Goyo's PoV
Kasalukuyan ako ngayong narito sa atique ng mansiyon. Pinagmamasdan ko ang litrato ni Veronica na nandito. Hindi ko maiwasang mas lalong mahulog pa sa kaniya. Kinuha ko ang dala kong gitara at nagsimulang umawit.
Ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw, dapat mong malaman.
Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman....
Napatigil ako sa pagkanta nang marinig ko ang pintuan na unti-unting bumubukas. Lalapitan ko na sana ito nang bigla itong sumara at nakarinig ako ng mga yabag na papababa na sa hagdanan. Sino kaya yon?
Lumipas ang mga araw, bukas ay ang kaarawan na ni Veronica. Narito akong muli sa hardin habang tinatanaw siyang tumutugtog ng piano sa kanyang azotea. Naramdaman kong may naupo sa aking tabi kaya tinignan ko kung sino ito.
"Ngayon ang huling araw niyo rito." wika sa akin ni Nanang Amanda.
Napayuko lamang ako at ngumiti. "Masaya po akong makilala kayong lahat. At masaya rin po akong naging matagumpay ang misyong ito." saad ko.
Huminga siya ng malalim bago mag-salita. "Bukas magkakaroon ng kaguluhan. Dadarating sina Maria at ang mga guardia de honor. Itatakas mo si Veronica matungo kayo sa tapat ng matandang puno ng acacia na may mga dilaw na bulaklak. Hayaan mong si Veronica ang pumatay kay Maria." wika muli ni Nanang.
Napatingin naman ako sa kanya. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. "Mangyayari ang unang eklipse ng taong ito bukas at kapag tuluyan nang makain ng dilim ang liwanag tumalon kayo sa ilog." dagdag niya.
Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil natatakot ako. Isa ako sa pinakamagiting na heneral sa panahong ito at panahon ko ngunit natatakot ako na baka hindi ko magawang iligtas ang babaeng minamahal ko.
"Tatagan mo ang iyong loob Goyo...Magtiwala ka." iyan ang huling sinabi sa akin ni Nanang Amanda bago siya tuluyan maglaho.
Kinabukasan naging maayos ang lahat. Masaya kaming nagtatanghalian hanggang sa makarinig kami ng mga putok ng baril. Napatayo kaming tatlo nina Vicente at nagkatinginan bago lumabas upang tignan ang nangyayari.
"Anak nang!" sigaw ni Tisoy. Tumakbo naman si Vicente at nagtungo sa kinaroroonan nina Kapitan Garcia upang itanong ang mga nangyayari. Napapikit naman ako ng mariin nang mamataan ko si Maria na sakay ng isang kabayo.
"Punyeta!Itakas mo na si Veronica dahil siya ang pakay ni Maria. Pati na ikaw Goyo mukhang narito rin ang mga guardia de honor upang iganti si Luna!" mariing wika ni Vicente. Tumango lang ako sa kanya at bumalik na sa loob kasamasi Tisoy.
Mga guardia de honor narito sila at kasama ni Maria. Ang tingin ko'y ipaghihiganti nila si Luna at ang pakay ni Maria ay...ikaw Veronica." wika ko nang makarating na kami sa kinaroroonan nila.
Gulat na gulat siya at may bahid ng kaba ang kanyang ekspresyon dahil sa narinig niya. Kahit ako'y hindi ko maiwasang kabahan. Napatingin ako kay Nanang na nakatingin rin sa akin ngayon. Marahil ay ito na ang oras.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Kayo na ang bahala sa kanila itatakas ko si Veronica dito." wika ko. Tumingin naman sina Juan at Tisoy bago sila nagtungo sa labas. Kinuha ko ang balabal na hawak ni Imelda at isinuot iyon kay Veronica.
BINABASA MO ANG
Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]
Historical FictionBattle Above The Clouds Series #1 Veronica Estrelle is a military doctor at bumalik siya sa taong 1899 bilang si Veronica Nable Jose sa mismong araw at lugar kung saan ay papatayin ng mga amerikano ang batang heneral. Kailangan niyang iligtas sa kam...