ABIGAIL DEBORAH JOANNA MARIANNE RAMOS' POV
HUMINGA ako ng malalim. "Kill me first." Mariin at napapalunok na sabi ko. Ngumisi siya sa akin saka tumango. "If that's what you want." Aniya saka naglabas ng baril mula sa bulsa at nakangiting itinutok ito sa ulo ko.
Akmang ipuputok na niya ito sa akin nang sa isang iglap ay maagaw iyon ni Kuya JohnJohn. Ipinukpok niya ang baril sa ulo ng lalake, saka ito sinuntok at pinatumba.
"Are you okay?" Nag-aalala nitong tanong, saka kami nilapitan at sinipat ang kabuuan namin.
"Da-Dalhin natin si Ate sa ospital," Naghihisteryong sabi ko saka tinulungan si kuyang akayin si Ate. Napatingin naman ako sa lalakeng nawalan ng malay. Naaawa 'man ako sa kalagayan niya ngunit wala kaming oras para tulungan siya.
Tulad ng sinabi ko, dinala namin si Ate sa pinaka-malapit na ospital. Tinawagan ni kuya sila Mama at Papa para papuntahin sa ospital.
"Ayos na po ba ang ate ko?" Tanong ko sa doktor nang makalabas na ito sa silid ni Ate. "Ayos na ang kalagayan ng pasyente. Nagamot na din namin ang ilang galos at pasa niya. Maaari na kayong pumasok sa loob." Aniya saka itinuro ang pinto. Dali-dali naman kaming pumasok ni kuya, at doon tumambad sa amin ang kaawa-awang kalagayan ni Ate. "A-Ate," Lumapit ako sa kama niya saka naupo sa tabi niya. Hinagod-hagod mo ang buhok niya.
"Andito na sila Mama." Matamlay na ani kuya, saka pinagbuksan ng pinto ang mga magulang namin.
"Kristel!" Sumigaw sila at dali-daling lumapit sa anak. "Anak ko," Anang Mama saka kinuha ang kamay ni Ate at pinaghaplos-haplos ito sa kaniyang pisngi. "What happened?!" Naggagalaiting sabi ni Papa, ako ang nilingon. Nagitla ako nang samaan niya ako ng tingin saka hinawakan sa panga. "Anong nangyari sa anak ko?!" Nangilid ang mga luha ko dahil sa takot.
Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Papa. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong padarag na hinila papalabas ng pinto. Walang salita si Papa habang naglalakad kami, samantalang ako naman ay nagpapatianod sa kaniya.
Bumaba kami at lumabas ng ospital. Pumunta kami sa parking lot, saka sumakay sa kotse na pagmamay-ari ni Papa.
Itinulak ako nito papasok kaya sumubsob ako sa upuan. "Tang*na. Bilisan mo!" Angil ni Papa saka ako tinadyakan upang tuluyan na akong makapasok sa passenger's seat.
"Pa!" Dinig kong pagtawag ni kuya pero hindi siya nilingon ni Papa. Sumakay na agad si Papa sa driver's seat saka mabilis na pinaandar ang kotse.
"P-Pa, saan po tayo pupunta?" Gumaralgal ang tinig ko, saka nagsibagsakan ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi siya tumugon, at sa halip ay nagtuloy lang sa pagmamaneho.
Mga ilang oras pa kaming bumyahe, hanggang sa tumigil kami sa isang madilim na kagubatan. Hindi ko mawari kung saan iyon.
Bumaba agad ng sasakyan si Papa saka ako dinaklot sa uniporme at hinila sa kung saan 'mang parte ng lupa. "Kasalanan mo kung bakit na-ospital ang anak ko." Madiin niyang sabi, parang siguradong-sigurado sa mga sinasambit. "P-Pa---" Sinampal niya ako kaya bumagsak ako sa mabuhanging sahig. "Bakit mo nagawa iyon sa kapatid mo?! Dahil na-iinggit ka sa kaniya?! Tang*na mo!" Tinadyak-tadyakan niya ako. Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko, upang ipangsalag sa ulo ko. "Pa, let me explain---" Naputol ako sa sasabihin nang biglang nandilim ang paningin ko. "Pa?" Pagtawag ko, wala akong makuhang tugon, at sa halip ay puro pananakit lang ang nararamdaman ko. "Nakakahiya ka," Muli nitong angil saka ako sinipa sa huling pagkakataon. "Huwag na huwag kanang magpapakita sa amin, kahit kailan." Biglang lumamig ang tinig niya, saka ko nalang narinig ang mga yabag niyang papalayo na sa akin.
"Pa?" Unti-unti nang bumalik ang paningin ko. "Pa!" Pagtawag ko saka tumakbo papunta sa kotse niyang aandar na paalis. "Pa." Kinatok ko ang bintana ng kotse niya, hindi niya ako nilingon. "Pa, Pa, Pa!" Kumatok ako ng kumatok, hanggang sa tumakbo nadin ako para makasabay sa bilis ng kotse niya. "Pa, please don't leave me here," Tumulo na ng tuloy tuloy ang mga luha ko nang mapatigil na ako sa pagtakbo at maiwan na niya ako sa madilim, malamig at delikadong kagubatan.
Napaluhod ako habang pinapanood ang papalayo nang liwanag ng kotse ni Papa. Napayuko ako at ginamit ang dalawang palad upang mapunasan ang mga luha.
Nakaramdam ako ng pamamasa sa ulo ko, kaya nalatingala ako sa kalangitan. Unti-unting nagsibagsakan ang mga ulan, hanggang sa lumakas ito. Nakaluhod lang ako do'n, pinapanood ang pagbuhos ng ulan, habang tinatangay niyon ang mga luha ko.
Napapikit ako saka dinama ang malamig na simoy ng hangin.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang ulan. Tinatangay niyon ang mga luha ko, at nagiging dahilan iyon upang hindi makita ng mga taong umiiyak ako. Sila ang dumadamay sa akin tuwing nalulungkot ako, kailanman ay hindi nila ako binigong samahan.
Nagbaba ako ng tingin, saka nahiga sa sahig. Tumihaya ako at ginawang unan ang dalawang braso ko. Pumikit ako upang damhin ang magandang sensasyong idinudulot ng ulan, at ng malamig na hanging umiihip at umaalpas sa mga balat ko.
Dear Diary,
Bakit hindi nila ako hayaang makapag-paliwanag? Gano'n ba ako kasama sa paningin nila? Na para bang kaya kong ipahamak ang sarili kong kapatid?
Bakit sila ganito ka-grabe sa akin? Hayop ba ang tingin nila sa akin?
Pamilya ba ang turing nila sa akin?
Nagtatanong,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos.
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Ficțiune adolescenți[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...