Kabanata 10

2.6K 100 8
                                    

Veronica's PoV

Kaba ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na ito. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung umalis sina Goyo at hanggang ngayon hindi pa sila bumabalik. Narito kami ngayon nina Carmela sa Azotea at hindi ako mapakali dahil sobrang kinakabahan ako na para bang may masamang mangyayari sa kanila.

"Veronica ika'y kumalma. Walang mangyayaring masama sa kanila." pagpapakalma sa akin ni Imelda. Tama siya kailangan kong kumalma at mag-tiwala kay Goyo.

Hindi ako natatakot na baka siya ay mamatay at hindi na ako makabalik sa aking panahon. Natatakot akong mawala siya dahil napagtanto kong mahal ko na siya. Nais kong makasama siya sa mas mahabang panahon hanggang sa hindi pa ako bumabalik sa aking tunay na panahon.

Umupo ako sa tabi ni  Carmela na nagbuburda ng panyo para kay Tisoy. Napaisip naman ako na maari kong bigyan si Goyo ng panyo pagkabalik niya. Tama magandang ideya nga iyon.

"Uhmm..Carmela? Maari mo ba akong turuang magburda?"  wika ko kay Carmela. Napangiti naman siya sa akin bago sumagot. "Oo naman. Para kay Goyo ba?" tugon niya. Napayuko naman ako at tumango.

"Umiibig ka na nga Veronica." panunukso sa akin ni Imelda. Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok sa kwarto upang kunin ang panyo.

Kinuha ko mula sa drawer yung puting panyong pinambalot noon ni Goyo sa gasgas ko sa siko. Nilabhan ko noon ito bago tinago upang malinis kung ibabalik ko man sa kanya.

Mahigit dalawang oras ang inabot ko sa pagbuburda nitong panyo. Sa una ay mahirap at panay tusok ng karayom sa aking daliri ngunit habang tumatagal ay mas nasasanay na ako kaya naging madali na lamang ito.

Ibinurda ko ang kanyang palayaw sa ibabang parte ng panyo 'Goyo' , I also embroided it with a heart sign. Nang matapos kong itong gawin ay nagtungo ako sa kwarto ni Lola Mysterious upang makahingi ng papel at panulat ngunit ang sabi niya ay wala na siyang papel kaya lapis lang ang naipahiram niya sa akin.

Nag-tungo ako kina Carmela at Imelda na ngayon ay nilalaro si Angelita sa hardin upang makahingi sana ng papel ngunit ang sabi nila ay wala raw silang extra. Wala akong nagawa kundi magtungo muli sa aking kwarto. Habang nasa hagdan ay nakasalubong ko itong si Joven. Naisip kong mahilig siyang mag-sulat base sa character niya doon sa movie.

"Joven." tawag ko sa kanya, agad naman siyang napatingin sa gawi ko. 

"Bakit po binibini?" tanong niya. Sinabi ko namang kailangan ko ng papel para sa gagawin kong liham at kung maari sana'y humingi ako sa kanya kasi wala akong papel. Um-oo naman siya at sinabing kukuha lamang siya sa kanilang kwarto ni Vicente.

Hinintay ko siya sa may piano dito sa salas ng ikalawang palapag. Napansin kong may mga nakaukit na baybayin doon dahil marunong naman akong magbaybayin ay agad ko itong nabasa 'Veronica Estrella N. Jose'  iyan ang naka-ukit kung ganon ay marahil ito ang tunay na pangalan ni Veronica dito sa taong 1899... eh magkalapit lang pala ang pangalan namin Veronica Estrelle sa akin samantalang siya'y Veronica Estrella. Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Joven.

"Binibini ito na ho ang mga papel na hinihingi niyo." wika niya. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya bago pumasok sa aking silid. Nag-isip muna ako ng maari kong isulat at kung paano ito gagawing espesyal, hindi nag-tagal ay naka-isip na ako ng gagawin.

Gumawa ako ng tula upang mas maging formal ang dating nito, buti nalang at naisip ko si Lola Esmeralda kaya nagkaroon ako ng ideya sa aking gagawin. Si Lola kasi ay palaging naglalagay ng tula kapag siya'y sumusulat ng liham.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon