ABIGAIL DEBORAH JOANNA MARIANNE RAMOS' POV
Now Playing: River Flows In You - Yiruma
NAGISING ako kinabukasan. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko, ngunit gano'n na lang ang panlulumo ko nang malamang hindi lang panaginip ang lahat. Nandito pa 'din ako sa kagubatan ng kawalan.
Dahan-dahan akong tumayo. Bagaman masakit ang katawan ko, dahil sa pananakit saakin ni Papa kagabi, ay nagawa ko pa ding bumangon mula sa maputik na sahig.
Napaka-dungis ko na, at punong puno ng putik ang katawan ko. Maging uniporme ko ay hindi na halos makilala dahil sa labis na kadumihan.
Napahawak naman ako sa ulo ko nang biglang sumakit ito. Nakaramdam ako ng hilo, at parang gusto kong sumuka. Napakasakit niyon, na paeang gusto ko nang hilingin na matapos na ang lahat... Maging ang buhay ko.
Hindi din naman nagtagal ang pakiramdam na iyon. Nangilid ang luha ko dahil hindi ko alam kung saan patutungo. Para akong nasa isang patimpalak, na kung saan ay dapat akong magpatuloy upang mabuhay.
Tumingin ako sa kalangitan. Bagaman madilim iyon ay hindi natatakpan ang sinag ng araw. Tumingin ako sa harap, likod, kanan, at kaliwa ko. Panay punong-kahoy lang ang nakikita. Parang gusto ko na naman tuloy maiyak dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Sagad na sagod, at nasaid na ang mga iyon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ng loob. Para akong isang batang walang ibang ginawa kung hindi ang lumuha ng lumuha.
Nalulumbay ako, parang wala nang patutunguhan pa ang paghahanap ko ng tamang direksiyon upang makaalis pa sa lugar na iyon. Bumuntong-hininga ako saka ginamit ang likuran ng kamay ko, upang ipamahid sa mga luha ko.
Nagsimula na akong naglakad, kahit pa hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Naiisip ko ding, ano pa't maghahanap ako ng daan pauwi kung ayaw na nila akong makasama pa?
Inililinga ko ang paningin sa kabuuan ng kagubatan. Humuhuni ang mga ibon. Gumagawa ng isang musika ang mga dahon sa puno, dahil sa pag-alpas ng hangin sa mga ito. Huminga ako ng malalim saka minsan pa'y pumikit.
Napahawak ako sa tiyan ko nang kumalam ito. Nangilid ang mga luha ko nang makahingi ng tawad sa tiyan ko. Humingi ako ng tawad dahil hindi ko siya malalamanan sa ngayon.
Naglakad lang ako ng naglakad, hanggang sa napansin ko nalang na muli na namang umulan.
Hinayaan ko na lamang ang pagpatak ng ulan, at ipinagpatuloy ang paglalakad. Lumuluha ako, kasabay ng mga patak ng ulan. Dinadamayan ako, at niyayakap. Pinilit kong ngumiti, ngunit naging mapait iyon. Pinilit kong pasayahin ang sarili sa isip, ngunit hindi iyon nakakatulong upang mapangiti ako.
Nangawit na ako sa paglalakad, kaya naupo muna ako sa batuhang nakita ko. Pinanood ko ang pagbagsak ng ulan mula sa madilim na kalangitan, saka ko itinaas ang dalawang tuhod ko upang doon yumuko. Humagulgol ako doon, walang magawa.
Napahawak ako sa dibdib ko, at doon may nakapa akong kuwintas. Pinunasan ko ang mga luha ko saka hinubad ang kwuintas upang titigan iyon.
Napangiti ako nang makitang ito ang inukit kong kuwintas. Hugis puso ito, at maaaring bukalatin. May kaunting awang sa gilid upang maipasok doon ang litrato. Tinitigan ko ang litrato nila Mama at Papa. Natawa ako nang maalalang kinupit ko lang ang litratong iyon sa album nilang dalawa. Napatingin naman ako sa kabilang bahagi ng puso. Litrato iyon nila Ate at Kuya. Magkatabi sila at pawang mga nakangiti. Nahawa ako do'n at natuwa ang puso ko nang sumilay ang ngiti sa labi ko.
Isinara ko ang pusong kuwintas ko saka ito hinalikan. Muli kong isinuot iyon saka tumayo na upang muling makapaglakad.
Ngunit lumipas ang ilang oras, wala pa din akong nakikitang maaaring paglabasan mula sa gubat. Pinanghihinaan ako ng loob, maging ang katawan ko ay nanghihina. Bahagyang sumama ang pakiramdam ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
Nang dumilim ay bahagya nang tumila ang ulan. Naupo ako sa malaking batong nakita ko. Napangiti ako nang may makitang nakakalat na dahon ng saging. Ginawa ko iyong balabal sa akin upang maibsan ang ginaw na nararamdaman ko.
Dear Diary,
Nilalamig ako. Ginaginaw. Nalulungkot. Umiiyak. Nag-iisa. Nalulumbay. Madungis. Madumi. Gutom. Nanghihina. Humahangos. Humahagulgol... Napapagod.
Hinihiling ko na sana, maayos na ang lahat bukas paggising ko.
Umaasa,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos.

BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Dla nastolatków[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...