Veronica's PoVPabalik balik ang tingin ni Stacey at Vincent sa amin ngayon ni Goyo. Hindi ko mapigilang yumuko matapos nila kaming mahuli kaninang nagyayakapan.
"Okay so mind to explain if paano kayo nagkakilala?And how did the two of you....get into the err-relationship like this?" tanong sa amin ni Stacey na naka-upo sa harapan naming dalawa ni Goyo.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Sumimsim si Goyo sa kanyang kape at tumikhim bago magsalita.
"Long story.....the important thing is kami na." maikling wika niya. Nasamid naman si Vincent dahil sa sinabi ni Goyo.
"What the? Eh palagi ako niyang pinapakuha ng update kung anong nangyayari sa---" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol na siya ni Goyo.
"How about the two of you? Anong meron sa inyo?" tanong ni Goyo. Tama nga siya, ano bang namamagitan sa dalawang 'to?
Napaiwas naman ng tingin si Stacey habang si Vincent ay napasipol habang tinitinignan ang kanyang pagkain.
"Duhhh we're not even friends. I don't know him kaya." wika ni Stacey. nag-ring naman ang cellphone ko kaya hindi ko siya nagawang asarin.
Major Mendoza calling...
"Dra. Flores!! thank God you answered my phone call. Kasama mo po si Dra. Chua?" wika niya.
"Yes, bakit?" tanong ko. Napatingin naman sila sa akin.
"Emergency po eh. Kailangan na po kayo dito. May dumating po na VIP patient and kailangan siyang maoperahan.ASAP." napakunot ang aking noo dahil sa sinabi nito.
"Sino yan?" tanong kong muli.
"Brigade Gen. Edencio Flores po ma'am. yung Lolo niyo po." sagot niya. Napatayo naman ako dahil sa gulat. Binaba ko kaagad ang tawag at tumingin kay Stacey.
"We need to go." wika ko at kinuha na ang bag ko. Nang tumingin ako kay Stacey ay tulala lang siya sa kape niya. Tinawag ko muli siya pero ganun pa rin siya parang walang naririnig. Aish!
"Stacey Rvynz Chua!" sigaw ko at agad siyang natauhan.
"Why?" tanong nito. Napatampal ako sa aking noo dahil dito.
"Gosh!We need to hurry. May VIP patient tayo." wika ko. Tumingin naman ako kay Goyo na kanina pa pala nakatitig sa akin.
"Sorry, we need to go." saad ko rito. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.
"It's okay." wika niya. Di ako sanay na marinig siyang mag-english.
"Teka sino ba yan?" tanong sa akin ni Stacey.
"Lolo ko." tipid kong sagot dito habang tinitignan ang medical chart ni Lolo na sinend nila sa akin.
"Sino?" tanong niya ulit. Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ng noo.
"Dami mong tanong. Let's go." wika ko sa kanya at umalis na.
Mabilis kaming nakarating sa hospital. Pagkarating namin doon ay nagbihis na agad kami at dumeretso na sa operating room. This is my first time opening the body of my family member. I wish this one will be successful.
"Putangina Estrelle. Bakit di mo sinabi si Gen. Flores pala yun." mura sa akin ni Stacey pagkalabas namin sa operating room.
"Ay ganun ba? Pasensya na po Ms. Rvynz." pang-aasar ko sa kanya.
"Yuck. Don't call me like that." reklamo niya. Ayaw na ayaw niyang may tumatawag sa kanyanng Rvynz and hindi ko alam kung bakit.
"Ang ganda kaya, bakit ayaw mo?" tanong ko. Namula naman kaagad ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]
Historical FictionBattle Above The Clouds Series #1 Veronica Estrelle is a military doctor at bumalik siya sa taong 1899 bilang si Veronica Nable Jose sa mismong araw at lugar kung saan ay papatayin ng mga amerikano ang batang heneral. Kailangan niyang iligtas sa kam...