December 27, 2005
Dear Diary,
Diary, ang lungkot ko, huhuhu. Galit sa akin sila Mama, Papa, at ate Kristel. Hehehe, sige ikukuwento ko sa iyo 'yung mga nangyari ngayong araw.
Kanina kasing umaga, maaga akong nagising. Excited kasi akong bilhan si Ate ng hairpin, 'edi 'yun, naligo agad ako at nag-ayos. Pagkatapos 'nun, lumabas na ako agad ng hindi nagpapaalam, kaya pag-uwi ko, binugbog ako ni Papa. Medyo masakit pa 'yung tiyan ko kasi iyun ang napuruhan. Hindi ko alam kung paano pero sandaling nag-black 'yung paligid, tapos mamaya bumalik na sa normal lahat.
Nagpahinga muna ako saglit, tapos pumunta ako sa kuwarto ni Ate. Doon, naabutan ko siyang nagbabasa ng books! Ang sipag talaga ng Ate ko, hehehe. Siyempre, tinanong niya kung ano 'yung ginagawa ko sa kuwarto niya. Sabi ko, secret. Ang nangyari, galit na tumayo si Ate mula doon sa kama niya, tapos tinaboy ako papalabas. Siyempre, hindi ako papayag hangga't hindi ko naibibigay sa kaniya 'yung regalo. Ang ginawa ko, nilabas ko na agad yung hairpin, sabi ko, Surprise!
Pero nagulat ako nang tumama 'yung hairpin sa mukha niya. Ilang beses ako nag-sorry pero hindi niya tinanggap. Tumakbo siya papunta sa kuwarto nila Mama at Papa, sumunod naman ako.
Siyempre, kinabahan ako 'nun, baka bugbugin nila ako, eh.
Hindi nga ako nagkakamali, diary, hihihi. Binugbog ulit ako ni Papa, sinuntok niya ako sa mukha, kung saan tumama 'yung hairpin kay Ate. Dumugo 'yung ilong ko. Hingi ako ng hingi ng sorry kila Papa, pero hindi sila nakikinig.
Hanggang sa nakita ko na lang na kumuha ng hanger si Mama at pinagpapalo ako. Sabay sila ni Papa na manakit sa akin, pero ayos lang, diary. Kasalanan ko din naman kung bakit nila ako ginanon, naiintindihan ko sila.
Hinihiling ko na lang na, sana, nakuha ni Ate yung hairpin. 'Yun na 'yung pinaka-masayang moment sa buhay ko, ang tanggapin ni Ate 'yung niregalo ko. Madalas kasi ay itinatapon niya 'yung mga binibigay, ko eh.
'Yung huling regalo ko sa kaniya ay 'yung chocolate. Pinag-ipunan ko iyun pero tinapon niya lang. Kaya imbes na hayaang masayang iyon ay pinulot ko iyon mula sa basurahan at kinain. Ayos lang, diary, may balot pa naman iyon, kaya malinis pa 'din.
Hehehe, dito nalang diary, nahihilo pa kasi ako, pinilit ko lang na magsulat para hindi ko ma-miss 'yung araw. I love you, diary.
Love,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/226172325-288-k733315.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Teen Fiction[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...