ABIGAIL DEBORAH JOANNA MARIANNE RAMOS' POINT OF VIEW
MAAGA akong nagising kinabukasan. Sumilip muna ako sa labas ng bintana saka ngumiti at nagtungo na sa banyo upang mag-sipilyo.
Bumaba na ako ng kuwarto at pumunta sa kusina upang tignan kung nandoon na si Mama pero wala.
Nagsimula kong libutin ang kusina at doon ay may nakita akong itlog, kumuha ako ng anim. Pumunta naman ako sa ref at may nakita akong tocino at bacon. Kumuha ako ng tig-dalawang pack.
Nagsimula na akong magluto nang may marinig akong mga yabag. Nang lingunin ko ito ay doon ko nakita ang kagigising lang na si Mama. "Mama!" Masayang bati ko. Nagugulat ako nitong tinignan. Alam ko na kung bakit dahil una, hindi ako ganito kaaga nagigising, pangalawa, ngayon lang ako nagluto at pangatlo, hindi ako bumabati ng ganito gasigla tuwing umaga. Madalas kasi ay matamlay ako at walang gana. "What are you doing?" Masungit na sabi niya saka itinuro ang niluluto ko. "A-Ah, nagluluto po ako ng agahan." Tugon ko saka lumingon ulit sa niluluto ko.
Matapos ng pagluluto ay inihain ko na ito sa may lamesa. Nakita kong nakatitig lang sa akin si Mama, at nang lingunin ko ito ay nag-iwas lang ito ng tingin. "Kain ka na po, Ma." Tila mapupunit na ang mga bibig ko sa labis na pagkakangiti. Walang emosyon itong nagsimula nang mag-agahan.
Napatingin naman ako sa may hagdanan, wala pang bumaba. "Ma, punta po muna ako sa itaas, tatawagin ko lang po sila," Hindi pa din mapalis ang ngiti ko hanggang sa umakyat ako.
"Ate?" Kumatok ako sa kuwarto niya. "Five minutes, Mom." Bahagya akong natawa dahil akala niya ay ako si Mama. "Haha, si Abby to, Ate! Hahaha." Natatawang sabi ko saka marahas na binuksan ang pinto at nagtatakbo papunta sa kama niya.
"What are you doing here?! Can't you just knock?!" Masungit na sabi nito habang masama ang titig sa akin, mas lalo ko pang nilapadan ang ngiti ko. "Wieee!" Ani ko saka tumalon sa kama niya kaya tumalbog-talbog kami. "Hihihi!"
"What the---Abby!" Protesta niya pero hindi ako nakinig, at sa halip ay hinarap ko ito sa kama at nakangiting tinitigan siya. I will miss that face. "Hihi, I love you ate!"
Nagulat pa siya nang yumakap ako ng mahigpit saka bahagyang natigilan. "Stay away from me!" Palahaw niya saka ako buong puwersang itinulak kaya tumilapon ako pababa at nagpagulong-gulong. "Ah."
Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko kaya napahawak ako doon. "Aray," Impit na angil ko. "Hey," Napatingin ako kay Ate ng may pagtatakang tingin. Agad kong tinanggal ang kamay sa ulo ko saka ngumiti. "Mag-aalmusal na Ate, hihi!" Anang ko saka siya buong puwersang hinawakan sa pulsuhan at hinila pababa. "Ma! Andito na si Ate, hihi!"
"Oh, good morning, sweetie," Bati ni Mama saka lumapit at humalik sa pisngi ni Ate. "Kain na po kayo, tatawagin ko lang po yung iba pa," Paalam ko saka nagtungo sa kuwarto ni Kuya. "Kuya JohnJohn!" Sigaw ko mula sa labas saka walang anu-ano'y pumasok sa kuwarto niya at tumalon papunta sa kama. "Hi kuya," Pigil tawa kong sabi habang nakatitig sa kaniya. Unti-unti itong dumilat saka tumingin sa akin. "Hi, Abby."
"Almusal na, kuya! Baba na tayo!" Hinila ko ito tulad ng ginawa ko kay Ate. "Andito na si kuya, yiee!" Natatawang pang-aasar ko, sinamaan naman ako ni kuya ng tingin.
Lumapit si kuya papalapit kay Mama saka hulik sa noo nito. Ganoon din sana ang gagawin niya kay Ate nang umamba ng siya ng suntok. Natatawa ko silang pinanood saka iiling iling na umakyat papunta sa kuwarto ni Papa.
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Fiksi Remaja[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...