Veronica's PoV
Napaisip naman ako kaagad ng irarason ko sa kanila ni del Pilar. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lola Mysterious.
"Ah..yun ba? Ako si Veronica Nable Jose. Nagmula ako sa Norte naglalakbay kami noon ng aking tiya nang mabihag siya ng mga kawatan at ako ay tumakas kaya napadpad ako rito sa Pasong Tirad. Mahigit dalawang araw na akong nagpapalaboy-laboy dito. Yung paggamit ko ng baril ay natutunan ko lang sa aking Tiyo na ngayon ay yumao na. Tas itong mga gamit at pangagamot ay......" Jusko anong sasabihin ko.
"Ano?"
"Ano?"
Halos sabay na tanong nila Vicente at Goyo....
"Napapanood ko lang ang aking tiya na gawin iyan at ang mga gamit ko ay inimbento ko lamang. Wag kang mag-alala safe---este ligtas iyan hindi ka mamamatay hehe." pag-eexplain ko sa kanila. Nakahinga naman ng malalim si Vicente sa aking paliwanag.
"Kung gayon Veronica wala kang mapupuntahan mabuti pa'y sumama ka na sa amin papuntang kampo. At maraming salamat sa panggagamot." nakangiting tugon sa akin ni Vicente. Nauuna silang naglalakad ni del Pilar at parang may pinag-uusapan ang dalawa.
Tinignan ko naman ang laman ng aking bag at parang hindi ito nauubusan ng alcohol at iba pang medisina pati na rin ng bala. Nako baka pag-kamalhan nila akong espiya.
Tinignan ko ang paligid at napansin kong mataas pa ang sikat ng araw. May nakapa akong salamin at suklay tinignan ko ang mukha ko at gosh i'm so madungis baka pagkamalhan naman nila akong mangkukulam nito.
Agad akong kumuha ng tubig at ng punas at pinunasan ang aking mukha tsaka nagsuklay. At ayun nanumbalik na ang aking magandang itsura charot.
Napansin ko namang nakatingin sa aking si Goyo kaya tinaasan ko ito ng kilay. Parang namula naman ang kanyang mukha sa kahihiyan dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Ika'y napakaganda pala binibini kapag maayos ang iyong itsura pero kahit madungis pa ang iyong mukha ay nangingibabaw parin sa iyo ang kagandahang taglay mo.'' mahinahong sambit ni del Pilar sa akin.
"Ah heneral wag mong gamitin sa akin ang iyong matatamis na linyata na nagamit mo na sa iba't ibang babae...at wag mo kong itulad sa kanila" nakangiting sagot ko rito at napatawa siya ng mahina.
Aba sa pagkaka-lam ko ang katabi at kausap kong lalaki ngayon ay ang mang-gogoyo at playboy ng taong ito.
"Hmmm... Goyo na lamang binibini at ika'y huminahon sa pagkat hindi kita itutulad sa kanila dahil ika'y nag-iisa at ikaw ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko"
Muntik na akong madapa dahil sa gulat sa sinabi niya buti nalang at nahawakan niya ako sa bewang at agad na hinila paharap sa kanya.
Parang nag-slowmo naman ang paligid at nagfocus lamang sa kanya ang aking nakikita tinitigan ko siya at napansin ko ang kabuuang features ng kanyang mukha.
Ngayon ko lang napansin kamukha niya si Paulo Avelino ang taong gumanap sa kanya sa pelikula. Ang gwapo shet. Pero agad akong natauhan nang tawagin siya ni Vicente. Agad akong kumawala sa pagkakahawak niya at pinagpagan na lamang ang aking suot at naglakad na.
Nang makarating na kami sa isang baryo ay agad sumalubong ang mga tao doon sa amin. Merong lumapit at ang iba ay tinignan ako na para bang nagbubulungan.
Tinawag naman ako ni Vicente na lumapit sa kanya na agad ko namang ginawa. Pumunta kami sa isang bahay na kinaroroonan ni Goyo at sa tingin ko ay si Emilio Aguinaldo.
Aba may nameet pa akong Presidente wow shet hanep. Nang mapatingin sila sa akin ay agad akong ngumiti at nag-bow bilang paggalang.
"Goyong siya ba ang sinasabi mong binibining nagligtas sa buhay mo?"
"Opo ka-Miyong" magalang naman sagot ni Goyo sa kaniya.
"Binibini ano ang iyong ngalan?''
"Ah, ako po si Veronica Nable Jose ikinagagalak ko po kayong makilala" nakangiting sagot ko kay Aguinaldo. Ngumiti naman siya at tumango.
Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang isang babaeng maganda at nakatingin siya sa akin pero ini-snob ko lamang siya at ibinaling sa iba ang tingin ko.
