Goyo's PoV
Nakaramdam ako ng sakit sa aking katawan. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang puting kisame ng aking kwarto. Kakalabas ko lang last week mula sa ospital dahil nalunod ako at isang linggo akong coma.
Ang akala ko panaginip lang lahat mula sa pagkalunod ko, pagbalik sa taong 1899 bilang Gregorio del Pilar at higit sa lahat ang pagmamahalan namin ni Veronica hanggang sa kamatayan, pero mali ako lahat ay nangyari.Inaalala ko lahat ng mga nangyari at naramdaman ko nalang na naluha na pala ako. Kamusta na kaya siya?
Hindi ko maiwasang mangulila sa aking mga naging kasama sa panahong iyon. Nabulabog ako mula sa aking malalim na pag-iisip nang biglang may kumatok ng sunod-sunod sa aking pinto. Kinuha ko ang aking t-shirt at nagtungo sa pintuan.
"Sir!Salute!" wika ni Vincent sa akin.Sinenyasan ko lang siya na ibaba na niya ang kanyang kamay at pumasok na sa loob. Nang makapasok na siya ay agad kong isinara ang pinto.
"Report." wika ko sa kanya bago pumunta sa isang mini fridge at kumuha ng dalawang canned milk.
"Sir, Dra. Flores just got awake after 1 week of coma. Bale apat na tama ng baril po ang natamo niya and nasa PAGH po siya. Si Stac---este Dra. Chua po ang doctor niya. Naipadala ko na rin po yung prutas." aniya. Ngumiti naman ako sa kanya at iniabot ang isang slice ng cake at canned milk.
"Job well done." wika ko sa kanya.
"Bro, we grew up together and look ibang iba ka na. Akala ko tatanda kang binata pero wow naman pare na-coma ka lang nagbago ka na." hindi makapaniwalang wika nito.Napangiti naman ako. "And look! Ngumingiti ka na! Wow shet!" patuloy niya.
"That's how true love works." wika ko. I missed her.
"Anyways, may isa pa akong balita." napatingin naman ako sa kanya at tinanong kung ano ito.
"Ano?" tanong ko. Tumayo siya at ipinakita sa akin ang hawak niyang folder.
"We have a special mission tomorrow on Sulu. 1 month dude." paliwanag niya. Sulu? Panibagong paghabol na naman sa mga NPA.
Nag-usap lamang kami saglit bago siya magpa-alam at umalis na upang maghanda para sa pupuntahan namin. Ganun din ang ginawa ko, habang naglalagay ng mga damit sa aking bag ay nakita ko ang isang maliit na kahon na kulay pula. Dinampot ko ito at binuksan, a pavé engagement ring.
Last week i asked Vincent to buy this. Plinaplano kong magpro-pose kay Veronica kapag nagkita na kami ulit. After this mission i'll do it.
Isang buwan ang itinagal ng labanang iyon, sa awa ng Diyos ay naging matagumpay ito. Pero hindi maiiwasan na malagasan ang aming grupo mahigit trenta ang nawala sa amin. Habang ako nadaplisan ng bala sa aking tagiliran.
"Dude, you sure dun tayo pupunta? pwede naman diyan na lang sa medic cube eh." reklamo sa akin ni Vincent.
Pupunta kasi kami ngayon sa PAGH nabalitaan ko kasi duon nagtratrabaho si Veronica bilang doktor. "Yeah, let's go. Diba sabi mo nandoon si Dra. Chua and you told me na magaling siya." wika ko sa kanya.
"Yeah pero...magaling rin naman mga doctor dito ah." saad niya. Ano bang meron bakit parang iwas na iwas siya.
"Bakit? Anong meron at ayaw mong pumunta don?" i asked him. Tumikhim naman siya at umayos ng upo.
"Wala sabi ko nga....tara na ako magdadrive General." sagot niya sa akin at nauna nang pumasok sa loob.
Tahimik lamang kami buong byahe. Mahigit dalawang oras kami bumyahe mula Bulacan patungong Taguig. Nang makarating na kami sa hospital ay magkahalong saya at kaba ang aking naramdaman. Paano kung hindi pala niya ako makilala?
"Pssst. Bro, nandito na tayo." wika sa akin ni Vincent. Nauna na akong bumaba sa kanya.
Hinintay ko siya sa harap ng hospital dahil pinark niya yung sasakyan. Nang makabalik na siya ay sabay kaming nagtungo sa loob. Nadaan ko ang litrato namin ni Veronica doon, they really preserve this.
"I'll just go upstairs bro." nakangiti kong wika sa kanya at iniwan siya sa lobby. Nagtungo ako sa harap ng opisina nila Veronica. I wish she's here.
Kumatok ako doon at naghintay na may bumukas. Nang bumukas ito ay bumungad sa akin ang isang nurse.
"Good morning Sir. May kailangan po kayo?" tanong nito sa akin.
"I would like to ask if Dra. Flores is here?" tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ang bakanteng table kaya napatingin rin ako duon. Is she on leave?
"Sorry Sir, wala na po siya." sagot niya. Nabigla naman ako dahil sa sinabi niya. Wala na siya? What happened?!
"What? Why?" naguguluhang tanong ko.
"Last day niya po kahapon dito eh. Nailipat na po kasi siya sa V. Luna. May appoinment po ba kayo sa kanya?" wika niya. Napahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko kanina may nangyaring masama.
"I was about to get one." saad ko napatango naman siya at iginaya ako na tumungo sa loob ng opisina. Kumuha siya ng ballpen at papel.
"Ano pong pangalan niyo Sir?" tanong niya.
"Gregory del Pilar." sagot ko. Isinulat niya ito sa papel at tumayo.
"Okay po Sir." tumango lamang ako sa kanya bago umalis. May isang nurse ulit na pumasok doon sa opisina.
"Ay. Good morning, General." bati niya sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya at tumalikod na.
"Ma'am, kukunin ko po sana yung medical records ni Gen. Gregory del Pilar pinapakuha po kasi ni Dra. Chua eh." rinig kong wika niya dahil nasa pinto pa lang ako. Dra. Chua? yung nirecommend sa akin ni Vincent?
"Uhm, excuse me. Bakit niya pinapakuha yung records ko?" i asked them.
"Ah Sir. Kasi po siya yung magiging attending physician niyo ngay—" wika nung nurse pero i cut her off.
"No. Transfer me to Dra. Flores." wika ko. Napatango naman silang dalawa. Ngumiti ako ng tipid at umalis na doon kasama kasunod yung nurse na kumuha ng records ko.
Habang naglalakad papunta sa elevator ay nagring yung cellphone ko kaya tumigil muna ako.
Alicia calling...
"Hello Ali?" i answered my sister's call. Napatingin ako sa elevator na kung saan pumasok na yung nurse.
"Kuya, where are you?" she asked
"PAGH, why?" sagot ko sa kanya.
"Ah, okay. I thought nandito ka sa Bulacan eh. Kikitain sana kita." wika niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Bulacan? What the hell are you doing there?" tanong ko. Narinig ko naman siyang tumawa.
"Kuya, wth ka diyan. May field trip kami ngayon dito. Sige na bye na nandito na si Ma'am." wika niya at binabaan na ako ng tawag. She's still on junior high school kaya ganon na lang ang pagtataka ko kung bakit siya nandoon.
After that call ay nagtungo na ako sa elevator upang bumaba. Pumunta kaagad ako sa lobby nang nakita ko doon si Vincent na nakatayo.
"Cpt. Enriquez nasa V. Luna daw siya." wika ko sa kanya.
"Oo nga po, Gen. del pilar." sagot niya sa akin. Napatingin naman siya sa likod ko at may kinausap.
"Dra. Flores, may nakalimutan po ba kayo?" tanong niya. Dra. Flores? Si Veronica. Gusto kong lumingon pero parang may pumipigil sa akin kaya nanatili akong nakatalikod.
"Ah yung susi ko,i thought nahulog ko siya." sagot nito. Tumingin naman si Vincent sa likod niya at kinuha ang isang susi doon.
"Ito ba yon?" tanong niya at ipinakita ito.
"Yes, thank you." wika niya at nagpaalam na.
Nang makaalis na siya ay nakahinga ako ng maluwag. Bakit parang kinabahan ako. Eh yun na yung hinihintay ko, ang makaharap siyang muli.
"Alam mo pre. Ang tapang mong tao pero tiklop ka kapag nandiyan yung taong gusto mo. Kainis ka dude." wika sa akin ni Vincent at inakbayan lang ako. Hindi ko siya pinansin at nagtungo nalang sa parkung area.
Bago kami pumunta sa V. Luna ay dumaan muna siya sa isang banko upang magwithdraw. Kaya naman inabot pa kami ng dalawang oras bago makarating sa Diliman dahil sa traffic. Nang makarating kami ay nagtungo agad ako sa lobby upang tanungin kung nasaan ang si Veronica dahil may appointment ako.
"General, sa third floor po siya, pumasok na lang po kayo sa room 36 katabi ng office niya." wika nung nurse. Nagpasalamat lang ako sa kanya at pumunta na doon.
Limang minuto ako naghintay sa kwartong iyon hanggang sa marinig ko nang bumukas ang pinto. Tumikhim siya sa akin pero nakalikod ako sa kanya kaya hindi pa niya ako kilala.
" I'm Dra. Veronica---- "
"Veronica Estrelle Flores." i cut her.
"Uhmm.. yes po. You can lay down on the hospital bed na so that i can remove the suture of your wound." wika niya.
Narinig ko ang mga yabag na tumalikod ito sa akin kaya nagtungo ako sa kama at naupo doon. Pinagmasdan ko siya habang nakatalikod ito sa akin she's wearing a off-shoulder black dress habang naka-messy bun siya and her white coat is in her arms.
Nang humarap na siya sa akin ay natulala siya. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Napansin kong tumulo ang mga luha niya pero nakangiti lang ako sa kanya. Sobrang saya ko dahil nakita ko naulit siya.
I stood up and walk towards her. I stopped infront of her and looked down on her neck. Napangiti ako sa kanya nang makitang hanggang ngayon suot pa rin niya ang kwintas na binigay ko.
"You still wear the necklace that...i gave you." wika ko. Tinitigan niya lang ako ng sobrang tagal.
"May dumi ba sa mukha ko?" biro ko sa kanya. Natauhan naman siya at inilapag ang mga hawak niya sa lamesa.
She glared at me. " You son of a jerk!! Why didn't you tell me na ikaw pala yon!" she shouted and hit my shoulders. Tss. Amazona.
"Ang alin?" painosente kong tanong.
"That timetraveller!!" wika niya. Natawa naman ako.
"Hindi mo manlang ba ako na miss at yan ang una mong sasabihin sa akin ngayong nagkita na muli tayo?? Aking binibini." tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya sa akin at nagsimula nang humikbi.
Nilapitan ko agad siya at niyakap. "I missed you." she whispers between her sobs.
"I fvcking miss you, mi amore." bulong ko sa kanya at hinarap siya sa akin.
Tinignan ko siya sa kanyang mga mata pababa sa kanyang labi. Walang atubiling siniil ko siya ng halik at hindi naman siya nagreklamo. After that we hugged each other.
This is the best day of my life. Our paths met again.
__________________________________________❤
BINABASA MO ANG
Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]
Ficción históricaBattle Above The Clouds Series #1 Veronica Estrelle is a military doctor at bumalik siya sa taong 1899 bilang si Veronica Nable Jose sa mismong araw at lugar kung saan ay papatayin ng mga amerikano ang batang heneral. Kailangan niyang iligtas sa kam...