KRISTEL'S POV
ISANG buwan. Isang buwan na ang nakakalipas magmula nang mawala si Abby. Pero 'yung sakit ay nandito pa din sa puso ko at kailanman ay hindi mawawala. Ang mga ala-alang ibinigay niya ay pang-habambuhay kong dadalhin at gagawing inspirasyon sa pang-araw-araw. Hindi niya manlang nalaman kung gaano ko siya kamahal, at kung paano ko pinahahalagahan ang pagkakapatid namin. Pero kahit na gano'n ay alam kong nasa kalangitan na siya at pinapanood kami.
Tulad ng hiningi niyang paki-usap sa akin noon ay binasa ko sa harap ng maraming tao ang nilalaman ng diary niya, at doon lang namin nalaman kung gaano kabigat at kasakit ang naranasan niya mula sa amin. Siguro nga ay pinahintulutan na din ng Diyos na kuhanin na siya dahil gusto na niyang magpahinga si Abby.
Napaka-bilis ng mga pangyayari. Sobrang bilis. Araw at linggo lang ang pagitan ng mga pangyayari.
Kung kailan masaya, buo at nagkaroon na ng kapatawaran ay siya namang pagkawala niya... pero, naniniwala ako na pinilit lang lumaban ni Abby kahit nahihirapan na siya dahil gusto niya, bago siya lumisan ay maging maayos muna ang lahat.
Siguro nga ay mayroong dahilan kung bakit nangyari ito. At nagtitiwala ako sa maykapal sa kung ano man ang nakatakdang plano niya kay Abigail.
Sa loob ng isang buwan na iyon ay tila gumuho ang mundo namin. Siguro nga ay patikim lang ang naranasan naming saya noon sa Palawan.
Bumuntong-hininga ako at nginitian ang lapida ni Abigail. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at muling nilinisan iyon.
Binisita ko ngayong araw si Abby dahil bukas na ang birthday niya. Inunahan ko na sila dahil mas gusto ko ng mapayapa. Gusto ko, ako lang muna mag-isa ngayon.
Kung puwede lang sana ako nalang ang naka-himlay diyan. Hindi deserved ni Abby 'to. Ako 'tong masamang kapatid. Ako dapat ang nauna. I'm sorry, Abby.
Bumuntong-hininga ako at sinikap na huwag umiyak pero hindi ako nagtagumpay. Siguro nga ay ito ang parusa ko. Habang-buhay ako magsisisi sa mga nagawa ko.
Pero kahit gano'n, tatanggapin ko iyon. Kung dahil doon ay makakabawi ako sa lahat ay handa kong harapin. Dahil sapat na ang dahilang mahal ko ang kapatid ko para mapagtagumpayan ang anumang darating sa buhay ko. Dahil siya ang inspirasyon ko. Habang-buhay kong babaunin ang mga aral na nakuha ko sa kaniya. Ipinapangako ko na magiging mabuting tao ako dahil iyon ang itinuro sa akin.
Dahil naniniwala ako na gusto akong makita ni Abby na maging mabuting tao. At dahil doon ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil tinuro niya sa akin ang tamang landas.
I love you, Abby.
Abigail Deborah Joanna Marianne Del-Luna Quintanilla
November 12, 1984 - September 2, 2006
A Year Later . . .
"Congrats, anak." Napahagikhik ako. "Thanks, Mom. Dad. Kuya." Niyakap ko silang lahat at ginantihan naman nila iyon.
"Nuhks, suma-cumlaude. Congrats, pamangks!" Niyakap ako ni Tito Philip at natawa naman ako sa sinabi niya. "Naku, kung nandito lang si Abby ay baka siya ang makakuha nito, haha."
Nag-picture muna kaming lahat bago namin napagpasyahang magtungo sa mall para mamasyal nang--
"You. Come with me." Puno ng awtoridad na utos ng isang lalaki sa akin.
"Yiee, boyfriend mo ata, pamangks. Samahan mo na," pang-aasar ni tito Philip sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang mapadako naman ang tingin ko kay Daddy at Mommy ay nakangiti na ang mga ito sa akin na parang sinasabing sumama na ako.
Bumuntong-hininga nalang ako at siguro ay out of curiosity ay sumama na lang ako sa kung saan kami patungo.
Nagulat nalang ako nang igiya niya ako sa mamahalin niyang Bugatti Veyron 16.4 car niya. Sa pagkaka-alam ko ay nasa 2 Million Dollars ito.
Nahihiya man ay sumakay nalang ako kahit pa mukhang basahan lang ako. Hindi ko na napansin pa ang toga at mga medal na suot ko dahil sa kaba.
Naging matahimik lang ang byahe namin at namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng Starbucks. Iginiya niya ako palabas ng kotse, hanggang sa makapasok kami sa loob.
Sa tingin ko ay may reservation kami dahil pagkarating namin ay mayroon agad na order na dumating sa amin.
"I don't want to waste my time just to talk with you." Eh bakit niya ako kinakausap? "But if it's for Abigail, I will."
Natitigilan akong tumitig sa kaniya. Paanong nakilala niya si Abigail? Parang wala naman akong natatandaan na kaibigan niya noon sa school o sa kahit saan na ganito ka-guwapo at ka-yaman?
Nang dahil sa lalong pag-igting ng kuryosidad sa dibdib ko ay lalo pa akong na-intriga sa mga sasabihin niya.
"You are Kristel Ramos, right?" Prente siyang sumandal sa kinauupuan at humigop ng kape.
Tumaas ang kilay ko. "How did you know?"
"Your sister told me... a while ago."
THE END
--OF BOOK 1
See you in Book 2!
Yes, you read it right. We have a second book of this story!

BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Novela Juvenil[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...