Nagulat ako nang makita ko ang isang taong kilala ko OMG!! agad niya naman akong napansin at lumapit sa akin.
"Omygosh Lola Mysterious nandito ka?!" gulat kong sigaw sa kanya at napatingin naman sa akin sina Goyo at iba pang tao na puno ng pagtataka.
"Oh Veronica iha ano ang iyong ginagawa rito baka ika'y hanapin ni Señor Cristobal iha." biglang sabi ni Lola sa akin at naguluhan naman ako bigla.
"Huh? ano pong sinasabi niyo eh kayo po ang nagda----" hindi ko naituloy ang aking ibubulong sa kanya nang pagdilatan niya ako ng mata.
"Ah eh ako po ay naligaw kanina eh sakto namang may labanan kanina kaya ayun po napasama ako hehe" weird kong sabi rito.
"Oh Manang Amanda amammum isuna?" (Oh Manang Amanda kilala mo siya?) tanong nung lalaking sa tingin ko ay si Pantaleon Garcia isang Tinyente.
"Oo siya ang nag-iisang anak ni Señor Cristobal Nable Jose. Ako ang dating taga-pag-alaga niya." Nakangiting tugon ni Lola Mysterious/Amanda.Tumango naman siya at ganun din sina Goyo.
"Oh siya, señorita Veronica halika sa aking bahay upang ikaw ay makapag-palit na ng damit." Agad naman akong natauhan nang hinawakan ako ni Lola Mysterious at iginaya sa kanyang bahay.
Nakarating kaming dalawa sa isang simpleng kubo. Mayroon itong tatlong kwarto, maliit na sala at dining area at sa tingin ko ay may banyo rin sa loob.
"Halika iha, maligo ka muna ito ang iyong mga damit. Mag-uusap tayo mamaya." wika nito at inabot sa akin ang isang dilaw na baro't saya. Agad naman akong nagtungo sa palikuran dahil nangangati na ako.
Mga tatlong minuto lang ay tapos na akong maligo. Agad naman akong nagtungo sa sala kung saan naroon si Lola Mysterious. Pero nagulat ako nang biglang lumabas si Goyo sa isa sa mga kwarto.
Napansin nito ang aking pagtitig sa kanya kaya nginitan niya ako at tumango, ganun din ako sa kanya. Naputol lang tinginan namin nang tinawag na ako ni Lola.
"Lola Mysterious kailan po ako makakabalik sa panahon ko?" pabulong kong tanong sa kanya.
"Hangga't matapos mo ang iyong misyon iha."
"Pero nailigtas ko na naman si Goyo eh."
"Hindi lang iyon ang misyon mo." seryosong tugon nito "Kailangan mong mabago ang ugali nitong palikero"
Naguluhan naman ako bigla sa kanyang term. "Uhm Lola what do you mean by palikero?"
"Sa panahon mo playboy ang ibig nitong sabihin neng. At bawas bawasan mo ang paggamit ng wikang ingles" sagot naman ng matanda. Mag-sasalita pa sana ako nang may bigla itong sinabi.
"Maari mo siyang ibigin ngunit wag mo siyang hahayaang mamatay dahil sa oras na mangyari ito ay hinding hindi ka na makakabalik pa sa iyong panahon." seryosong tugon nito sa akin.
"Eh hindi naman talaga ako iibig riyan lola at paano naman yon eh lahat naman ng tao mamatay."
"Veronica, kung siya ay mamatay dahil sa pagkakabaril ay hindi ka na makakabalik sa panahon mo. Mabubura ka sa alala ng mga tao doon." Nag-babanta nitong sabi sa akin.
"Apat lang tayong nakaka-alam kung sino ka talaga si Esmeralda ang iyong lola, ako, ikaw at ang anak ko." patuloy pa ni Lola Mysterious.
"Anak? sino po?" takang-taka kong tanong kay Lola Mysterious.
"Ako" sambit nang lalaking kakapasok lamang.
OMG siya?! Hindi ko akalaing siya pala ang anak ni Lola. How come? Paano eh halos hindi niya ako kilala kanina?!!
-------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Hi Mi'Rasols you can follow me on this social media accounts for more updates regarding the CTGP:
fb - Jzryl Dianne
ig - @_itsmissanne
twitter - @jzydeanne
BINABASA MO ANG
Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]
Historical FictionBattle Above The Clouds Series #1 Veronica Estrelle is a military doctor at bumalik siya sa taong 1899 bilang si Veronica Nable Jose sa mismong araw at lugar kung saan ay papatayin ng mga amerikano ang batang heneral. Kailangan niyang iligtas sa kam...