mrs. Paguia for those of you who doesnt know me, yet. And I've got one rule in my class. Study hard and I will give you the highest mark you deserve."

Ng matapos si Mrs. Paguia sa pag-aayos ng index cards ay nagsimula itong tawagin ang bawat pangalan nila.

"Adylin Kastaña?"

"Present."

"Lennox Larkin."

"Here."

Gusto niyang mapalingon sa kung sino man iyon pero pinigilan niya. There's something in that voice and it's screaming danger.

"Keegan Hadlee Monteverde?"

She slightly raised her hand. "Present." Pero agad rin niyang ibinaba iyon habang nakayuko pa rin siya.

"Are you a transferee hija?" Napilitan siyang mag-angat ng tingin dahil sa tanong ni Mrs. Paguia sa kanya. She doesnt want to be rude.

"I am, ma'am."

Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "Malford Ashton Neira."

"Present"

"Sydney Valencia?"

"Here, I'm present." Ewan niya pero parang anlandi naman ng boses non. Nakikinig lang kasi siya habang nakayuko. Ng matapos silang makilala lahat ay tulad ng sinabi ni Professor Paguia. Hinayaan sila nitong makipag-usap sa iba pero hindi siya gumalaw sa kanyang kinauupuan para makipagkilala sa iba. She was sure na siya lang naman yata ang nadagdag rito dahil halatang matagal ng magkaka-klase ang mga ito.

She took one of her book inside her bag and read it. Isa siyang bookworm at lahat ay pinapatus niyang basahin basta may aral na napupulot. She loves documentaries, discoveries at kung ano anu pang may kinalaman sa mga totoong pangyayari sa buhay at mundo.

Ng matapos ang first period nila ay madaling lumipas ang oras. Second period hanggang sa dumating ang breaktime. She had learned that they have thirty minutes of break pero wala na rin naman siyang klase after that. Mamayang hapon ulit mga two hanggang three.

Sinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang kanang balikat at naglakad palabas ng room pero hindi pa man siya nakakarating sa may pintuan ay pinatid na siya ng isang babae dahilan para madapa siya sa harapan ng mga ito. Nagtawanan ang mga ito sa kanya. Hindi siya lumingon at hindi niya ugaling manlaban. Tinuruan siya ng mabuti ng Mommy niya at kahit papaano ay napalaki siya nito ng maayos.

"Mommy's not here to help you, nerd."

Inabot niya ang kanyang nerdy eyeglass at hindi pa man ay tinapakan na iyon dahilan para masira.

Tumingala siya sa tumapak. Isang demonya ang nakita niyang nakatayo sa kanyang harapan habang naka-pose pa ito. Nakapameywang ang isang kamay nito. Nawala ang ngisi nito ng makita siguro ang maamo niyang mukha.

Ok? Maganda siya at pala-ayos ng sarili pero hindi maarte. Lagi niyang pinupusod ang mahabang bagsak niyang buhok pero dahil nga sa nagtatago siya ay hinayaan lang niya iyong nakalugay para takpan ang mukha niya ngayon. But not before this daughter of evil infront of her stared at her face.

Maganda ito pero masama naman ang ugali. Hinayaan nalang niya ang sira ng eyeglass niya at saka tumayo at nagmamadaling umalis doon. Alam na niyang magiging biktima siya ng pambu-bully ng mga ito. If she could just beep her Kuya Bert to come and save her pero alangan namang manapak ito and worst sa isang babae pang maarte at patpatin?

Ng makarating siya sa may gate ay sinalubong agad siya ni Bert.

"Hindi ka dapat nagpapa-api Keegan." Seryosong wika nito dahilan para mapabuntong hininga siya. So nakita nito iyon? Malamang kasi nga iyon ang trabaho nito. Ang bantayan siya. Ang manmanan siya.

"Hindi rin ako dapat lumalaban Kuya Bert. Wala lang talagang magawa sa buhay ang mga iyon. Kapag nanlaban ako. Mas lalong hindi nila ako tatantanan. It's just a catfight."

Napabuntong hininga ito.

"Tara Kuya Bert gusto ko ng umuwi. Mamayang hapon pa ang balik ko ulit para sa huling klase ko."

"Tara na nga, nerdy."

She rolled her eyes at him dahilan para ngumiti ito. Kauna-unahang araw ng klase at naging target na agad siya ng pambu-bully. Great!




What a day!

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon