Day 211...
"Astanilla, North S."
Malapad akong napangiti nang banggitin na sa wakas ang pangalan ko. Suot ang itim na toga, agad akong umakyat sa entablado kung saan nandoon at nakatayo ang lahat ng propesor sa aming university. Naglakad ako papalapit sa aming university director na siyang may hawak ng diplomang ilang taon ko ring pinaghirapan.
"Congrats, Mr. Astanilla." nakangiting bati ni Director Chan sa akin.
"Thank you, Sir. Mami-miss kita." nakangiti ko ring sambit sabay kuha ng diplomang iniaabot niya sakin at nakipagkamay sa kanya.
Napatingin naman ako sa ibang estudyanteng tulad ko ay nakasuot din ng itim na toga na kasalukuyang pumapalakpak. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko sa ere na siyang may hawak ng diploma dahilan para lalong magpalakpakan at magsigawan ang mga nasa baba ng entablado.
Matapos ang graduation ceremony, hinayaan nang lumapit ang mga pamilya ng graduatees at magkaroon ng kanya-kanyang picture taking. Lahat ay masaya, syempre sa wakas nakagraduate na rin kami sa college.
"Kuya, patahanin mo na si Mama. Iyak pa rin ng iyak." iritang sambit ng nakababata kong kapatid na si Jammy.
"Your mother is just proud of your brother, Jam." saad ni Papa na hinihimas pa rin ang likod ni Mama na patuloy sa pag-iyak.
"I just can't believe this is happening." umiiyak na sambit ni Mama. "He graduated and that means he's leaving us." dagdag pa nito.
Natigilan naman ako. Kahit sina Papa at Jammy ay natahimik dahil sa sinabi ni Mama.
Pinilit ko na lamang ang sarili ko na ngumiti at niyakap nang mahigpit si Mama. Naramdaman ko rin naman ang pagyakap niya pabalik sa akin dahilan para mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya.
"Mildred, graduation ito. Hindi lamay. Hinaan mo yang iyak mo." nahihiyang sambit ni Papa dahilan para mapatawa ako.
Mabuti na lamang at sinaway na ni Papa si Mama kundi baka napaiyak na rin ako. Pinakalma ko na lamang si Mama at niyaya silang magpicture bilang remembrance sa araw na ito. Mabuti na lang at dala ni Jammy ang pinakainiingat-ingatan niyang digital camera.
"Brevin, picturan mo kami." sigaw ko kay Brevin na abala sa pakikipagkwentuhan sa di kalayuan.
Napatingin naman ito sa akin at napangiti. Agad itong lumapit sa amin at nagmano kina Mama at Papa.
"Hi Jammy." bati ni Brevin sa kapatid ko na may makahulugang ngiti sa mukha.
Nakita ko namang napangiwi si Jammy. "Kuya, your bestfriend is hitting on me again." reklamo nito.
Itinulak ko na lamang si Brevin at iniabot ang digicam ng kapatid ko. "Wag ka magreklamo dyan. Gusto mo rin naman deep inside." pang-aasar ko.
Napatawa na lang si Brevin at sinimulan na kaming kuhanan ng litrato.
Matapos ang ilang kuha ay tiningnan na ni Jammy ang resulta habang si Brevin naman ay bumalik na sa kanyang pamilya. Hinayaan ko muna ang pamilya ko habang abala pa sila at unti-unting dumistansya sa kanila. Kinapa ko ang maliit na notebook na kanina pa nakalagay sa bulsa ng pantalon ko at inilabas ito.
Kinuha ko ang ballpen na nakaipit sa pagitan ng notebook at nilinyahan ang nakasulat sa isang parte ng pahina.
Nagbitaw ako ng isang malalim na buntong-hininga at tiningnan ang mga nakasulat sa bawat pahina ng maliit kong notebook. Ang ilan sa mga ito ay nalinyahan na rin noong mga nakalipas na buwan.
Isinara ko na ang notebook at bumungad sa akin ang nakasulat sa ibabang bahagi nito.
North's Bucket List
Kailangan kong magawa ang lahat ng nakasulat sa notebook na ito. Kailangan ko itong matapos, bago ako ikasal.
Dahil sa sandaling ikasal ako, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na magawa ang mga ito. Hindi na.
Because when I get married, I'll probably die.
North Astanilla on the multimedia box
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.