ENTRY 14

108 11 0
                                    

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

January 10, 2006

Dear Diary,

Kinakabahan na ako para bukas.

Kanina, sa school ay pinatawag ako ng Math teacher namin para daw makapag-review at mapaghandaan ang quiz bee bukas.

Naging mahirap, siyempre, pero kinaya naman. Ang strikto kasi ng Math teacher namin, lalo na kanina. Ang sabi kasi sa akin ni Sir ay iyon na daw ang una't huling review namin. Hindi na daw siya nagpa-review pa 'nung mga nakaraan dahil kampante naman daw siyang matalino ako at kaya ko. Kahit na sa totoo lang ay hindi.

Grabe, kapag mali ay nagagalit siya. Binibigyan niya lang ako ng kaunting oras para masagot ang mga Math problems niya.

Alam mo kung saan ako pinaka-nahirapan? Huhu, sa square root! Grabe, huhu, kailangan ko pa ng 20 seconds para lang mahanap ang square root ng 476, huhuhu.

Oh e bakit tinatanong mo ako kung anong sagot 'non? Huwag ka nga! Nakalimutan ko na, okay? Nawawala na agad sa isip ko 'yung mga answers once na nawala na 'yung scratch ko.

Hehehe, alam mo'yung pinaka-favorite na part ko sa review namin? Hihihi! 'Nilibre ako ni Sir ng miryenda! Hehehe. Siyempre, dapat magpabebe ako kunyari, hihihi.

Sabi ko, "Sir, hihi, busog pa po ako," Hahaha! Tapos sabi niya, "Ah, gano'n ba? Sige huwag nalang tayo magmiryenda." Siyempre, nagulat ako no'n! Sabi ko sa isip, miryenda na nga lang, naging bato pa! Hahaha. Tapos, ang ginawa ko, binawi ko 'yung sinabi ko, sabi ko, "Joke lang sir, hehehe, ensaymada na lang po at softdrinks, hehehe. Peace!" Sabay peace sign, natawa naman si Sir.

Ang dami kong natutunan ngayong araw, aaminin kong mahirap, pero masaya naman! Hihihi, gagawin ko talaga ang lahat para manalo sa contest, para maging proud sila Mama at Papa!

Pero kung hindi naman ay ayos lang, atleast nag-enjoy ako, hihihi.

It's more fun to enjoy than to compete. Hehehe, English 'yan, diary, ah! Hahaha.

Oh sige na diary at hanggang dito na lang. Iyun lang naman ang special na nangyari ngayong araw, hehehe. Good night, diary, I love you, at good luck sa atin bukas!

Nasasabik,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos ♥

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Bumuntong-hininga ako saka ngumiti at isinara ang diary. Marahan akong tumayo mula sa upuan saka nagtungo sa kama upang mahiga na.

Tumitig ako sa kisame ng kuwarto at dinama ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas na pumapasok sa loob.

I love you, my family, but I am at the point of my life that I am already tired to understand you. I am so mad of myself, because I am still assuming that you love and care for me too, yet you don't. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko, saka impit na humikbi upang walang makarinig. Why do you do this to me? Do I do something wrong? I am always searching for the answers but I found nothing. I want to beg you, to love me, to care for me. But, why do I need to do that if you can give it to me easily? Effortlessly? Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko saka pinilit na ngumiti kahit na ang hirap hirap. You are the reason why I still fighting, but you, you, you are giving me reasons why I should give up.

Should I give up?

Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon