Kabanata 8

2.7K 109 34
                                    

Veronica's PoV

Hindi ako makapaniwalang na kaya niyang traidurin ang sarili niyang bayan. Natahimik ang lahat dahil sa pagpapakita niya. Hindi ko na napigilan ang aking inis kaya't agad kong kinuha ang aking balabal at lumabas sa kwarto. Nang makababa ako ay tinawag ako ni Imelda ngunit hindi ko siya pinansin direderetso lang akong lumabas hanggang sa makarating ako sa labas.

"Veronica ano---" hindi na natapos ni Goyo ang tanong niya dahil nilagpasan ko lang siya. Wala akong naramdaman na takot o kaba, galit iyan ang tanging nangingibabaw sa aking damdamin.

Isang malakas na sampal ang iginawad ko kay Maria. Oo, siya ang nagtaksil sa bansa. Akmang hahawakan ako nung isang amerikano ngunit napatigil ito nang sigawan ko siya.

"Don't you dare touch me with your filthy hands!! I just need to talk with this bitch!" galit kong sigaw.

Mukhang nabigla naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Napatingin siya sa kanilang Kapitan at tumango na lamang ito, hinayaan nila akong kausapin ang higad na ito.

"Walang hiya ka talaga Maria. Nagawa mong pagtaksilan ang sarili mong bayan dahil lang sa lalaki. Akalain mo malandi ka na nga, taydor at plastic ka pa! Aba mars...andami mong talento ah." mariin kong sabi sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"Kasalanan niyo to!!Kung hindi niyo ako sinaktan kanina hindi ko ito magagawa." Naiiyak niyang sigaw. Natawa naman ako dahil dito.

"Baliw ka na Maria...ikaw ang unang nanakit.." bulong ko sa kanya. Binaling ko naman ang aking tingin sa isang amerikanong sundalo.

"Listen...she's crazy you should lock her up in a dungeon. She hurts people without any reason." napatingin naman siya kay Maria na sa tingin ko'y tuluyan nang nabaliw dahil umiiyak ito bigla nalang tumatawa at iiyak ulit.

"Thank you." yan lang ang sinagot sa akin nung amerikano bago pumunta sa kanilang kapitan upang sabihin ang sinabi ko sa kanya. Tumango ito sa akin.

Wala nang nagawa ang pangulo kundi ang sumuko na lang sa mga amerikano upang maiwasan ang gulo. Sina Goyo ay wala na rin nagawa, gustuhin man niyang iligtas ang pangulo hindi na niya ito nagawa dahil mas lalaki lamang ang gulo.

The president was captured by the american troops and forced to pledged his allegiance to America.

Katahimikan. Iyan ang namayani sa buong lugar pagka-alis ng mga amerikano. Nauna akong umalis at pumasok sa loob ng bahay, dumeretso ako sa salas at naupo.

Sumunod naman sina Carmela habang si Imelda ay pumunta muna sa kusina, pagkabalik niya ay may hawak itong isang baso ng tubig. Iniabot iyon sa akin ni Imelda na siyang kinuha ko rin dahil feel ko natuyo ang aking lalamunan dahil sa pag-sigaw.

"Veronica, ayos ka lang?" tanong ni Vicente na ngayon ay nakaupo na pala sa sofa na nasa harap ko. Katabi niya si Goyo at Juan.

Nakatingin lang ako nang diretso sa sahig. Hindi dahil sa kahihiyaan kundi dahil sa pre-occupied na naman ang aking utak. Madalas itong nangyayari sa akin kapag ako'y sobrang galit o stressed. Napatingin naman ako kay Imelda nang tinapik niya ang aking balikat.

"Veronica, ayos ka lang??" ulit niya sa tanong ni Vicente kanina.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Oo." Naramdaman ko namang tumingin sa gawi ko itong si Goyo.

"Veronica....saan mo natutuhang mag-salita ng lenggwaheng Ingles?" natigilan naman ako dahil sa tanong ni Goyo. Napatingin ako sa kanya na naghihintay kung anong isasagot ko.

"Tinuruan ako noon ng aking Tiya." sagot ko. Mukhang kumbinsido naman sila sa sagot ko. Sa gitna ng katahimikan ay pumasok si Tisoy habang may batang babaeng dala. Sobrang dungis niya at may ilang gasgas pa ang kanyang kamay.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon