Kabanata 20

2K 74 20
                                    

A/N :Read at your own risk. SPG ahead charoar. Malapit na ending mga marz. Ihanda ang tissue!!! Charot.
__________________________________________

Veronica's PoV

Ilang araw na akong hindi mapakali dahil dalawang araw na lang ika-siyete na ng Marso. Madaming nangyari nitong mga nakaraang araw, lahat ay halos masasaya pero eto ako ngayon halos hindi na ngumiti dahil sa lungkot. Hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang seguridad sa buong baryo namin dahil sa banta ni Maria.

Walang nakakatukoy kung nasaan siya ngayon. Kagabi ay may nagpadala dito sa bahay ng isang patay na ibon at may sulat na 'Maghihiganti ako'.

 Kinakabahan ako dahil baka ano mang oras ay maari niya kaming saktan. Pinagsabihan rin ni Lola Mysterious ang lahat na kapag sumapit na ang alas-sais ng gabi ay wala nang lalabas. Feel ko tuloy parang aswang si Maria.

Galing ako sa kusina at napag-isipan kong pumunta sa atique upang tignan kung anong mayroon doon dahil sa ilang buwan kong pananatili dito ay hindi pa ako nakakapunta doon. Bakit nga ba kasi ang bilis lumipas ng mga araw nakakainis tuloy.  Habang papalapit ako sa may pintuan ay marinig akong umaawit.

Ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw, dapat mong malaman.
Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin
Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman....

Tila napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa kanta. Kung hindi ako nagkakamali ang kantang iyon ay sinulat ni Ariel Rivera and how come na mayroon taong nakakaalam nito sa panahong ito. Bigla ko namang naalala ang sinabi sa akin noon ni Lola Mysterious noong tinanong ko yung tungkol sa isa pang timetraveler.

"Nasa paligid lamang siya...malapit lang siya dito."

Hindi kaya? Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang pihitan ng pinto. Bubuksan ko na sana ito nang biglang..

"Veronica!! Iha!! Bumaba ka rito at tulungan mo akong kunin ang mga sinampay!!" tawag sa akin ni Lola Mysterious kaya agad kong binitawan ang pintuan at bumaba.

Nang matapos naming kunin ang mga sinampay ay nagtungo agad ako muli sa atique upang tignan kung naroon pa ba ang lalaking kumakanta pero huli na ang lahat dahil wala nang tao doon. Wala akong nagawa kundi maglibot nalang sa paligid. Namangha ako dahil napakaraming mga lumang kagamitan rito at may mga paintings. Nakita ko doon na may isang painting na natatakpan ng kurtina.

Lumapit ako dito at hinawi ang kurtina. Bumungad sa akin iyong painting noon na ipinakita sa akin ni Lola Esme pero mukhang bago pa lang ngayon ito. Lumabas lamang ako sa atique nang maghahapunan na kami.

"Veronica, ano ang iyong plano sa iyong kaarawan?" tanong sa akin ni Imelda. Itinigil ko naman ang pagkain at uminom muna ng tubig bago sumagot.

"Wala, isang simpleng tanghalian lamang ang idaraos." sagot ko sa kanya. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Kung gayon ay magpapakatay lamang ako ng isang  baboy." wika ni Lola Mysterious. Ngumiti lamang ako sa kanya ng tipid dahil alam kong alam niyang sa araw mismo ng aking kaarawan ay siyang huling araw ko rin dito.

Matapos ang hapunan ay dumeretso kaagad ako sa aking silid dahil medyo masama ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero parang nilalagnat ako . Naramdaman ko namang may sumusunod sa akin kaya lumingon ako sa aking likod.

"Goyo.." tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at inakay akong pumasok sa loob ng kwarto. Nang makapasok kami ay agad niya akong pinahiga sa aking kama habang siya ay bumalik sa pintuan upang isara ito.

"Mahal, ayos ka lang?" naga-alala niyang tanong. Ngumiti ako ng pilit at tumango. "Napapansin kong nitong mga nakaraang araw ay ika'y balisa. May gumugulo ba sa iyong isipan?" tanong niyang muli.

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga. Maraming gumugulo sa aking isipan pero ayaw kong sabihin sa kanya iyon.Humarap ako sa kanya at tinignan siya sa kanyang mga mata.

"Goyo, kung sakaling mawala man ako. Magmamahal ka ba ulit ng iba?" tanong ko sa kanya. Napatitig naman siya sa aking ng matagal bago sumagot.

"Hindi, dahil nangako ako sayong ikaw ang huling babaeng aking mamahalin at kung........" tumigil muna siya saglit at bigla niya akong hinalikan. Nang bumitiw na siya sa halik ay itinuloy niya ang sasabihin niya.

"Kung mawawala ka man...sa susunod kong buhay ay hahanapin kita. Hahanapin kita Veronica, tandaan mo iyan." wika niya sa akin bago niya ako muling siniil ng halik.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sakit ng aking katawan. Napansin kong sobrang gulo ng aking kama, hindi ko nalang pinansin iyon at inayos na lang ang aking damit pantulog. Nang bumaba na ako sa kama ay napa-aray ako dahil sa sakit ng aking...........OMG! Napaupo akong muli nang maalala ang kababalaghang ginawa namin ni Goyo kagabi.

Jusko Lord! Walang pills sa panahong ito at higit sa lahat walang con----Basta yun na. Kahit masakit pa yung ano ko ay pinilit kong magpunta sa banyo upang maligo. Jusko naman hindi pa kami kasal at girl siya ang una ko.

Nang matapos akong maligo ay sakto namang kinatok na ako ni Imelda upang bumaba at kumain na ng agahan. Hirap na hirap akonng maglakad lalo na sa hagdan dahil parang may napunit na kung ano. Gaano ba kasi kalaki yung AISHHH!! nevermind. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang makita kong naroon na sila lahat at ngayon ay nakatingin sa akin.

"Veronica anong nangyari sayo at bakit parang hirap na hirap kang maglakad?" tanong sa akin ni Vicente.

Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sabihin ko na lang kayang nahulog ako sa kama at napalakas ang pagbagsak ko. Tama yun na lang. "Ah...nahulog kasi ako sa kama kaya ayun masakit ang buong KATAWAN ko." sagot ko sa kanya at tumingin ako kay Goyo. Napatango naman sila habang si Goyo ay natatawa.

Tinaasan ko siya ng kilay at bigla siyang tumayo upang alalayan ako dahil masakit talaga siya. "Mukhang nasaktan ka ng todo binibini." mapang-asar na bulong niya sa akin. 

Siniko ko  siya kaya napadain siya sa sakit. Nang makaupo ako ay nagsimula agad akong kumain kahit may mga matang nanunuri sa akin.

Nang matapos akong kumain ay nagtungo muna ako sa sala dahil nga hindi ko pa masyadong kaya umakyat pero nabawasan na rin ang sakit. Umupo naman si Lola Mysterious sa aking tabi at kinausap ako.

"May nangyari ba?" tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango.

 Napahinga siya sa akin ng malalim at may inabot na gamot. Nanlaki ang aking mata ng makita kung ano ito PILLS! Dali dali akong nagtungo sa kusina at uminom ng binigay niyang gamot. Hulog talaga siya ng langit.

Bumalik muli ako sa salas upang magpasalamat sa kanya. "Lola maraming salamat po."  Tumango lamang siya sa akin at ngumiti.

"Siya nga po pala Lola, babalik na ba talaga ako bukas?"  malungkot kong tanong sa kanya.

"Maghanda ka dahil maaring may mangyaring hindi maganda." wika niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano pong ibig niyong sabihin Lola?" tanong ko.

"May mga taong gustong maghiganti at may katotohanang kailan man ay hindi maikukubli." saad niya.

Hindi ko naman maintindihan kung anong tinutukoy niya. Maghihiganti? si Maria? Pero anong ibig niyang sabihin sa katotohanang hindi maikukubli. Magsasalita pa sana ako nang magsalita na naman siya.

"Matagumpay ang iyong naging misyon Veronica. Makakabalik kayo ng matiwasay." nakangiti niyang saad pero hindi ko naintindihan yung isa pa niyang sinabi dahil mahina ang ginamit niyang boses. Tumango nalang ako sa kanya at nagpaalam na pumunta sa hardin.

Muntik na akong matisod sa may huling baitang ng hagdan dahil sa isang bato buti nalang at may humapit sa aking bewang. Napatingin ako sa taong iyon at nagulat ako nang malaman kung sino ito. Kumawala ako sa pagkakahawak niya at dali daling naglakad patungo sa hardin pero gosh sumunod pa rin siya.

"Bakit mukhang iniiwasan mo ako?" tanong sa akin ni Goyo habang ppilit niyang hinuhuli ang mga mata ko na kanina ko pa iniiwas.

"Huh? Hindi noh." patay malisya kong tanong.

"Iniiwasan mo ba ako dahil sa gina-----"

"HINDI NGA SABI EH!!" putol ko sa kanya. 

"Oo na, ikaw na panalo." wika niya at inakbayan ako. Hindi ko na siya nagawang iwasan dahil napagod na ako at ano pang magagawa ng aking pag-iwas eh tapos nang mangyari yun.

Bumalik na ako sa loob at nagtungo nalang sa kwarto at magpahinga dahil nga hindi ako nakatulog ng matiwasay kagabi. Hapon na nung ako ay magising kaya ang ending naghapunan lang ako at back to sleep ulit. Kailangan ko nang magpahinga dahil bukas ay isang malaking pangyayari ang naghihintay.

Handa na ba akong bumalik? Makakabalik ba ako?

itutuloy.........

PS:

Sorry kung magulo mejo inaantok kasi ako habang nagsusulat HAHAHA

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon