Kabanata 23

1.8K 67 10
                                    


Veronica's PoV

Nagising ako sa kirot na aking naramdaman. Iminulat ko nang unti unti ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko nang maaninag ang mga nakapaligid sa akin. Puro puti ang aking nakikita, halah! patay na ba ako? Pinilit kong ibinangon ang aking katawan pero may pumigil sa akin.

"OMG! Doc, your awake na. Wait lang po tatawagin ko lang si Dra. Chua!" nagmamadaling wika sa akin ni Alliah, kung hindi ako nagkakamali ay siya yung isa sa mga nurse na kasama ko noon sa medicube. Nasaan ba ako?

Dumating si Dra.Chua at chineck ang mga vitals at sugat ko. "Nica ano bang nangyari sayo? Last week ka pang walang malay after nilang mahanap ang duguan mong katawan sa tabing ilog doon sa likod." Tanong niya sa akin. So isang linggo na pala akong nakaratay rito.

"I don't know wala akong maalala. I mean hindi ko alam ang nangyari." sagot ko. Dahil yun naman ang totoo.

"Okay Dra. Flores. You need to rest dahil pag okay ka na you'll start working na dito sa PAGH." wika niya. Tumango naman ako sa kanya bago siya lumabas ng kwarto at naiwan na akong mag-isa.

Pinilit kong alalahanin ang mga pangyayari at hindi naman ako nabigo.  Inalala ang simula hanggang sa dulo ng mga pangyayari. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako...wala na si Goyo.

Ang huling naalala ko ay ang pagkalunod naming dalawa sa ilog at alam kong wala na siya dahil sa lalim ng bahaging iyon ng ilog at hinayaan niya lang na lumubog kami. Pero heto ako ngayon, nakabalik na ako sa aking panahon nang wala man lang maayos na paalam sa kanila...sa kaniya.

Sa lalim ng aking iniisip at dahil na rin sa pagod ko sa pag-iyak ay nakatulog na ako. Nang magising ako ay umaga na at medyo okay na rin ang pakiramdam ko. Dumating rin si Kuya at Lola dito pero si Mama hindi pa daw makakauwi dahil may sakit si Papa kaya hindi daw niya maiwan.

"Estrelle, can't you really recall who did this to you?" tanong sa akin ni Kuya. Umiling lang ako sa kanya dahil alangan naman sabihin kong isang baliw na Maria na mula sa taong 1900 ang gumawa sa akin nito.

"Damn it! Ni hindi kita magawang saktan but look! They did this to you. Wala silang karapatan para saktan ka!" galit na sigaw ni Kuya.  Lumapit naman si Lola sa kanya at pinakalma ito.

"Ivan, kumalma ka. Maaring mga rebelde ang gumawa niyan sa kanya." wika ni Lola.

"Kuya...the important thing is ayos na ako. Anyway how are you?" wika ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"I'm okay. I want you to meet my d-daughter.." mahina niyang wika.

"Oka---WHAT?!" gulat na gulat kong taong sa kanya. May anak siya? Ang akala ko nagplaplano pa lang siyang magkapamilya.

Napatango naman siya at bumuntong hininga. "You heard it right. Yeah she's five years old and kakameet ko lang sa kanya last month when i was in Chicago. I didn't know na nakabuo pala kami ni Faith noon." wika niya.

Napatango naman ako. Faith Rodriguez was his ex and they're in a relationship for almost 4 years ata but they broke up after ng graduation nila.

"Kung ganoon, dalhin mo yung bata di---" hindi pa ako tapos magsalita nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang nakadress ng purple.

Nakasunod sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng black suit. " 'Couz, sorry ang kulit eh." hingal na hingal na wika ni Jeruel, pinsan ko.

"Oiiiii!!Nica buhay ka pa?" biro niya. Binato ko naman siya ng unan dahil doon.

"Mauuna ka pa yata sa akin eh." sagot ko sa kanya. Napabaling naman ang tingin ko doon sa bata. Naalala ko si Angelita dahil sa kanya.

Napangiti ako at medyo naluluha nang hawakan niya ang kamay ko. "Hello, what's your name?" tanong ko sa kanya.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon