ENTRY 16

101 10 0
                                    

January 12, 2006

Dear Diary,

Naka-uwi na ako sa bahay kaninang umaga. Si Sir Andrew ang naghatid sa akin pauwi. Nahihiya ako sa kaniya dahil sinagot niya na din ang gastusin sa ospital. Pinakiusapan ko si Sir na huwag ipaalam sa pamilya ko kung ano ang nangyari dahil ayaw kong mag-alala sila.

Hindi na ako pinapasok pa ni Sir at sinabing magpahinga na lamang ako. Siya na daw ang bahala sa pag-excuse sa akin sa mga teachers ko.

Kanina pag-uwi ko, tinanong ako nila Mama kung saan ako nagpunta. Siyempre, hindi ko masabi sa kanila kung saan ako nanggaling at kung ano ang nangyari. Dahil sa wala akong naisagot sa kanila ay inisip nilang nakipag-landian daw ako, na nakipag-anuhan daw ako sa ibang lalake kaya hindi ako nakauwi.

Mas ayos na iyon 'yung paniwalaan nila kaysa sabihin ko ang totoo.

Ipinakita ko sa kanila 'yung medal na nakuha ko sa quiz bee. Ang akala ko ay matutuwa sila pero ikinumpara lang ako sa iba.

Ngumiti na lang ako sa kanila at natutuwang nakinig. Ipinakita ko kung gaano ako ka-proud sa mga achievements na nakuha nila Ate at Kuya, na ibinibida nila Mama at Papa. Ipinapamukha nila sa akin kung gaano ako ka-tanga para isiping ikamatuwa nila ang nakuha kong nag-iisang medalya.

Masakit ang maikumpara sa iba, lalo na kung ibinigay mo ang buong makakaya mo para makuha ang titulong inaasam mo, na inaasahan mong ikatutuwa nila. Mahirap mameke ng ngiti kahit na sa loob loob mo ay gusto mo nang umalis at lumuha ng lumuha.

It is truly hard to expect for nothing. Ginawa ko para sa kanila iyun, eh, para may magawa naman akong tama.

Until now, I am questioning my existence. I am repeating the same question everyday of my life. Do I do something wrong?

Lahat ng mga pagkakamali ko ay nakikita nila, ngunit kapag itinatama ko ang mga ito ay mali pa din.

Naiisip ko tuloy, pagkakamali lang ba ako? Nabuo lang ba ako dahil sa isang aksidente?

Kaunting panahon na lang ang ilalagi ko sa mundo, diary. I want to cherish every seconds of my life. I want to fill my remaining times with positivity and happiness.

I think I should start being happy tommorow. For now, I should sleep first. I love you, diary.

Nagpapakatatag,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos.


Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon