Kabanata 6

3.4K 131 94
                                    

Veronica's PoV

Tahimik lang ako habang binabaybay namin ni Goyo ang daan patungong Quirino. Dumaan kami sa masukal na kagubatan upang umiwas sa mga amerikanong maaring dumadaan sa mga kapatagan. Nang malalim na ang gabi ay napagdesisyunan ng lahat na tumigil muna at magpahinga dahil maaga pa kaming maglalakbay bukas.

Umupo lang muna ako sa may bato upang pagmasdan ang apoy sa may campfire. Nakatulog na sina Carmela at Imelda sa isang itinayong parang tent namin. Iniisip ko sina Mama nakabalik na kaya sila galing Switzerland?Si Lola kaya kamusta na?...hayst hindi ko akalaing ang isa sa mga pinapangarap ko lang noon ay nararanasan ko na. Habang nag-iisip ako ay biglang lumapit sa akin si Tisoy.

"Oy Veronica. Anong iniisip mo?" tanong nito sa akin.

"Pake mo ba?"

"Sige na sabihin mo na kasee..." pag-pupumilit pa nito. Saan kaya pinag-lihi to ni Lola Mysterious. Sobrang kulit niya to the point na gusto ko siyang itapon sa outer space.

"Iniisip ko kung paano kita papatayin dahil sobrang kulit mo! hmp.. .diyan ka na nga." singhal ko dito at tinalikuran siya habang tumatawa.

"Oh Veronica gabi na ah? Ika'y matulog na binibini." nakangiting sabi sa akin ni Vicente na nakasalubong ko.

"Ahh ehh...matutulog na nga ako, good night." tugon ko rito. Mukhang naguluhan naman siya sa sinabi kong 'good night' .

"Huh? g-gud n-nyt?" naguguluhan nitong sabi. Natawa naman ako dahil medyo slang ang kanyang accent.

"Ahhh magandang gabi yun yung ibig kong sabihin." pagtatama ko sa kanya tumango na lang siya at binati rin ako ng magandang gabi.

Gwapo rin tong si Vicente yun lang ang sabi sabi ay may natitipuhan na raw siyang iba. Hindi naman sa bet ko siya,nagwagwapuhan lang naman ako. Sa pagka-lutang ko ay nakalimutan ko kung nasaan iyong tent namin.

'shit naman oh.' Bulong ko sa aking sarili. Ang naalalala ko ay malapit lang yung tent namin dito sa batong kinatatayuan ko. Nilapitan ko yung isang tent na malapit sa akin sa pag-aakalang ito yung amin. Pero pakshet siszmarz nakita ko si Goyo na nakaupo habang may sinusulat sa kanyang diary naka-topless ang heneral niyo. Well-built ang katawan ni Goyo marz

"Wow,ang hot marz." wala sa sariling sabi habang nakatingin sa kanya.

"Veronica?Anong ginagawa mo rito?Bakit gising ka pa?" bigla nitong tanong. Natauhan naman ako at umiwas ng tingin sa kanya. Napansin naman ata niya iyon kaya agad niyang kinuha ang kanyang camiso de tsino at isinuot iyon.

"Ahhh pasensya na. Akala ko kasi dito yung ten---este yung tulugan namin nina Carmela." wika ko sa kanya. Napatango naman siya at lumapit sa akin.

"Ganun ba? Halika ihahatid nalang kita." tugon nito sa akin at nagsimula nang lumakad. Nang makarating na kami sa harap nang tent ay humarap ako sa kanya.

"Maraming salamat Goyo...magandang gabi." nakangiti kong wika sa kanya. Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Magandang gabi rin Veronica...at sana'y pag-isipan mo ang aking sinabi kanina." ani nito at tuluyan nang umalis.

Pumasok na ako sa aming tent at humiga. Naalala ko naman iyong sinabi kanina ni Goyo sa akin.


---flashback---

"Problema nung higad na yun?" bulong ko nang makita ko si Maria na matalim na nakatingin sa amin ni Goyo habang sakay ng kanyang kabayo.


Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon