December 31, 2005
Dear Diary,
Hehehe, alas-11 na ng gabi, magka-countdown na kami mamaya para sa bagong taon, hehehe.
Tulad 'nung pasko, tumulong din ako sa pagluluto ng pagkain. Hihi, ang saya ko ngayon diary kasi hindi nila ako pinagalitan. Atsaka, hindi na din masakit 'yung katawan ko, yey!
Ready ka na ba sa new year's resolution ko, diary? Hihihi, sige sige, isusulat ko na.
1. Magiging Matatag Na Ako
-Siyempre, kailangan ko maging matatag, kahit ano mang problema ang dumating, hihihi, fight, fight, fight!2. Magiging Mabait Na Kapatid
-Hihi, siyempre dapat maging mabait ako na kapatid kina Ate Kristel at Kuya JohnJohn. Susundin ko sila tapos mamahalin ng hard! Hihihi.3. Magiging Masunurin Na Anak
-Takot na ako mabugbog ulit, diary. Hehehe, kaya dapat maging masunurin ako kina Mama at Papa para maging happy na sila.4. Mag-aaral Mabuti
-Hehehe, mas pag-iigihan ko pa ang pag-aaral, diary para lalong matuwa sina Mama at Papa, at pati na rin si Ate Kristel, lagi kasi siyang galit sa'kin, eh.5. Mag-iipon
-Hihi, dapat lang na mag-ipon ako para mabili ko ng mga regalo si Ate, Kuya, Mama, at Papa tuwing birthday nila, hindi ko dapat pinapalampas iyon, hehehe. Ako pa ba? Ako si kaya si Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos, ang batang hindi pinapalampas ang birthday ng pamilya ng walang regalo! Hihihi!Oh ayan, diary! Andiyan na 'yung resolution ko, hehehe. Promise, gagawin ko ang lahat ng iyan.
Diary, tinatawag na ako ni Kuya sa baba, hehehe, mamaya ulit! I love you, diary! Happy new year!
Bumabati,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/226172325-288-k733315.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Dla nastolatków[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...