Kabanata 22

1.7K 72 3
                                    


Veronica's PoV

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Ako? ang pakay ni Maria? Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Kayo na ang bahala sa kanila itatakas ko si Veronica dito." wika ni Goyo at sinuotan ako ng balabal sa ulo. Bago pa kami umalis ay lumingon siya kay Lola Mysterious.

"Nanang." ani niya at nagtanguan sila sa isa't isa.Hindi ko man maintindihan ang mga nangyayari ay nagpahila nalang ako kay Goyo hanggang sa namalayan kong nakasakay na kami sa kanyang kabayo.

"Aalis tayo rito." wika niya. Hindi na ako umimik dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

Wala akong maalala na kasalanan o nagawa kong hindi maganda kay Maria upang maging motibo niya para paslangin ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Goyo pero ang napapansin ko ay parang sinusundan niya ang kahabaan ng Ilog ng Pag-asa. Walang tigil ang aming pagpapatakbo ng kabayo hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking puno ng acaccia at tumigil doon.

"Dito na tayo." sabi niya. Tinignan ko ang paligid parang pamilyar siya pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita. Pero teka dito na kami? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at ni isang bahay wala akong nakita.

"Goyo? Dito?" takang tanong ko. Lumingon naman siya sa akin pagkatapos niyang itali ang kanyang kabayo.

"Oo, nandito na tayo." ngumiti siya sa akin at umupo muna. Susunod na sana ako sa kanya pero biglang may narinig na naman kaming isang putok ng baril.

Nakita ko si Maria na sakay ng isang kabayo habang may hawak na isang baril. "Goyo!!Veronica!!!" sigaw niya.

Tumayo naman si Goyo at agad niya akong itinago sa likod niya habang hawak ang isang maliit na baril. Ano bang problema nitong higad na baliw na to?

"Anong kailangan mo?!" sigaw sa kanya ni Goyo. Tumawa naman siya at bumaba sa kanyang kabayo.

"Madami..." natatawa niyang wika. tumingin naman siya sa akin at pinanlisikan ako ng mata.

"Kasalanan mo to lahat Veronica!!" sigaw niya. 

"Ano bang ginawa ko sa Maria?!" pasigaw na tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya na parang nakakatawa ang tinanong ko.

"Tanga ka ba? Oh sige sasabihin ko na." wika niya at lumakad lakad pa siya sa harap namin. "Kung hindi ka sana umeksena sa Pasong Tirad noon patay na sana si Goyo!!" patuloy niya.

Tumingin muli siya sa amin. "Naipaghiganti na sana namin ang kapatid ko. Nagtiwala ako sa inyo Goyo pero anong ginawa niyo ni Julian?! Pinatay niyo ang kapatid ko!!" sigaw pa niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Goyo sa kanya. Humalakhak muling parang baliw si Veronica.

"Bobo ka? Akala ko ba ikaw ang pinakamatalino na heneral ng presidente kaya nakuha mo agad ang pinakamataas na puwesto..ah oo nga pala paborito ka niya..." sarkastiko niyang sabi.

"Paborito ka niyang utus-utusan!! Aso ka niya Goyo hindi ka niya paborito. Tahol Goyo!!" dagdag niya. Napansin ko namang humigpit ang pagkakahawak ni Goyo sa kanyang baril at itinutok ito kay Maria.

"Oh? Ano? papatayin mo rin ako gaya ng ginawa niyo kay Kuya Manuel?!" wika ni Maria. Nanlaki naman ang mga mata ni Goyo na parang nagulat sa sinabi niya. Teka Manuel? as in Manuel Bernal?

"Oo, kapatid ko si Manuel Bernal." madiin niyang wika. Tumingin naman siya sa akin. "Hindi na sana hahantong sa ganito ang lahat kung hindi ka dumating upang iligtas siya. Akala mo ba hindi ko alam kung sino ka?" ani niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong sa kanya at dahan dahang umalis sa likod ni Goyo upang harapin siya.

Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi. "Narinig ko ang pag-uusap niyo noon ni Nanang Amanda. Alam kong nagmula ka sa hinaharap at nagtungo ka rito upang iligtas sa kapahamakan si Goyo at alam ko ring hindi ka  na makakabalik sa hinaharap pagnamatay siya sa pamamagitan ng pagbaril. Kaya naman.........." wika niya sa akin.

Nagulat ako sa mga sinabi niya at nang itinutok niya ang baril kay Goyo. Parang umurong ang aking tapang at napatingin kaming lahat sa paligid nang biglang dumilim kahit tirik na tirik pa ang araw. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang buwan na humaharang sa araw. Eclipse.

"Veronica, makinig ka mahal na mahal kita at hahanapin kita sa susunod na buhay. Pangako."  bulong sa akin ni Goyo. Napatingin naman ako sa kanya dahil naramdaman kong hindi maganda ang kanyang plinaplano. Kailangan ko siyang maunahan hindi ko hahayaang mamatay siya.

"Goyo....hindi!hindi maaring mawala ka!" sigaw ko at inagaw sa kanya ang baril. Itinutok ko ito kay Maria.

"Veronica!!" sigaw pa niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Hindi siya maaring mamatay kahit ako na lang pero siya marami pa siyang magagawa para sa bayan.

"Nababaliw ka na Maria..." wika ko kay Maria. Ngumisi naman siya sa akin. 

"Hindi ako baliw. Nakapagplano nga ako eh....papatayin ko si Goyo at ikaw.." ani niya.

"Maiiwan ka rito upang magdusa!!" wika niya. 

Nanlaki naman ang aking mata nang muli niyang itinutok ang baril kay Goyo. Pero bago pa niya maiputok ang baril ay ihinarang ko na ang aking sarili kay Goyo para hindi siya matamaan. Tumama ang bala sa aking dibdib pero hindi ako nagpatinag dahil nagawa kong barilin si Maria ng tatlong beses na naging dahilan ng kanyang deretsong pagpanaw.

"Veronica!!" sigaw sa akin ni Goyo habang unti unting bumagsak ang aking katawan sa lupa.

"G-Goyo..." nanghihina kong tawag sa kanya. Nakita kong umiiyak siya pero nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at tumakbo patungo sa ilog.

"Veronica....mahal na mahal kita hahanapin kita..." wika niya pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Unti unti nang nanghihina ang aking katawan.

"M-mahal n-na m-mahal kita.." kahit nanghihina ako ay nagawa ko pading haplusin ang pisngi niya na basa dahil sa luha.

"P-paalam, mi amore." bulong ko.  Dinampian niya ako ng halik sa aking labi nang tumigil siya sa tabi ng ilog.

"Gregory del Pilar. Maligayang kaarawan mahal ko." wika niya.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman kong  bumagsak pareho ang aming katawan sa ilog. Ang huling nakita ko ay ang kanyang mukhang nakangiti bago dumilim ang aking paligid at tuluyan na akong mawalan ng ulirat.


3rd Person's PoV

Naluluhang nakatingin si Amanda at ng kanyang kambal na si Esmeralda sa magkasintahang tumalon sa ilog. "Masaya akong tapos na ang kanilang paghihirap sa kamay ni Maria." wika ni Esmeralda.

"Masaya akong natapos nila ang kanilang misyon sa panahong ito." ani ni Amanda. Tumingin silang dalawa sa kalangitan dahil unti unti nang dumilim ang paligid dahil sa eklipse na nagaganap.

"Ang pag-iibigang naudlot ay maipagpapatuloy sa muling pagkain ng liwanag sa dilim." ani ni Esmeralda.

"Amore Vincit Omnia." wika ni Amanda.

Pagkasabi nila ng mga ito ay sabay silang naglaho sa gitna ng dilim.

__________________________________________

A/N:

Maraming salamat sa pagsuporta sa aking akda. Wag kayong mag-alala dahil bibigyan ko ito ng magandang ending ;) dahil kung hindi daw ay papatayin ako ng aking matalik na kaibigan na si Bb. Carmela Faith. Okay see you next chapter!! Timetravel ba ulit next story ko? what do you think mga marz?

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon